Ang Louis XIII Fleur de Parme ang itinuturing na pinakamahal na cigar lighter sa buong mundo.
Sa mga hindi nakakaalam, ang cigar ang ay nakarolyong tabako na mas malaki sa sigarilyo.
Read: Billionaire surprises YouTuber with watch worth PHP200K

Read: Hand-soap maker wins case vs. global brand Carolina Herrera
Pinakasikat na cigar producer sa buong mundo ang mga bansang Cuba, Dominican Republic, Nicaragua, at Honduras.
Malawak ang kanilang variety ng mga dahon ng tabako na ginagamit nila sa paggawa ng cigar, at nag iba sa kanila ay napakabango ng aroma.
Kaya naman para sa mga mayayaman, kailangan din na mamahalin ang gagamiting pansindi sa mga cigar, gaya na lamang ng lighter Louis XIII Fleur de Parme.
Read: Hand-soap maker wins case vs. global brand Carolina Herrera
DESIGNER TINULUNGAN NG 80 ARTISANS NA MABUO ANG CIGAR LIGHTER
Noong 2023, kinomisyon ni Steven Hung, isang Hong Kong billionaire, ang French luxury brand na S.T. Dupont na gawin ang Louis XIII Fleur de Parme cigar lighter.
Si Steven ay fascinated sa French history.
Napaka-specific ng mga ibinigay niyang requirements kaya alam ng Dupont na ang proyekto ay dapat gawin ng isang special designer na may intimate knowledge sa culture and history ng France.
Ang inatasan ng kumpanya para gawin ang Louis XIII Fleur de Parme cigar lighter ay si Princess Tania de Bourbon Parme.
Si Princess Tania ay direct descendant ni Louis XIII at isa ring renowned designer.
Gumugol siya ng anim na buwan para mabuo ang espesyal na cigar lighter.
Nakatulong niya ang 80 artisans ng kumpanya para lang magawa ang Louis XIII Fleur de Parme cigar lighter.
Read: Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone
CIGAR LIGHTER YARI SA GINTO AT SAPPHIRE
Ang Louis XIII Fleur de Parme cigar lighter ay inspired ng Renaissance/Baroque style ng King Louis XIII era.
Ang disenyo ng cigar lighter ay parang royal gold crown na nakalagay sa isang decorative base.
Yari ito mula sa 400 grams ng solid gold.
May adorno rin ito na 152 sapphires na may kabuuang 41 karats.
Read: CHECK THIS OUT: "Toothache Tree" known for curing dental problems

Read: Dolce & Gabbana launches perfume for dogs
Matapos ilunsad noong November 2013, ang Louis XIII Fleur de Parme cigar lighter ay agad ding kinilala ng Guinness World Records bilang “world’s most expensive cigar lighter.”
Ang ibinayad dito ni Steven ay US$500,000 o PHP28,169,571.86.
Hanggang sa kasalukuyan, ito pa rin ang may hawak ng naturang record.
Dahil naging popular ang Louis XIII Fleur de Parme cigar lighter sa mga luxury product collectors, gumawa pa ang S.T. Dupont ng 31 na maliliit na replica nito.
Ang bawat piraso ay ibinenta sa halagang US$15,900 o PHP895,340.45.
Read: Woman wins lotto; big brother demands half of her prize
FRENCH LUXURY BRAND, GUMAWA RIN NG PINAKAMAHAL NA CIGARETTE LIGHTER
Ang S.T. Dupont din ang lumikha ng “world’s most expensive cigarette lighter.”
Para naman ito sa mga mayayamang sigarilyo ang gusto at hindi cigar o tabako.
Inilunsad ang Ligne 2 Champagne Lighter noong 2009.
Ang presyo nito ay US$79,461 o PHP 44,742,291.37.
Gawa ito sa high-quality polyurethane.
Ang pinaka-case nito ay yari sa 18-carat white gold at nadedekorasyunan ng 468 brilliant-cut diamonds.
Read: 38-year-old writer chooses to live in home for the elderly

Read: Nanny earns PHP20K per hour as Taylor Swift look-alike
Ang ganitong uri ng lighter na gawa ng S. T. Dupont ay limitado lang ang production.
Kaya naman sobrang mahal ng mga lighter na gawa ng kumpanya ay sapagkat napanatili nito ang kalidad ng mga produkto, brand image, sense of exclusivity, at ang luxurious experience o bragging rights ng pagiging owner ng S. T. Dupont lighter.
Read: Man stolen as baby reunites with wealthy family after 33 years
