Ang laking tulong ng modern technology para mapadali ang mga gawaing bahay.
Halimbawa na lang ang washing machine.
Pagkatapos i-switch on, hindi na kailangang mag-igib, magkusot, at magbanlaw.
Isasampay na lang ang mga damit.
Speaking of paglalaba, aling detergent ang gamit mo: liquid o powder?
May pros and cons kasi ang dalawang klase ng detergents.
POWDER DETERGENT
PROS
Ang powder detergent, ayon sa website ng appliance brand na Whirlpool, ang best choice daw for "mud and clay stain."
It can easily dissolve the solid particles.
Good choice din ito sa mga light-colored clothes.
Mas mura pa ang presyo.
CONS
Ang isang disadvantage ng powder detergent ay ang posibilidad na hindi ito matunaw, kaya mamumuo at magmamarka sa mga de-kolor na damit.
Puwede ring magkumpol at bumara sa daluyan ng tubig.
Ayon sa housedigest.com article na “Why You May Want To Rethink Using Powder Laundry Detergent”: “Any undissolved soap does nothing but leave wet, clumpy blobs in your washing machine, which can eventually affect its ability to function by blocking the pump."
From personal experience, may pagkakataong bumabara ang hindi natunaw na powder detergent sa detergent dispenser ng front-load automatic machine.
LIQUID DETERGENT
PROS
Ang liquid detergent naman ay epektibo sa pagtanggal ng greasy or oily stains.
Hindi rin ito kumukulay sa mga de-kolor na damit, unless masobrahan ng lagay at mag-cause ito ng build-up.
Wala ring issue sa kanya ang water temperature—whether it's hot or cold.
Ayon naman sa blogsite ng gadgets and electric appliances brand na Panasonic: "It is recommended to use liquid detergent for fully automatic washing machine.
"Powder detergent creates suds and it will be hard to dissolve during operations."
CONS
Yun nga lang, mas madali itong maubos dahil may tendency na mapaparami ang paglalagay.
Mas expensive din ang presyo nito.

HOW TO PREVENT POWDER DETERGENT BUILD-UP
Sa mga grocery shelves, mas marami pa ring powder detergent—indikasyon na mas mataas pa rin ang demand para rito.
That said, ano ang dapat gawin para maiwasan ang build-up?
May pagkakataong tumitigas ang powder kapag pinasukan ng moist, kaya ang unang dapat na gawin ay isalin muna ito sa isang airtight container at i-store sa dry area.
Karamihan sa mga naglalaba gamit ang washing machine, tinutunaw muna ang powder bago ito ilagay sa tub.
Ganito rin ang tip ng Panasonic blogsite: “In case you will use powder detergent, you need to dissolve the powder first before putting it on the detergent drawer.”
Read: Why holes in crackers are very important

Ito rin ang hack ng writer na ito.
Tunawin muna ang powder detergent sa ilang basong tubig at saka ibuhos ito sa tub saka isara ang lid at paganahin ang washing machine.
Para sa mga gumagamit ng top-load washing machine, simulan ang wash cycle para malagyan ng tubig ang tub at magkaroon ng pagkakataong matunaw ang pulbos.
Mas mabilis matunaw kapag ihahalo ito sa warm water.
