PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zeinab Harake and Bobby Ray Parks Jr. to build home in Antipolo

She was hesitant to reveal the land area: "Sasabihan na naman akong mayabang."
by Arniel C. Serato
Published Apr 2, 2026
Zeinab Harake reveals plans of building an all in one home
Zeinab Harake on her dream home with husband Bobby Ray Parks Jr.: "Gusto po namin ano, yung works po namin, nasa bahay na sana. Gusto ko magkaroon ng studio sa loob ng bahay."
PHOTO/S: Arniel Serato / Facebook

Malapit na raw masimulan ang pagpapatayo ng vlogger na si Zeinab Harake at ng basketbolistang asawa niya na si Bobby Ray Parks Jr. ng maituturing nilang dream house.

Nakabili na kasi sila ng lupa sa Antipolo.

Nang tanungin kung gaano kalawak, nag-alangan siyang sumagot: "Sabihin ko iyong square meters tapos sasabihan na naman akong mayabang."

But eventually, napapayag din siyang sagutin ang tanong: "In God's grace and blessing, one thousand two hundred, ay, one thousand three hundred square meters."

May design na raw, pero inaayos pa ang simula ng construction date.

Kuwento ni Zeinab: "Actually, lot po yung inuna namin, and then after that, nag-proceed na kami sa drawing.

"Hopefully talaga, this year. Ang hirap kasi mag-asikaso kung ako yung mag-aasikaso tapos andun siya."

Ang mister ni Zeinab ay cager sa B.League, ang professional basketball league ng Japan.

Sa pagpapatuloy ng Internet star: "Pag umuuwi po kasi talaga siya, 48 hours lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Every two weeks, 48 hours lang. E, siyempre, mas sinusulit namin yun, kasi mas madami yung days na wala siya kaysa sa andito siya.

"So, hindi din po namin maasikaso lahat. Tapos minsan, dami pa kaming trabaho pag nataon na dito siya.

"Siyempre, tini-take advantage yun ng mga schedule na, 'E, wala si Ray.' O, ngayon na uuwi siya, trabaho pa kami, ganun po.

"Pero blessed naman po."

Sa ngayon, nagri-rent sila ng bahay.

"Dahil yung house na ipapagawa namin sana this year, malapit lang po dun sa nire-rent namin. So yun po ang deal namin.

"Siya sa bahay, ako sa allowance. Okay naman po."

Read: Zeinab Harake says husband Ray Parks Jr. "an answered prayer"

ZEINAB HARAKE: "Gusto ko magkaroon ng studio sa loob ng bahay."

Sakto ang lawak ng property sa lumalaki nilang pamilya.

May dalawang anak si Zeinab—sina Bia, sa dating nakarelasyon na si Skusta Klee, at Lucas, na adopted son niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Zeinab Harake and her children Bia at Lucas with husband Bobby Ray Parks, Jr.
Zeinab Harake and her children Bia at Lucas with husband Bobby Ray Parks, Jr.
Photo/s: Courtesy: Facebook of Zeinab Harake

Saad niya, "Kasi po, pangarap po namin sana, big family po.

"And also, gusto po namin ano, yung works po namin na sa bahay na sana.

"Gusto ko magkaroon ng studio sa loob ng bahay. Siya naman, basketball court and gym, para hindi na po kami lalabas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Mas marami kaming time sa family."

So, in one area, andun na lahat?

"Oo, in one area na lang po."

Read: Zeinab Harake speaks about life after “walwal days”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zeinab Harake on her dream home with husband Bobby Ray Parks Jr.: "Gusto po namin ano, yung works po namin, nasa bahay na sana. Gusto ko magkaroon ng studio sa loob ng bahay."
PHOTO/S: Arniel Serato / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results