PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlos Agassi on hoax text messages: "Buhay na buhay ako!"

Carlos turns vegetarian.
Published Feb 5, 2018 | Updated Dec 9, 2008
"Ang napansin ko lang sa Philippines, pag nandito ako, pag maganda yung katawan, negative agad ang iniisip ng mga tao—steroids, ganyan. Pero sa ibang bansa, pag nakita ako, parang, 'Wow, you're disciplined! You probably follow a healthy diet. Pero napansin ko, ganun lang siguro talaga yun," says Carlos Agassi.

Pagkatapos ng Komiks Presents Tiny Tony, na pinagbidahan ni John Prats, isa na namang bagong superhero na may dugong dragon ang magpapakitang-gilas sa Komiks Presents Mars Ravelo's Dragonna, na pagbibidahan naman ni Shaina Magdayao.

Kasama rin sa Dragonna ang aktor na si Carlos Agassi. Gumaganap siya rito bilang si Rafael, ang kakaibang magnanakaw na may lihim na pagkatao.

Matagal ding nawala sa sirkulasyon si Carlos. Hindi siya napapanood sa TV man o pelikula. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carlos kahapon, December 8, sa presscon ng Dragonna sa Gubi restaurant, Eugenio Drive, Q.C., sinabi niya kung ano ang mga pinagkaabalahan niya habang wala siyang showbiz commitment.

"Bale ang nangyari po, I took up Physical Therapy Nutritions sa ACE. And then, nag-Culinary ako ng konti. 'Tapos I have my own gym at home, pero ako lang ang muna ang gumagamit," lahad ni Carlos.

Maraming nakakapansin na medyo pumayat na si Carlos, hindi gaya noon na sobrang laki ng kanyang katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya ako nag-lose ng weight kasi yung girlfiend ko, vegetarian. So naging vegetarian na rin ako," paliwanag ni Carlos.

So, hindi totoo ang balita na nagpunta siya ng ibang bansa dahil na-frustrate siya sa takbo ng kanyang career?

"Wala, walang ganun," sagot ni Carlos. "Saka yung sabi nila na namatay na ako, hindi totoo. Eto nga at buhay na buhay ako na humaharap sa inyo!"

Ang sinasabing dahilan nga raw ng pagkamatay ni Carlos ay ang sobrang paggamit niya ng steroids.

"Ang napansin ko lang sa Philippines, pag nandito ako, pag maganda yung katawan, negative agad ang iniisip ng mga tao—steroids, ganyan. May press akong nakikita sa gym, si Walden [Belen], alam niya kung gaano ako katagal mag-work out.

"Pero sa ibang bansa, pag nakita ako, parang, 'Wow, you're disciplined! You probably follow a healthy diet. Pero napansin ko, ganun lang siguro talaga yun," pagtatapos ni Carlos.

Mapapanood na ang Dragonna simula sa December 13, Saturday, sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Carlos Agassi, Dragonna
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang napansin ko lang sa Philippines, pag nandito ako, pag maganda yung katawan, negative agad ang iniisip ng mga tao—steroids, ganyan. Pero sa ibang bansa, pag nakita ako, parang, 'Wow, you're disciplined! You probably follow a healthy diet. Pero napansin ko, ganun lang siguro talaga yun," says Carlos Agassi.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results