PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tried-and-tested hacks for cutting onions without tears

Will chewing gum or putting a spoon in your mouth while slicing work?
by Bernie V. Franco
Published Feb 23, 2026
man slices onions
TEARING UP WHILE SLICING. For many of us, cutting onions is something we avoid because their enzymes irritate and burn the eyes. Here are professional tips to help prevent that from happening.
PHOTO/S: Canva

Karaniwang problema ng mga nagluluto ang paghihiwa ng sibuyas dahil mahapdi sa mga mata.

Pero hindi lamang pala Pilipinas ang apektado nito kundi iba't ibang parte ng buong mundo.

Kaya naman kung anu-anong hacks ang naimbento. Nariyan ang pagsisindi ng kandila, pagsusuot ng goggles, paglalagay ng kutsara sa bibig habang naghihiwa ng onions.

Maging ang mga kilalang chef at food content creators ay nagmungkahi ng ilang epektibong hacks para goodbye tears na kapag naghihiwa ng sibuyas.

onion slicing
Slicing onions is something even professional chefs don’t look forward to when preparing dishes. Here are a few hacks to help prevent you from tearing up while slicing onions.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Philtranco clarifies "business stop operation" announcement

IT’S THE KNIFE

Ipinaliwanag ng American food content creator at businessman na si Trigg Ferrano ang science kung bakit lumuluha kapag naghihiwa ng sibuyas.

At mula rito, nanggaling ang kanyang mungkahi para ito ay maiwasan.

Si Trigg ay may higit isang milyong subscribers sa YouTube.

Sa kanyang short video noong July 2024, ipinaliwanag ng vlogger na kapag gumamit ng mapurol na kutsilyo sa paghiwa ng sibuyas, mas nagkakaroon ng burst ng onion mist sa paligid.

Kapag humalo ang onion enzyme na ito sa tubig na nasa sa mata, nagpo-form ang acid kaya nakakaramdam ng hapdi.

Ang mungkahi ni Trigg, iwasan na kumalat ang onion mist sa paligid sa pamamagitan ng paggamit ng matalim na kutsilyo.

Read: How often should you replace and buy towels?

PUT THE ONION IN THE FRIDGE FOR A FEW MINS

Sinubukan naman ni Claire Saffits, American food writer, chef, YouTube star, ang anim na onion hacks sa isang video noong February 13, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa simula ng video, ipinayo na niya ang paggamit ng matalim na kutsilyo upang mabawasan ang pagkalat ng onion oils sa paligid.

Sa anim na hacks, dalawa lang ang napatunayan niyang effective.

Unang hack, naglatag siya ng isang piraso ng basang paper towel sa chopping board, katabi kung saan niya hiniwa ang sibuyas.

Kahit naaamoy pa rin niya ang sibuyas kapag hiniwa, napansin niyang hindi humapdi ang kanyang mga mata.

Pangalawa, inilagay muna niya sa freezer ang sibuyas ng 10-15 minutes bago hiwain.

Epektibo rin ito.

Sabi ni Claire, “It isn’t really making me cry at all. And by freezing it, it’s kind of firming up the onion, making it easier to slice.”

Pero hindi raw effective ang pagsisindi ng kandila, pagnguya ng chewing gum, pagsusuot ng goggles o shades, at paglalagay ng kutsara sa bibig habang naghihiwa ng sibuyas.

Ang pagpapalamig din sa sibuyas ang payong ibinigay ng Indian actress at celebrity chef na si Amrita Raichand sa kanyang Facebook video noong October 2, 2025.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito raw ang sikreto ng professional chefs.

Sabi ni Amrita: “Keep the onions in the fridge for at least thirty minutes. This reduces the enzyme activity because of the cold temperature reducing the airs [with] the irritating gas that makes you cry.”

Isa pa, huling hihiwain o tatanggalin ang roots o tumpok ng sibuyas, dahil mas lumalabas daw ang fumes kapag ito ang inunang tinanggal.

At panghuli ay paggamit ng matalim na kutsilyo.

“Less pressure, less irritation. It’s not magic, it’s just technique,” aniya.

NETIZENS REACT

Nagbigay rin ng reaksiyon at suhestiyon ang mga netizens ukol sa usaping ito.

Ang ilan, sumang-ayon sa paggamit ng matalim na kutsilyo.

Netizens onions
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami rin ang nagmungkahi na magkaroon ng magandang ventilation kapag naghihiwa.

Sa iba naman, nagwo-work daw ang hindi pagtanggal sa roots o ugat kapag naghihiwa.

netizens knife 1

netizens onions 3

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TEARING UP WHILE SLICING. For many of us, cutting onions is something we avoid because their enzymes irritate and burn the eyes. Here are professional tips to help prevent that from happening.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results