Nag-viral ang TikTok video ng Brooklyn resident na si Lohanny Santos, 26, isang Gen Z, matapos niyang idokumento ang hirap na dinaranas niya sa paghahanap ng trabaho.
Ang video, na nai-post ni Lohanny last January 29, 2024, ay nakakuha na ng mahigit 23 million views.
Makikita rito si Lohanny na nakatayo sa isang kalye ng New York City.
Hawak niya ang maraming kopya ng kanyang resume—na basang-basa na raw ng kanyang luha.
Read: How to attract good fortune in Year of the Wooden Dragon, according to Feng shui coach Johnson Chua

Read: Customer hindi nasiyahan sa haircut, ginupitan ang barbero
Ani Lohanny, “This is the most humbled I've ever felt in my life.
“I'm literally holding resumes, a stack of them, so that I can go in person to places and say, 'Are you guys hiring?'”
Napaiyak muli si Lohanny nang ikuwento ang mga eksena kapag nag-aabot siya sa mga employer ng kanyang resume.
Pagtatapat niya, hiyang-hiya siya dahil nag-a-apply siya para sa trabahong minimum lang ang suweldo.
Pero kadalasan aniyang sagot ng mga ito: “We’re not hiring.”
May mga natatawa pa raw dahil siya mismo ang nagdadala ng kanyang resume bilang walk-in applicant.
Read: Korean food vlogger Tzuyang apologizes for racist portrayal of Filipinas in content
Ipinaliwanag ni Johanny na gumagamit siya ng “old-fashioned” method na door-to-door na pag-a-apply ng trabaho dahil kailangang-kailangan na niyang magkaroon ng sariling income.
“I’m not sure if the old-fashioned way is the way to go, but it's a direction many of us take.”
Hindi naman matatawaran ang kanyang qualifications dahil graduate si Lohanny sa Pace University, isang 118-year-old private institution sa New York, at dalawa ang kanyang degree—communications and acting.
Dagdag pa niya, “I speak three languages.”
Read: Boyfriend, nalamang tumama sa lotto ang girlfriend; nagpapabili ng kotse

Read: Love In The Time Of AI: Man finds "perfect match" in dating app using ChatGPT
Naibahagi rin ni Johanny na minsan na siyang inalok ng trabaho bilang barista.
Kaya lang, kailangan muna niyang sumailalim sa 18 hours of training—nang walang suweldo o allowance man lang.
Sobrang down ang pakiramdam niya noon.
“Like, I finally get a job with the person who wants me to work for free. This is not cool.”
Hindi niya tinanggap ang offer.
Read: Guy nag-stage ng armed robbery para mag-propose sa girlfriend
Sa comments section ng kanyang video ay marami ang nagpahayag ng suporta kay Lohanny.
Ayon sa isang netizen, napakatapang ni Lohanny para maglakad at personal na ibigay ang kanyang resume sa mga employer.
Sambit naman ng isa pa, “Never feel embarrassed. You should feel proud that you're pushing your pride to the side and being realistic.”
Paalala sa kanya ng isa pa, darating din ang time na makakakita siya ng employer na para talaga sa kanya.
Read: Story of Heidi Yeh: the "mom" in viral family picture; a victim of fake meme

Read: "Mapait na paglalakbay" ni Wenn Ricaforte tungo sa "mas matamis na tagumpay"
Ikinatuwa naman ni Lohanny ang mga natatanggap na mensahe.
Aniya, napakarami na ng tulad niya na hindi rin makahanap ng trabaho.
“Some people have higher education than I do, and they, themselves, are also struggling.
“This is a tough job market. I’m not alone in being unemployed.”
Read: Motorista, sinunod ang GPS at sinuong ang tulay na kahoy, muntik nang mahulog!
Marami rin aniya ang gustong tumulong sa kanya na makakita ng trabaho.
“I've been met with kindness. I’m thankful for my new audience across my social media platforms, and I'm excited to see where life takes me. I'm ready to experience success in my life.”
Umaasa naman siya na ang kanyang video ay magpapagaan sa dalahin ng mga gaya niyang naghahanap pa rin ng trabaho.
Paalala niya sa mga ito, “I want everyone to know that it's okay to ask for help when you need it.”
Read: Babae nagtanong sa Tinder match kung bakit ito ang dapat ka-date; sagot ng lalaki, naka-PowerPoint
