PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diorama Revives 1939 Home Memories

Netizens at kapwa artists, humanga sa details
by KC Cordero
Published Nov 21, 2023
Photos of diorama
Bumilib ang netizens at mga kapwa artists ni Jose Vistan sa sobrang detalyado niyang pagkakabuo ng miniature models ng 1939 version ng kanilang lumang bahay.

Nagbalik-tanaw sa kanyang childhood memories ang professional artist na si Jose Vistan, 59, sa pamamagitan ng paggawa ng diorama ng kanilang lumang bahay na kanyang kinalakihan sa Hagonoy, Bulacan.

Pinuri ng netizens at hinangaan ng kanyang mga kapwa-artists ang pagkakabuo niya sa diorama, na bukod sa kanilang lumang bahay ay ginawan din niya ng miniature models ang iba pang nasa loob ng kanilang bakuran.

Mapapansin na sobrang detalyado ang miniature models, at malinaw na naisasalarawan kung anong period ito ginawa.

Read: Napakailap na Philippine brown deer, namataan sa Marinduque

The artist

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam si Jose ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong November 15, 2023 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Pagbabahagi niya, “Pang-display ko lang yung diorama para nakikita ko yung nilakihan kong bahay.

“Marami akong alaala dun sa matandang bahay namin. Masaya kapag naaalala ko nung bata pa ako.”

Photo of diorama

Sa kanilang lumang bahay mismo siya ipinanganak, at doon na rin nagbinata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Yari ang bahay namin sa kahoy, at adobe, at steel matting ang bakod. Ganoon ang usong bakod noong araw. Itinayo iyon noong 1939.”

Isinalarawan din niya ang kaayusan ng kanilang bakuran noon.

Photo of diorama

“Yung bahay namin, may katabi iyon na kamalig ng palay. May kural din kami ng kalabaw at dalawa ang alaga namin noon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Noong malalaki na kami, yung kamalig ng palay, doon na tumira ang ate ko nang mag-asawa siya. Nagtayo rin siya ng tindahan kasi maganda ang puwesto namin na kantong-kanto ng kalsada.”

Photo of diorama

Bilang isang professional painter, libangan lang ni Jose ang paggawa ng diorama kahit matagal na rin siyang gumagawa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong binata pa ako, yung simbahan sa amin ginawa ko na rin.

“Noong nag-asawa na ako, nasira ng anak ko yung simbahan at iba ko pang ginawa, napaglaruan. Di ko kasi nalagyan ng salamin.

“Kaya itong ginagawa ko ngayon, balak kong lagyan ng salamin na parang aquarium para di nagagalaw at di maalikabukan.

Read: Babae, nagpakasal 4x at naging milyonarya; puhunan ang ganda at galing magtahi ng istorya

KILALANIN ANG ARTIST

Bata pa lang ay mahilig nang mag-drawing si Jose. Nagtapos siya ng Commercial Arts sa Luzon Colleges sa Dagupan City, Pangasinan, noong 1985.

Nang maka-graduate, nagtrabaho siya sa Baguio City mula 1986 hanggang 1988 bilang tagapinta ng simbahan.

Naging comics illustrator naman siya simula noong 1989 sa dalawang malalaking publikasyon ng komiks sa Pilipinas.

Pagsapit ng 1992, naging cover artist siya ng romance pocketbooks. Dito na rin siya nagsimulang subukan ang pagiging full-time painter. Watercolor ang paborito niyang medium.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 89 anyos na mister, 40 years nang bigo na i-divorce ang 82 anyos na misis

The artist

Sinubukan din niya lumahok sa mga art competitions and exhibits. Nagkaroon siya ng kauna-unahang solo exhibit sa Art Center sa SM Megamall noong 2001.

Top 5 naman siya 2002 "Kulay sa Tubig" annual watercolor composition na inisponsoran ng Gallery Genesis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of one of Jose's paintings

Read: Lalaki naagawan ng cellphone worth P10K; motor ng snatcher naitakbo ng biktima, dinala sa presinto

Idinaos ang kanyang ikalawang exhibit noong 2011 na tinawag na Buhay Bata sa San Beda College, Alabang. Ang ikatlong exhibit niya ay ginanap noong 2012 sa Milrose Corporation sa Insular Life Corporate Centre sa Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madalas din siyang maimbitahang judge sa mga art contests ng mga eskuwelahan.

Gumagawa rin siya ng paper mache.

Read: Holdaper ng botika, choosy; Viagra hindi pera ang priority

LUMANG BAHAY, GINIBA NA

Kuwento pa ni Jose, 1985 ay giniba na ang kanilang lumang bahay.

“Nagpatayo yung apat kong kapatid ng bahay nila, naghati-hati sila sa lote.”

Hindi na umano siya nakibahagi sa property bagaman at sa lima iyon hinati.

“Hindi ko na lang kinuha yung parte ko.”

Read: Meet Vivian Xue Rahey, fake-nail artist whose works fetch as much as USD2,400 or PHP136K

Ang katwiran niya, “Kasi iisang bakod lang yun, e, mahirap kako dahil kaming lima kaming magkakapatid.

“Kaming lima ay magkakasundo, e, pagdating ng araw, yung mga anak-anak di mawawala ang kagalitan. Kaya ibinigay ko na lang yun para sa akin.”

Photo of diorama

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawa pa niyang sambit palibhasa ay isa siyang artist, “Masarap kasi kapag solo mo ang bakuran. Kahit ano ang gawin mo, walang makikialam.”

Nakabili na siya ngayon ng lote sa Calumpit, Bulacan.

“Awa ng Diyos, nakapundar ako ng lote at bahay na solo ko ang bakuran. Tamang-tama rin dahil mahilig magtanim ng halaman ang misis ko.”

Nang tanungin kung ibebenta niya ang kanyang obra, ani Jose, “Parang ayokong ibenta. Alaala ko na lang.

“Idi-display ko rito sa bahay namin para nakikita ko yung lumang bahay na sinilangan ko hanggang nagbinata.”

Read: 53 anyos na singer, pinakasalan ang 22 anyos na ampon; umani siya ng batikos

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bumilib ang netizens at mga kapwa artists ni Jose Vistan sa sobrang detalyado niyang pagkakabuo ng miniature models ng 1939 version ng kanilang lumang bahay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results