PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips para maiwasan ang impulse buying

Attention: Mga gastadora!
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published Apr 9, 2025
buy button
“Kailangan ko ba talaga ito?” If it's just a want and you're thinking of buying it because it's on sale, the next question is, "Nasa budget ba?" If the answer is no, do not buy it.
PHOTO/S: Canva

Minsan, may balak ka lang bumili ng isang item, pero pagdating sa mall o online shop, may dagdag pang limang items.

Member ka ba ng “add to cart, regret later” club? If yes, you’re not alone.

Ang impulse buying ay isa sa mga dahilan kung bakit lumalaki gastos sa kakabili ng mga items na hindi naman talaga kailangan.

Pero don’t worry, may paraan para iwasan ito.

Here are some smart shopping tips, according to Forbes, para maging mas responsable sa paggastos.

Read: Summer eating tips: What doctors want you to know

SET A BUDGET BEFORE SHOPPING

Mag-set ng budget para walang overspending.

Halimbawa, may PHP1,000 kang budget for grocery items, siguraduhing hindi ka lalagpas dito.

Kung di maiwasang lumampas, minimal lamang.

Kapag may biglaang temptation, itanong sa sarili ang mga sumusunod:

  • “Kailangan ko ba talaga ito?”
  • “Priority ba ito?”

Kung “no” ang resounding answer, huwag bilhin—as simple as that!

calculating
Sticking to your budget when buying or shopping is one of the effective ways to prevent impulse buying.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CREATE A SHOPPING LIST AND STICK TO IT

Bago lumabas ng bahay or mag-open ng shopping app, make sure na may shopping list ka na.

Isulat lang ang mga bagay na talagang kailangan at sundin ito.

Kapag may nakita kang tempting item, huwag magpadala sa tukso.

Kung wala sa list, skip na.

AVOID SHOPPING WHEN YOU ARE STRESSED OR HUNGRY

Bakit? Dahil nagiging emotional buyer ka.

May tendency kang bumili ng extra food, unnecessary items, or mag-splurge sa shopping as a form of "stress relief."

Tip: Eat first before going grocery shopping at huwag gumamit ng shopping bilang pampalipas ng stress.

Mas okay ang budget-friendly self-care tulad ng paglalakad sa park, pag-meditate, or panonood ng iyong favorite series.

Read: What is hoarding disorder and what are its symptoms?

BE WARY OF SALE AND DISCOUNTS

“SALE! Buy 1, Take 1! Limited Offer!”

Aminin mo, nakakasilaw ang mga ‘yan! Pero huwag magpapadala sa sale kung hindi mo naman talaga kailangan ang item.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yes, makakatipid ka kung talagang kailangan mo yung produkto, pero kung bibili ka lang dahil naka-sale, gumagastos ka pa rin nang hindi dapat!

Ang best strategy? Tingnan ang original price at itanong sa sarili:

  • “Bibilhin ko ba ito kung wala itong discount?”
  • “Gagamitin ko ba talaga ito?”
  • “Baka may mas priority akong bilhin?”

Kung ang sagot ay hindi, iwan na iyan!

USE THE 24-HOUR RULE

Kapag may nakita kang gusto mong bilhin pero hindi naman kailangan, huwag agad bumili.

Hintayin ang 24-hour rule—ibig sabihin, isipin mo muna nang isang buong araw bago ka magdesisyon.

Madalas, after 24 hours, mare-realize mong hindi mo naman pala talaga kailangan ang item at nakatipid ka ng pera.

Pero kung gusto mo pa rin siya after 24 hours at pasok pa rin sa budget mo, then go ahead!

PAY IN CASH INSTEAD OF USING A CREDIT CARD

There is nothing worng with using a credit card, basta't hindi ka gastadora.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero ang usual case kasi, mas madaling mag-overspend kapag ito ang gamit.

Unlike kapag cash, mas aware ka sa perang lumalabas sa wallet mo.

Kung kailangang gumamit ng credit card, siguraduhing kaya mong bayaran ang buong amount before due date para maiwasan ang utang at interest.

credit card
Instead of using your credit card, opting to buy in cash is another helpful tip to avoid unnecessary buying.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

UNSUBSCRIBE FROM ONLINE SHOPPING ALERTS

Nakaka-tempt talaga ang mga email na “FLASH SALE!” o “Only 2 Hours Left!” o “Check out your cart now!” dahil feel mo kailangan mong magmadali.

Pero truth is, marketing strategy lang iyan para mapa-check out ka agad.

To avoid temptation, unsubscribe sa mga promotional emails ng online shopping apps at i-turn off ang notifications para hindi ka ma-engganyo sa mga biglaang sale.

In general, impulse buying can drain your budget at makakaapekto ito sa financial goals mo.

Pero sa tamang disiplina, budgeting, at self-control, kaya mong pigilan ang urge na bumili ng mga hindi naman importante.

Next time na ma-tempt kang mag-add to cart, take a step back and ask yourself: “Need or want?”

Clarification lang, ang reminders na ito ay hindi naman pagde-deprive sa sarili sa mga bagay na gusto mo, kundi mga tips kung ang goal mo talaga ay iwasan ang impulse buying.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag natutunan mong kontrolin ang impulsive spending, mas madali kang makakaipon at makakamit ang mas malaking financial goals.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Kailangan ko ba talaga ito?” If it's just a want and you're thinking of buying it because it's on sale, the next question is, "Nasa budget ba?" If the answer is no, do not buy it.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results