Mas makakatipid ba talaga kapag inverter ang aircon unit kahit pa 24 hours itong ginagamit?
Mas makakatipid ba kapag ang biniling inverter appliance ay gawa ng kilalang brand?
Mas maganda ba ang kalidad ng mas mahal na appliance?
Ilan ito sa mga tanong na sinagot ni Engr. Cholo Pabilona, Meralco Power Lab lead, sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Ang lab na ito ay facility ng Meralco na nagsasagawa ng mga tests tungkol sa sa consumption ng energy-consuming devices at appliances.
Read: Tipid kuryente tips gamit ang aircon, ref, at electric fan
WHY YOU SHOULD SET YOUR AIRCON TO 25-DEGREE CELCIUS
Mas detalyadong ipinaliwanag ni Engr. Pabilona kung bakit ideal na i-set ang thermostat ng aircon sa 25 degrees Celsius— ang recommended aircon temperature.
“Sa 25 degrees Celsius kasi, hindi siya ganun kainit at hindi rin siya sobrang lamig na kailangan mo na mag-jacket or mag-blanket,” saad niya.
Kapag mas mababa ang aircon setting, lumalabas na higit sa triple ang puwedeng itaas ng kuryente.
Pagdedetalye ni Engr. Pabilona: “Based sa testing namin dito sa Power Lab, nag-test tayo both, inverter and non-inverter aircons, both split types and window-type aircon...
“And based sa database namin, kunwari yung one HP [horsepower] natin na aircon, ang consumption niya kapag naka-18 degrees is around PHP2,500 per month kung ginagamit mo siya ng eight hours a day...
“And versus sa 25 degrees, ang magiging consumption na lang niya is around PHP750 per month.
"So ganun kalaki yung difference nung lowest setting saka sa mid setting natin.
“So, definitely, mas makakamura ka kung 25 degrees lang."
Base sa mga artikulong lumabas sa website ng Meralco, ang pinakamalaking electric power distribution company sa bansa, kapag nilagay sa pinakamababang temperature ang aircon, tuluy-tuloy ang andar ng compressor para maabot ang sobrang lamig na setting. Dahil dito, mas matagal ang takbo nito kaya mas tataas ang kunsumo ng kuryente.
Dagdag ni Engr. Pabilona: “Ang testing nga pala namin dito, usually ginagawa siya during 9:00 P.M. to 5:00 A.M., kasi yun yung mas usual na time of use ng mga customers natin."
Experts recommend setting your air conditioner’s thermostat to 25°C. This mid-range setting can significantly reduce energy consumption--potentially lowering your electricity costs by up to three times compared to running your unit at much colder temperatures. concerned.
IS AN INVERTER AIRCON IDEAL FOR 24-HOUR USE?
Samantala, binigyang linaw din ni Engr. Pabilona ang lumabas na “life hack” noong panahon ng pandemic na mas makakatipid daw sa kuryente kapag inverter type ang gamit kahit pa naka-on ang aircon for 24 hours.
Giit niya, isa itong “myth.”
Sa katunayan, nagsagawa ang Power Lab ng test tungkol dito.
“Basically, hindi ka makakatipid kung continuous yung paggamit. Kasi, siyempre, pag may naka-on tayo na appliances, nagko-consume pa rin iyan ng power. And yung kilowatt hour reading natin sa meter, tumataas pa rin.”
Kapag mas matagal na ginagamit ang isang appliance, nangangahulugang mas maraming kuryente ang ginagamit, kaya mas mataas ang billing.
“Base sa pag-aaral namin, so yung mga ganyan kasing tips or nakikita namin online, pina-fact check din namin. We do testing, conduct experiments para ma-validate.”
Sa isang previous report, sinabi ng Meralco Power Lab na advisable gamitin ang inverter aircon from 8 to 12 hours nang dire-diretso.
Kaya kapag aalis ng bahay at hindi naman magtatagal sa labas.
Sabi ni Engr. Pabilona: “Based on our study, kung aalis ka sa room or sa bahay ng less than one hour, better to keep it on na lang yung ating aircon.
“Pero kapag longer than one hour ka aalis, nandoon yung parang break-even point, better to turn it off. So bakit?
"Pag kasi pinapatay natin yung aircon, umiinit ulit yung room. And kapag in-on natin yung aircon, lalo na kung inverter yung unit mo, tatakbo ulit siya at maximum capacity para mapalamig niya ulit yung room or mag-restabilize.
