Trending ngayon ang isang teenager sa Tacloban City na gumagawa ng mga miniature houses yari sa karton at iba pang recyclable materials.
Siya rin mismo ang nagtitinda ng kanyang mga obra sa kalsada.
Nakilala ang malikhain at very enterprising na bagets na si Jhun Louie Sarquilla matapos ibahagi ng kanyang dating guro sa social media ang dahilan kung bakit siya naglalako ng likha niyang miniature houses.
Read: Man fulfills dream of becoming a dog with realistic costume worth PHP760K

Read: 35-year-old bettor wins PHP15.8M lotto jackpot through lucky pick
Sa Facebook post ng guro na si Rufino Almaden noong July 30, 2023, makikita si Jhun habang nagtitinda.
Ayon sa guro, “I saw my former student selling his own crafts.”
Bumilib sita sa ganda ng mga gawa ng dating estudyante, kaya nanawagan siya sa mga kaibigan, "I am appealing to you to purchase his own craft.”
Gagamitin umano ni Jhun ang kikitain para sa pag-aaral nito sa kolehiyo.
Binanggit din niyang nakapuwesto si Jhun malapit sa isang mall.
Read: Lalaking snatcher, na-in love sa ninakawang smartphone owner
Ang presyo ng mga miniature houses ay depende sa size at nagre-range sa PHP500 hanggang PHP2,000.
Inilagay rin ni Almaden ang numero ng dating estudyante.
Para sa mga interesadong magpagawa ng miniature houses, maaari siyang makontak sa 09855693456.
Mensahe ng guro sa dating estudyante, “Jhun Louie Sarquilla, anak, if you can read this... please answer the queries of your clients.
“God is good. I may be an instrument for you to achieve your dream.”
Read: Lalaking pinagmukhang alien ang sarili, hindi matanggap sa trabaho

Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo
Nagbigay si Almaden ng pahintulot sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para maibahagi ang kanyang post.
Maraming netizens ang natuwa sa ginawa ng guro, at humanga sa galing at determinasyon ni Jhun.
May nagbigay rin ng opinyon kay Jhun kung paano mas magiging mabenta ang miniature houses niya.
Read: Maliit na bahay, nakatayo sa gitna ng isang freeway! Paano nangyari ito?

Read: Real-life “Spider-Girl” hobby ang manood ng TV habang nakadikit sa dingding
Ayon sa isang nagkomento, sana raw ay gumawa rin ng doll houses si Jhun, o kaya ay gawing functional ang maliit na bahay na nabubuksan ang mga pinto at bintana.
Saad ng isang netizen sa comment, “Would love to buy a doll house like this for my daughter. Baka pwede ring i-promote niya na kaya niyang gawan ng miniature ang bahay ng may bahay.”
Dagdag ng isa pa, “Ito yung mga taong hindi nagiging hadlang ang kahirapan para makamit ang mga pangarap. Galing!”
May nagsabi rin na, “Kasipag na bata. Madiskarte. Dapat tularan ng mga kabataan ng bagong henerasyon.”
Marami rin ang nag-wish na makatapos si Jhun ng pag-aaral.
Read: Gen Z intern, nag-demand ng PHP33K allowance sa 5 hours of work
