PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sanya Lopez cries tears of joy for brother Jak Roberto

"Yung kay Kuya, dream house niya yung napatayo niya."
by Ruel J. Mendoza
Published Apr 20, 2025
sanya lopez on jak roberto's house
Sanya Lopez is proud of her brother Jak Roberto for completing the construction of his dream house.
PHOTO/S: Sanya Lopez on Facebook; Screen Grab from Jak Roberto's YouTube channel

Naging emotional si Sanya Lopez nang mapagkumpara ang buhay nila ng kanyang Kuya Jak Roberto noon at ngayon.

Sa media conference ng pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan, naikuwento ng Kapuso leading lady na naluha siya nung nakita ang ipinagawang bahay ni Jak.

Jak Roberto's house
Jak Roberto personally went shopping for bathroom essentials.
Photo/s: Screen Grab from Jak Roberto's YouTube channel
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakaka-proud lang. Nadaanan ko kasi. Isa lang naman ang subdivision namin ni Kuya.

"First time ko nakita, naiyak ako. I am so proud for him.

"Ang lahat ng mga pinaghirapan niya, makikita mo na. Ang ganda kasi ng bahay.

"Bumalik sa isipan ko yung mga panahon na dati, nakikibahay lang kami, nakikitira lang kami.

"Tapos ngayon, meron na kaming sariling bahay."

Nakabili na rin ng sariling bahay si Sanya noong 2020.

Read: Sanya Lopez plans to improve security features of her new house

Sanya Lopez house; jak roberto happy for his sister
Jak Roberto (R) at the house of Sanya Lopez
Photo/s: Screen Grab from 24 Oras
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SANYA LOPEZ ON JAK ROBERTO'S HOUSE

Sinimulang ipatayo ang bahay ni Jak noong August 2023.

Matatandaang kasama pa niya sa groundbreaking ang ex-girlfriend na si Barbie Forteza.

Noong March 2025, "95% finished" na ang bahay, ayon sa latest vlog ng aktor ng YouTube.

Ang kuwento ni Sanya, si Jak mismo ang nag-design at siya rin ang namili ng mga materyales at mga gamit.

Aniya pa, "Yung kay Kuya, dream house niya yung napatayo niya. Nakaka-proud na alam mo yung pangarap niya, natutupad."

At ngayong maganda na ang takbo ng showbiz careers nila, hindi raw nakakalimutan ng magkapatid ang kanilang pinagmulan at ang mga panahong nangangarap lamang sila.

Sani ng 28-year-old Sparkle actress: "Kasi noong bata kami ni Kuya, ang iniisip lang namin, paano kaya kami makaka-survive? Paano kaya kami kakain ng tatlong beses sa isang araw? Parang yun lang."

Read: Jak Roberto reveals the "Judith" he and sister Sanya Lopez usually talk about

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SANYA LOPEZ's journey to becoming a leading lady

Natutong maghanap-buhay nang maaga ang magkapatid nang pumanaw ang kanilang amang si Ramil Roberto.

Sumali sa mga pageants si Sanya gamit ang tunay niyang pangalan na Shaira Lenn Roberto.

Naging runner-up siya sa Reyna Ng Bulacan noong 2014 at sa Reyna Ng Aliwan noong 2014.

Pero hindi nagpatuloy ang pageant journey ng dalaga dahil nag-artista siya.

Taong 2013 ay naging support cast siya sa Kapuso series ng Dormitoryo, na pinagbidahan nina Lauren Young, Enzo Pineda, Joyce Ching, Ruru Madrid, at Winwyn Marquez.

Taong 2014 nung naging bahagi silang magkapatid ng programang Walang Tulugan with the Master Showman ni German "Kuya Germs" Moreno.

Sa naturang weekly variety show ay natutunan daw ni Sanya na mas maging confident sa harap ng camera at ng maraming tao.

Ang biggest break niya ay dumating noong 2016, kung saan na-cast siya sa reboot ng Encantadia bilang Sang'gre Danaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang naging hudyat ng kanyang leading-lady status.

Naging female lead siya sa mga teleseryeng Haplos (2017), Cain at Abel (2018), Dahil sa Pag-ibig (2019) at ang first title role niyang First Yaya (2021), First Lady (2022), at Mga Lihim Ni Urduja (2023).

Huling napanood si Sanya sa Pulang Araw bilang si Teresita Borromeo, na naging "comfort woman"—o mga babaeng pinilit maging sex slaves ng mga mananakop—sa panahon ng mga Hapon sa Pilipinas.

Bahagi rin siya ng upcoming telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sanya Lopez as Sang'gre Danaya
Sanya Lopez as Sang'gre Danaya
Photo/s: Sanya Lopez on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SANYA LOPEZ FEELS BLESSED

Sa pagbalik-tanaw niya, hindi nakakalimutan ng dalaga ang mga tumulong sa kanilang magkapatid.

"Itong mga nangyari sa amin ni Kuya, yung mga taong dumating sa buhay namin para tulungan kami, kung ano man yung meron kami, blessing ni Lord.

"Ang sarap pala sa pakiramdam ng unti-unti, meron kaming nararating sa buhay namin.

"Noon, ayaw namin mag-share ng ganitong kuwento, pero gusto na namin mag-share to inspire other people, na kaya rin ninyo."

Naging motivation din nina Sanya at Jak ang kanilang ina na si Marlene Osuna Roberto.

"Si Mommy, proud siya sa amin ni Kuya. Ginagawa naman namin ito for her. Ayaw na namin siya mapagod. Gusto namin na relax na lang siya.

"Si Mommy, sa Bulacan nag-i-stay. May bahay kami sa Bulacan. Pinaupahan namin noon yung bahay, pero ngayon, doon na si Mommy natira.

"Actually, pinapatira ko siya sa akin, pero ayaw naman ni Mommy. Kasi feeling niya, mag-isa lang siya kapag wala ako at si Kuya, kasi pareho kaming may trabaho araw-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero minsan, nasa bahay si Mommy kapag may special occasion."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez is proud of her brother Jak Roberto for completing the construction of his dream house.
PHOTO/S: Sanya Lopez on Facebook; Screen Grab from Jak Roberto's YouTube channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results