PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michael Jordan mas yumaman nang magretiro sa NBA

Ang isa niyang investment, US$1.05B na ang market value.
by KC Cordero
Published Feb 23, 2022
Michael Jordan as a team owner, and as an NBA player.
Mas malaki pa kinita ni Michael Jordan sa partnership niya sa isang sports apparel sa loob lang ng isang taon kumpara sa buong kinita bilang NBA player sa loob ng 15 taon.

Kahit bilyonaryo na ngayon si retired National Basketball Association (NBA) superstar Michael Jordan, ang pinakamalaking kontratang nakuha niya noon sa Chicago Bulls ay nasa US$33 milyon (PHP1.7 bilyon) lang.

Sa ngayon, ang kanyang net worth ay tinatayang nasa US$1.9 bilyon (PHP97.43 bilyon).

Michael Jordan holding a trophy.

Lalong yumaman ang six-time NBA championship winner sa mga nakalipas na taon sa kabila ng kanyang pagreretiro. Dahil ito sa kabi-kabila niyang endorsements and investments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy pa ring nakakatanggap si Jordan ng pera mula sa kanyang partnership sa Nike. Hawak din niya ang 90% ng pagmamay-ari sa Charlotte Hornets. Mayroon siyang car dealership, mga restaurants, at mansions.

Bagamat mas kilala siya sa paglalaro ng basketball, malaking dagdag sa kanyang kinita bilang player ang endorsement ng Gatorade, Upper Deck, at Hanes noong aktibo pa siya.

Matapos mag-retiro, mas dumami ang kanyang revenue sources.

Michael Jordan in casual wear.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa katunayan, noong 2014, o 15 taon matapos niyang mag-retire sa NBA, saka pa lang niya narating ang billionaire status.

Ayon sa ulat ng Forbes, noong 2015 ay kumita si Jordan US$100 milyon (PHP5.12 bilyon) sa loob lang ng isang taon dahil sa kanyang deal sa Nike. Mas malaki ito kaysa sa US$94 milyon (PHP4.8 bilyon) na kinita niya sa loob ng 15 taon mula sa kanyang suweldo sa paglalaro sa NBA.

Iniulat naman ng Business Insider na maraming side projects si Jordan. May mga restaurants siya sa Florida at Chicago, car dealership sa North Carolina, at investments sa video games.

Nabili naman niya ang NBA team na Charlotte Hornets noong 2010 sa halagang US$175 milyon (PHP8.97 bilyon), kaya majority shareholder siya nito.

Michael Jordan holding a Charlotte Hornets uniform beside a guy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi agad siya kumita mula sa nasabing franchise sa loob ng ilang taon. Pero noong February 2018, sa pagtataya ng Forbes, nasa US$1.05 bilyon (PHP53.84 bilyon) na ang market value ng Charlotte Hornets.

Dahil sa pagtaas ng presyo ng team na pag-aari ni Jordan, ito ang naging daan para makuha na niya ang billionaire status sa U.S.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mas malaki pa kinita ni Michael Jordan sa partnership niya sa isang sports apparel sa loob lang ng isang taon kumpara sa buong kinita bilang NBA player sa loob ng 15 taon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results