Usong-uso ngayon ang mga hacks at D.I.Y. (Do-It-Yourself) videos sa social media.
Most of them of are claiming one thing: Effective!
Ang karaniwang message nila ay maa-achieve ang desired output with less time and effort.
Isa na rito ang kumakalat ngayon tungkol sa paglilinis ang maruruming commercial griddles o mga flat pans na ginagamit sa mga burger and hotdog joints.
Ginagamit rin ang mga ito bilang lutuan sa mga noodle stalls o pancake stores.
Sa mga hacks na mapapanood sa videos, nilalagyan ng ice cubes o kaya ay bloke ng yelo ang napakainit na commercial griddles para sa pagtatanggal ng dumikit o nasunog na pagkain at mantika sa lutuan.
Makikita rin ang biglaang pagkatunaw ng yelo, pag-uusok, at mabilis na pagkakatanggal ng nanikit na pagkain at mantika kasama ng natunaw na yelo.
Pero ayon sa ilang sites, hindi inirerekomenda ang ganitong hack dahil bagama’t makikitang effective sa pagtanggal ng dumi at grasa, nakakasama ito sa lutuan.
“Never use ice to cool the griddle quickly—it can cause the griddle to warp or even crack,” ayon sa 3M.com, isang American multinational conglomerate na nag-o-operate sa fields of industry, worker safety, at consumer goods.
Ito rin ang tip ng Nyco website:
"The cold cubes combine with the hot surface to cause a rapid change in temperature that can result in stress cracks.
"These cracks then expand when the griddle heats up, allowing grease to drip into the inner workings and eventually leading to expensive repairs.”
Ang Nyco ay manufacturer ng cleaners, disinfectants, sanitizers, at floor-care chemicals.

Read: Garantisadong tips para matanggal ang sebo sa plastic containers
THE IMPORTANCE OF CLEANING griddles
Tulad ng ibang kasangkapan sa pagluluto, importanteng linisin ang griddle after use.
Ito ay upang maiwasan ang kontaminasyon ng pagkain, ang pananatili ng burnt aftertaste mula sa nasunog na pagkain, at ang pagdikit ng nilutong pagkain sa nanikit na mantika.
Siyempre, sino ba namang customer ang gaganahang makakita ng maruming lutuan?

Read: No aircon at home? Try these 5 cooling tips
proper WAY TO CLEAN THE GRIDDLE
Pero base sa cleaning guide ng Nyco, tiyaking hindi na mainit ang griddle bago simulan ang paglilinis.
This also applies to all pots and pans.
Next, gumamit ng heat-resistant rubber scraper o spatula para tanggalin ang mga nanikit na pagkain at grasa.
Buhusan ng cleaning solution ang griddle para matanggal ang dumi.
Gadgarin ang mga parte ng griddle na may nanikit na grasa at sunog na pagkain gamit ang griddle brush o panlinis in a circular motion hanggang matanggal ang mga ito.
Buhusan ng tubig o hugasang maigi.
Then gumamit ng malinis at basang basahan sa paglinis ng mga sulok at gilid ng griddle, gayundin ang stove.
Patuyuin using a dried cloth.
Panghuli, punasan ang surface with a cloth (or table napkin) na may cooking oil ang griddle para maiwasan itong kalawangin.
May mga hack na totoo namang epektibo at nakakatulong, subalit may mga pagkakataong nakakasama pala sila in the long run.
Sa ganitong sitwasyon, hindi masama na mag-stick sa tradisyunal at nakagawian. Maaaring mas matagal, mas may effort, pero mas makatitiyak naman sa resulta.
