Ang Itamaracá ay isang isla sa State of Pernambuco, Brazil.
Kilala ito sa pristine beaches and biodiversity.
Sa mga nakalipas na taon, dumadagsa na rito ang mga turista at unti-unti nang nararamdaman ang urbanisasyon.
Ang mag-inang Edna at Maria Gabrielly Dantas ay naninirahan sa isla—sa pinakapusod ng Environmental Protection Area.

Dun nila naramdaman ang realidad na kinakaharap ng isla dahil sa pagsigla ng turismo, at pagkakaroon ng tone-toneladang basura, na usually ay mga glass bottles na naiiwan ng mga bisita matapos ang peak tourist seasons.
Fifty-five years old na si Edna, at isa siyang socio-environmental educator.
Isinilang siya sa Brazilian Agreste, isang rehiyon na mahirap at, batay sa kasaysayan ng bansa, tuyot o sadyang may problema sa tubig.
Nakamulatan na niya ang paggamit ng recycled material bunga na rin ng mahigpit na pangangailangan—at awareness.
Pagbabahagi ni Edna sa artikulong nalathala sa news website na en.as.com last June 14, 2025: “My childhood was marked by creativity.
“I made my own bamboo toys, recycled whatever I could.
“We didn’t know it was environmental activism; it was just how we survived.”
Read: Why is there a pink refrigerator in the middle of Namib Desert?
MOM AND DAUGHTER HAVE STRONG CONNECTION WITH NATURE
Ipinasa ni Edna sa anak na si Maria Gabrielly ang pilosopiya ng environmental activism, particular ang recycling.
Twenty-seven years old na si Maria Gabrielly, na isang sustainable fashion designer.

Bukod sa kanilang family bonding, pinananatili ng mag-ina ang kanilang malakas na koneksiyong espiritwal sa kalikasan.
Nananalaytay rin kasi sa kanilang dugo ang cultural heritage ng Quilombola at iba pang communities na nag-originate mula sa pagiging alipin at native people ng Brazil.
Read: Christian Humphrey Lapeciros proves there’s money in farming
MOM AND DAUGHTER’S SALT HOUSE PROJECT
Noong kasagsagan ng pandemic, nagkaroon si Edna ng idea matapos makita ang tambak na basura sa mga dalampasigan.
“I want to build a house with glass bottles.”
Doon na nabuo ang Salt House project.

Kinolekta nila ang mga basura.
Sa loob ng dalawang taon, matiyagang itinayo ng mag-ina ang bahay.
Ang mga materyales na kanilang ginamit ay recycled wood, mahigit 8,000 bottles, at iba pang basura.
Pinulot at inipon nila ang mga bote at muling ginamit sa pamamagitan ng kanilang sariling techniques.
Para mas maging authentic, ang bawat bote ay nilagdaan ng mag-ina.
Read: Primary school in Scottish village has only two students
HOW MOM AND DAUGHTER BUILt THE SALT HOUSE
Ang Salt House ay may pitong kuwarto.
Yari sa glass bottles ang mga dingding na maingat na pinatas nina Edna at Maria Gabrielly.
Ang partitions ay ginamitan ng recycled pallets.
Toothpaste tubes naman ang ginamit para sa pinakabubong.

Nasa 20 square meters lang ang pinakaunang kuwarto, na nagsilbing sewing workshop habang nagpapatuloy ang construction ng Salt House.
Pagbabahagi ni Maria Gabrielly: “The first year and a half was pure ingenuity: no conventional bathroom, washing dishes in a basin.
“But we never lost sight of our vision.”

Bukod sa material challenge, ang construction process ay nagbunyag din sa gender barriers na hanggang ngayon ay nag-e-exist pa rin sa traditionally male-dominated fields sa Brazil.
Ani Maria Gabrielly: “We wanted to hire labor only for specific tasks, but they [male workers] always wanted to give opinions, correct us, tell us how to do things as if we lacked capability.
“People think one day we found a magic bottle with a genie inside.”
Aniya, hindi basta-basta ang ginawa nilang pagtatayo ng Salt House. Akala umano ng mga kalalakihan ay simple lang na bahay iyon.
“They don’t realize this requires skill, management, vision.
“And being a woman in this environment is doubly hard.”
Read: Bulacan bus vendor turns life around; builds PHP15-million house
SALT HOUSE BECOMES A SOCIAL COMMENTARY
Ang pagkakaroon ng disenteng tirahan sa Brazil ay itinuturing na isang structural problem.
Ang Salt House na itinayo nina Edna at Maria Gabrielly ay naging mitsa ng debate sa kanilang lipunan.
Batay sa tala ng Brazilian Institute of Geography and Statistics, nasa 5.8 million Brazilians ang walang tirahan o kaya ay nabubuhay sa matinding kahirapan.
Kaya ang naging tanong: paano ba tinutugunan ng Brazilian government ang right to shelter ng mga mamamayan?
Ang Salt House, ayon sa mga kritiko ng gobyerno, ay isang malaking sampal sa kakayahan ng pamahalaan na magkaloob sa mga tao ng disenteng tirahan.

Nakuwestiyon din kung may plano ba ang Brazilian government para sa mga basurang nalilikha mula sa consumer economy, lalo na sa tourism-intensive contexts gaya ng Itamaracá.
Babala ni Edna: “These bottles aren’t going to disappear.
“Without policies to regulate their production or penalize abandonment, the least we can do is find ways to reuse them.
“If you throw a bottle away and it doesn’t break, it’ll still be there in a year.”
Kung para sa iba ay isa lang architectural oddity ang Salt House, para kina Edna at Maria Gabrielly, ito ay isang tahanang hindi itinatago ang payak na pinagmulan at ang revolutionary goal nito.
Ito raw ang future.
Ang Salt House ay naitayo mula sa glass botles at iba pang mga basura, pero punung-puno ito ng magagandang layunin na lantay sa puso nina Edna at Maria Gabrielly.
Read: Solar-powered tiny house in Rizal showcases off-grid living
