PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arci Munoz moves on from stolen debit card incident

"Okay na yun, ipaubaya na natin."
by Rommel Gonzales
Published Jun 7, 2024
arci munoz
Arci Munoz is no longer pursuing the celebrity who borrowed money from her: “Saka di ba mas blessed naman na tayo ngayon? So okay na yun, ipaubaya na natin."
PHOTO/S: @ramonathornes on Instagram

Tulad ng marami, naranasan na ni Arci Muñoz ang mautangan at hindi na mabayaran.

Kapwa artista ang nangutang sa kanya noon, kuwento niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa isang online interview na ginanap noong May 6, 2024, via Google Meet.

“Oh gosh! Matagal na panahon na yun, bata pa ko, e,” natatawang sabi ni Arci.

Hindi raw siya nabayaran ng artistang nangutang sa kanya.

“Hindi na, hindi na ko naningil. Okay na yun, matagal na matagal na panahon na yun, kinalimutan ko na, saka maliit na halaga lang.

“Saka di ba mas blessed naman na tayo ngayon? So okay na yun, ipaubaya na natin, at least nakatulong tayo.”

Nakikita pa ba niya ang taong may utang sa kanya?

“Hindi na masyado, hindi na, not at all.

“Mga friends ko na lang yung recent, pero wala naman sila sa showbiz.

"Pero I’m grateful na nakakatulong din ako. That’s why blessed talaga, baka yun din yung purpose kaya tayo bine-bless ni God, also to help others.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARCI MUÑOZ ON LENDING MONEY

Natanong si Arci tungkol sa utang dahil kinuha siyang celebrity endorser ng JuanHand, isang kumpanya na nagpapautang sa mga nangangailangan.

Ano ang una niyang reaksiyon nang nalaman niyang kinukuha siyang endorser ng isang online lending company?

“At first ano po, I’ve been really seeing their ads on YouTube and I was like, ‘Ano ba iyan, magpapautang pa ba tayo?’

"Sabi ko, ‘Parang nag-uudyok silang magpautang,’” ang natatawang kuwento ni Arci.

“But you know, the good thing about this is, also po in my experience starting a business, mahirap.

"One of our concerns po is how to start, where to get the capital of our business.

"So nung narinig ko ito, I can totally relate kasi with JuanHand, we can help a lot of people na mag-start ng kahit na small business.

“And ang experience ko, ako lagi ang inuutangan. So I’m happy now that there’s JuanHand. I can just like tell them, ‘May JuanHand na, dun na kayo mangutang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And also they give financial advice, which is very critical and crucial po pag manghihiram kayo ng pera, kasi at least knowledgeable kayo…

"With JuanHand, knowledgeable kayo. They’ll tell you paano rin i-manage yung finances ninyo.

"Kasi we talked about that last meeting, and I’m really interested na um-attend.

"Kasi ang problem sa akin, when people, nangungutang sila, I don’t know how to make singil,” at muling natawa si Arci.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi ko alam kung paano sila sisingilin ng hindi ako…ako pa yung nahihiya. Ayoko kasing maka-offend.

"And pagdating sa mga money matters medyo di ba ang awkward?

“Na-experience niyo na ba yun? Na parang kayo pa yung nahihiyang maningil?"

Banggit ng press kay Arci, may kasabihan na mas mabuti pang siya ang utangan kaysa siya ang umutang?

“Ay, opo! Opo! Totoo po iyan.” bulalas pa ng aktres.

update on arci muÑoz's stolen DEBIT card

Samantala, napag-usapan din ang tungkol sa nanakaw na debit card ni Arci.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong November 10, 2023, inihayag ni Arci via her social media account na nanakawan siya ng debit card sa business class section ng eroplanong kanyang sinakyan matapos magbakasyon sa Japan.

Nangyari ito habang naka-layover ang eroplano sa Incheon International Airport sa South Korea.

Kalahating milyon ang nawaldas ng naturang magnanakaw mula sa debit card ni Arci.

Read: Arci Muñoz loses PHP500K in stolen credit card: "Pinaghirapan ko yan. Ang sakit talaga."

Naibalik ba sa kanya ng bangko yung perang nanakaw?

“No,” ang mabilis na sambit ni Arci.

Ano ang rason na ibinigay sa kanya ng naturang bangko?

“Kasi daw po it’s my card, so it’s my responsibility.

“But also nung sumulat po uli ako sa kanila for the second time, sinabi ko na that debit card has a PIN, so how come…kasi when I’m using it when I’m abroad po, they always ask for a PIN, so how come? It’s also your negligence, because it should [be secure]… Sa isang araw, nasa dalawang bansa?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naipambili ang debit card ni Arci ng brand-new iPhone at diamonds/alahas sa Vietnam at Indonesia sa loob lamang ng isang araw.

“So it’s probably their modus na talaga, they really fly para po makabiktima.

"In less than 24 hours, they were in Vietnam and Jakarta at the same time using my card, nagsha-shopping.

“Sabi ko, every time I leave and I use the card abroad, so how come siya nagamit niya yung card ko without a PIN, so I can’t …ang hirap din po kasi to approach the bank, so parang sabi ko, ‘Ah so ganun na lang yun?’

“So like right now, I withdrew all my money and moved it to another bank.”

Banggit pa namin kay Arci, kawalan iyon ng bangko dahil isinara tuloy ni Arci ang account niya sa mga ito.

“Grabe, kasi po ilang beses ko na rin kinulit, e, parang ayoko nang umabot pa kung saan-saan, sabi ko aalis na lang ako, sabi ko, ‘Wala kayong magawa? Okay.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So I withdrew all my money there and nilipat ko sa mas madaling kausap na bangko.

“Nilipat ko po talaga, sabi ko, ‘Kung hindi niyo ako matulungan…’

“Sabi ko, ‘Iyang bagay nga na iyan, di ba, hindi niyo nga masagot, e, kung bakit nagagamit niya abroad?’

“E, ako, hindi ko nagagamit iyon, pag yung debit, mahirap gamitin yun, e, more than a credit card, debit yung nakuha.

“Tapos sinend ko lahat ng information, yung passport, na nandito ako, that it was a stolen card, but they couldn’t do anything.

"Sabi ko, ‘Ah okay.’ Twice, thrice, ang tagal pang sumagot ng mga iyan, they’re really taking their time, so sabi ko, okay.”

Samantala, present sa contract signing ni Arci para sa JuanHand sina Brian Badilla, branding head; Coco Mauricio, President and CEO; Mark Tubello, senior external affairs officer).

JuanHand and Arci Muñoz contract-signing event: (L-R) Brian Badilla, Arci Muñoz, Coco Mauricio, Mark Tubello
Arci Munoz (2nd from L) with JuanHand executives: (L-R) Brian Badilla, branding head; Coco Mauricio, president and CEO; Mark Tubello, senior external affairs officer
Photo/s: Rommel Gonzales
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa mga karagdagang impormasyon at para makautang, bisitahin lamang ang Facebook page ng JuanHand o i-download ang JuanHand app sa Google Play Store o sa iOS App Store.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arci Munoz is no longer pursuing the celebrity who borrowed money from her: “Saka di ba mas blessed naman na tayo ngayon? So okay na yun, ipaubaya na natin."
PHOTO/S: @ramonathornes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results