Ilang taon mo na bang ginagamit ang iyong towel?
Sa isip-isip mo, puwede pa naman kaya huwag munang palitan.
Pero alam mo bang may mga indikasyon para malaman kung kailangan mo nang magpalit at bumili ng bagong tuwalya?
Dahil araw-araw ginagamit, malaki ang posibilidad na naa-absorb ng towel ang dumi at body oil kaya maaaring pamugaran ng germs.
Nagbigay ng mga indicators o signs si Janet Wischnia, founder ng American Blossom Linens, sa isang artikulo na inilathala sa lifetsyle website na Southern Living.
Ang American Blossom Linens ay isang organic bedding and bath products company sa Georgia, USA.
Read: How often should you wash your towel?
signs TO REPLACE YOUR TOWEL AND BUY A NEW ONE
Mula sa itsura at amoy hanggang sa pakiramdam sa balat ng tela ng tuwalya, lahat ito ay makapagsasabi kung dapat pa bang gamitin ito o dapat nang i-let go.
1. Kapag sobrang gaspang na sa balat ang tuwalya
"This can sometimes happen when they are washed with too much detergent," ani Wischnia.
2. Kapag naghihimulmol at napupunit na ang tuwalya
Bukod sa luma na, nasi-serve pa ba ang purpose nito?
Ani Wischner, “…any kind of damage to the material means they need to be replaced. This can lead to the towels no longer being absorbent."
3. Kapag hindi na ito nakakatulong patuyuin ang katawan dahil basang-basa ito
"If your towels are frequently dripping wet and no longer absorbing as much as they did initially,” sabi ni Wischner.
Numinipis kasi ang tela nito kaya hindi na kasing-absorbent tulad ng dati.
4. Kapag may kakaiba na itong amoy kahit bagong laba
Posible raw kasing marami itong naa-absorb na germs, na madaling mamugad sa anumang may moisture.
5. Kapag ilang taon mo nang ginagamit ito
Paalala ni Wischnia, "Depending on how many towels you have and how often you rotate them and their quality, the replacement time may change.”
Sa tanong naman kung gaano ba dapat katagal bago magpalit at bumili ng tuwalya, sinabi ni Wischnia na tuwing kada dalawa hanggang limang taon.

WHAT TO CONSIDER WHEN BUYING A TOWEL
Ang dapat isaalang-alang sa pagbili ng bagong tuwalya ay ang tela nito.
Bukod sa matibay, may kakayahan dapat itong mag-absorb ng moisture.
“Hotels and gyms often choose towels made of cotton/polyester, which is more durable and quicker to dry but less absorbent than just cotton," ani Wischnia.
Aniya, ang 100-percent organic cotton ay sobrang absorbent at walang synthetic chemicals.
Tiyakin ding matibay ang pagkakatahi ng mga gilid ng towel para iwas himulmol.
Paliwanag naman ng YouTube report ng Consumer Reports, isang global independent product-testing organization, mabilis magpatuyo kung makapal ang towel.
Highly recommended din ang cloth quality ng Egyptian at Pima cotton. Mas matibay kasi ang mga fibers nito at hindi maghihimulmol.
Binanggit din na ang paggamit ng fabric conditioner ay talagang nagpapalambot ng towels, subalit binabawasan nito ang kakayahang mag-absorb ng tubig.
Mainam ding bumili ng puti o light-colored towels kung may teens sa bahay.
Nakita kasi sa pag-aaral na kumukupas ang kulay ng tela kapag ito ay nadikitan ng benzoyl peroxide, isang ingredient na nagti-treat ng acne sa skin-care products na madalas gamitin ng teens.
Lastly, ang lumang tuwalya ay di kailangang itapon. Kung hindi na ito magamit sa katawan, puwede pa namang gawing basahan.
