Ang 2025 ay Year of the Wood Snake base sa Chinese Zodiac.
Curious ka ba kung kasama ang iyong Chinese zodiac sign sa mga masuwerte ngayong taon?
Narito ang forecast ng feng shui consultant na si Johnson Chua na kanyang ibinahagi sa Unang Hirit nitong January 1, 2025, mismong araw ng Bagong Taon.
Ani Johnson, ang Top 3 luckiest Chinese Zodiacs sa taong ito ay ang Rooster, Monkey, at Horse.
Pasok naman sa Top 5 ang Dragon at Rat.
Pinag-iingat naman sa lahat ng signs ang Year of the Pig.
Narito ang detalye ng feng shui consultant sa bawat zodiac sign.
SNAKE
Sabi ni Johnson, gusto ng mga isinilang sa Year of the Snake ng recognition.
Maganda raw ang 2025 para mag-level up sila.
“Kasi kapag sarili mong taon, mas maganda yung opportunities,” ani Johnson.
“’Yun nga lang, mas malakas din yung conflict energies, kasi pag lahat nakatingin sa iyo, you’re very prone also sa people na maiinggit, maninira sa iyo.
“Kaya dapat wag lang sila padalos-dalos sa decisions nila for the year.”
Read: Here are tips to help you save and become debt-free in 2025
RAT
Pasok ang Rat sa Top 5 animal signs this 2025.
“This is a very good year. Kailangan i-push nila kung ano yung mga goals nila or target nila for the year,” sabi ng feng shui consultant.
“Kasi malakas ang Power Star nila na kapag may gusto sila puwedeng ma-create, puwedeng mangyari.
“Yun nga lang magiging maingat lang sila. Kailangan may focus, may concentration. ‘Wag lang pinagsasabay-sabay ang target goals. One at a time…"
OX
“Ox is the friend of the snake, so we can say naman this year is a network year,” ani Johnson.
“Maraming opportunity na puwedeng tumulong sa atin.
“’Yun nga lang, medyo mababa ang energy ng Ox ngayon, specially in terms of health. Medyo kailangan bantayan natin.”
Dagdag niya, “Kailangan maging maingat sa emotions…”
Maaari raw maging sanhi ng problema kapag nagpadalus-dalos sa pagdedesisyon base sa emosyon.
TIGER
Maganda raw ang taong ito sa Tiger “in terms of network and connections.”
Kabig ni Johnson, “It’s a little challenging year din for them. They need also to be careful in terms of health.
“’Tsaka mag-ingat sila sa mga robbers, cheaters, swindlers.
“Not the best year to make yung mga high-risk transactions. Dapat go with the flow lang, saka calculative. Maybe more conservative.
“For the work, medyo maganda naman sa kanila kung merong network and connections, there are good opportunities.”
Taon daw ito ng transformation, so may pagkakataon din para sa career advancements. Kaya malaking impact daw rito ang mga gagawing desisyon.

RABBIT
“Very powerful ang career ng Rabbit ngayon. There’s a sign of power, promotion, recognition... This a year also to shine,” sabi ng feng shui consultant.
“But the problem lang, yung health. Kasi the more na mas sikat, maraming puwedeng gawin, mas mabilis silang mapagod. So kailangan lifestyle balance, napaka-importante.”
Read: How to turn leftovers into delicious new meals
DRAGON
Pasok sa Top 5 animal signs ang Dragon.
Karaniwang masuwerte ang isinilang sa Year of the Dragon.
Paliwanag dito ni Johnson, “Kasi maganda sa Dragon, they don’t accept malas. They always have a positive output, or yung ugali nila, everything is positive.”
Forecast niya, “This year kung maraming opportunities na maaaring lumapit sa Dragon that means if you have the right mindset, positive emotions, makukuha mo siya. Kaya very positive for the Dragon now."
SHEEP
"This year is an achievement year,” positibong pahayag ni Johnson para sa mga ipinanganak under Year of the Sheep.
“So that means maraming productivity, maraming achievement na puwedeng makuha. Mas lalo na, yung Wealth Star, nasa kanila rin, so Money Star iyon.
“Kaya, kumbaga, basta sales, or maybe gusto nila ng financial investments…”
Paalala naman niya, “Although this year mag-ingat pa rin sa trust issues. Kumbaga, maging conservative pa rin.
“Saka health most important pa rin sa Sheep, lalo na gastro, medyo mahina ang Sheep sa gastro.”
MONKEY
Isa rin sa Top 3 Chinese zodiac signs this year ang mga isinilang sa Year of the Monkey.
Ani Johnson, ang Monkey ay ang “best friend” ng Snake.
Dugtong ng feng shui consultant, “Kasi kapag kaibigan mo yung taon, ikaw ang nilalapitan ng opportunities. Ikaw yung nilalapitan din ng suwerte.
“Ang importante lang sa Monkey, be more decisive. Kasi mamaya ang daming lumapit, hindi ka makapag-decide, natapos yung taon wala kang nagawa.
“Be more decisive at [dapat] may target goal ka for the year."
ROOSTER
Nangunguna raw na pinakamasuwerte ngayong 2025 ang Rooster.
“So network, connections, yun talaga ang pinaka-powerful sa kanya. So it’s a year of expansion.
“’Pag meron kang gusto, i-push mo talaga siya,” reminder ni Johnson.
“Although medyo malakas man ang conflict, like inggit, naninira, wag lang nating masyadong pansinin. Dapat matuto lang tayong mag-dedma.”
DOG
Ngayong taon ay marami raw taong maaaring tumulong sa mga isinilang sa Year of the Dog.
Sabi ni Johnson, “It’s also a very good year in terms of helpful people, may mga mentor or mga advice na puwedeng makatulong din.”
Babala naman niya, “Maging maingat sila sa emotions nila, especially in terms of handling their temper.
“Mas madali kasing uminit yung ulo nila for this year.
“Sobrang analytical, sometimes nag-o-overanticipate sila sa mga puwedeng mangyari, that's when their emotions comes in.
"Puwedeng maging frustration siya, maging fear.”
PIG
Ang mga isinilang sa Year of the Pig ang pinag-iingat ngayong 2025.
“Kasi number one kalaban ng Snake is the Year of the Pig,” sabi ni Johnson.
Pero bawi niya, “In my practice, there’s no such thing as malas, na pag sinabi mong challenging year, maybe lang, may mga pagsubok, may mga changes, transformations.
“Tibayan niyo lang emotions niyo. Kasi sometimes through transformations and changes, baka lalo kayong makakuha ng better opportunities.
“Basta yung emotions lang very important kasi Pigs are very emotional people, they’re very emotionally driven.”

H0RSE
Magandang taon ang 2025 para sa mga isinilang sa Year of the Horse.
Pumapabor daw ang suwerte pagdating sa career at pabor kung marami kang gagawin tulad ng pagbibiyahe, ayon sa ulat ng South China Morning Post.
Tiyakin daw na tama ang susuunging investments. At makabubuti ang tamang pakikitungo para may mga malalapitan kapag kailangan ng tulong.
Dahil magiging busy ngayon taon, pinapaalalahan ang mga isinilang sa Year of the Horse na iwasang ma-burn out at mapagod.
Dapat daw pag-isipang mabuti ang mga gagawing long-term plans.
Ngunit tulad ng laging sinasabi ng feng shui experts or consultants, ang mga forecast o prediksyong ito ay mg gabay lamang at nasa kamay pa rin ng tao ang kanyang kapalaran.