“Yung mga inverter aircon kasi natin, kapag na-reach na niya ang desired temperature, saka lang bumababa yung consumption niya.
“Pero during startup, yung mainit pa yung room, pinapalamig pa lang niya, ang consumption niya is almost maximum din nung capacity ng aircon.
“Kaya kapag aalis ka ng less than one hour, puwede mo na siyang iwan kasi yung cost difference nung pag-keep it on versus sa restabilization ng room, yun yung parang break-even point natin.”
Read: Meralco tips to save up to PHP2K on monthly electricity bill
ARE INVERTER AIRCONS really MORE ECONOMICAL?
Fact: Mas makakatipid at mas economical kapag inverter ang aircon o anumang appliance na gagamitin.
“Based naman sa studies natin, mas economical pa rin talaga si inverter. Lalo na kung, yung binanggit ko nga kanina, during startup kasi, possible parehas pa sila ng consumption ng conventional."
In short, pareho ang consumption ng inverter at conventional aircon units kapag binuksan sila.
Ani Engr. Pabilona: "Almost the same pa iyan ng consumption, but pagdating na mapalamig niya na yung room, doon na mag-i-istart, magiging mas efficient talaga ang inverter.
“Based sa pag-aaral natin, mas efficient siya by 40-60 percent, depende doon sa model and brand.”
Bukod dito, patuloy ang pag-i-improve ng inverter appliance sa tuwing may bagong labas?
“Based sa trend, ganun ang nangyayari kasi nga with the improvement din sa technology.
“Alam naman natin na lahat, even yung mga cell phone natin, lahat kasi iyan gumagamit na rin ng controllers or AI na ngayon, available na rin siya sa mga inverter aircon natin.
“And with that AI function, mas accurate yung pag-control niya nung temperature, mas accurate yung reading niya. Kaya operationally, mas nagiging mas efficient yung ating mga air-conditioning unit.”
Diin ni Pabilona, “And nakita rin namin na trend din na yung newer model, definitely mas mababa talaga yung consumption.”
Pahabol niyang disclaimer, “Pero, still, case to case. Kasi even same brand, minsan yung different models nila, nag-iiba-iba rin talaga ng consumption."
Kaya ang tip niya, basahin ang energy label ng Department of Energy (DOE) sa bawat appliance.
Mayroon itong star rating. Tip: More Stars = More Savings.
Makikita rin dito ang Energy Efficiency Rating (EER), na siyang magsasabi kung gaano ka-efficient ang appliance sa paggamit ng kuryente. Tip: Higher number means the unit performs at peak efficiency while using less power.
Sa pagpapatuloy ni Engr. Pabilona: “So, ang pinaka-guide na puwedeng gamitin, we have the energy-labeling program ni DOE.
"They can also check yung star rating or efficiency rating ng mga unit, so they can validate kung may kino-compare sila na two different devices or models nung aircon.”

DO BRAND AND PRICE HAVE ANYTHING TO DO WITH EFFICIENCY OF APPLIANCE?
Ang efficiency naman daw ng mga appliances ay hindi nakadepende sa brand.
Paliwanag ni Engr. Pabilona: “Meron kasi kaming mga nate-test din na possibly efficient yung ganitong specific model niya, but yung iba niyang model, mas mababa yung efficiency. So, it varies pa rin.
“Pero yung specific per model, puwede mo siyang makita doon sa mismong energy label na nakikita sa appliances ngayon.
“So, lahat ng binebenta ngayon na refrigerator, air conditioner units, meron siyang blue label from DOE and doon naka-specify kung ano yung energy rating niya.
"Mas mataas yung number, mas efficient siya.
"May star-rating system din. So kung five stars iyan, definitely matipid siya sa kuryente.”
Kapag mas sikat ba ang brand ng appliance, mas mahal ito?
“It varies talaga, e,” sagot ni Pabilona. “Actually, sa dami rin siguro kasi ng brand na na-test namin, in some cases it's true, in some cases it is not, so very situational.
“Kaya kung specific model yung gusto mong i-compare, sa EER [Energy Efficiency Rating] ka magche-check.
“So, hindi siya laging porke’t mura, mataas na siya sa consumption.
“Puwede siyang maging true sa inverter versus conventional. Kasi definitely, mas mura ang conventional or yung mga peak speed natin ng aircon.
“Pero yung consumption niya on a monthly basis, mas mura pa rin sa inverter. Mas mahal nga lang siya nang konti sa umpisa, pagbili natin.”
