Ang pako at bakal ay mga importanteng materyales sa pagtatayo ng bahay.
Mas pinapatibay nila ang istruktura at ang pundasyon.
Pero alam niyo bang may bahay sa Pipinas na naitatayo nang hindi ginamitan ng pako o bakal, pero hindi natitibag ng mga bagyo at kahit pa lindol?
Tinatawag itong “Binangi” na matatagpuan sa western part ng Mountain Province.

Ang Binangi ay isang traditional A-type house na nagtatampok ng kamangha-manghang ethnic engineering and architecture.
Ang primary material na ginagamit sa pagtatayo nito ay kahoy—mula sa poste, dingding, bubong, at sahig.
Maging ang pako na ginagamit sa Binangi para paghugpungin ang mga piraso ng tabla at iba pang materyales ay yari rin sa kahoy.
Read: This camper van in Negros Occidental brings you closer to nature
BINANGI HOUSE EXISTED EVEN BEFORE SPANISH ERA
Sinasabing bahagi na ito ng kultura ng mga Pilipino sa Mountain Province bago pa man dumating sa Pilipinas ang mga Kastila.
Nagtutulungan ang magkakapitbahay sa pagbuo ng Binangi sa pamamagitan ng tinatawag nilang “binnadang” o “ob-obbo”—na nangangahulugang sama-samang pagkilos para makamit ang iisang layunin.
Kaya matipid ito hindi lang sa materyales kundi maging sa labor.
Read: Dumpster-diving couple saves PHP637K on food in one year
PROCESSES IN BUILDING BINANGI HOUSE
Ang proseso sa pagtatayo ng Binangi ay nangangailangan ng tiyaga at mahaba-habang panahon.
Nagsisimula ito sa “sabat”—isang okasyon kung saan ipapatawag ang buong komunidad para ipabatid na sisimulan ang pagtatayo ng Binangi at kailangan nilang mangalap ng mga materyales.
Pagkatapos, ihahanda na ang mga tabla, “goon” o cogon grass, “pao” o sticks, at kawayan.

Kadalasan, ang mga kababaihan ang nakatalaga sa pagdadala ng cogon grass.
Lahat ng nakolektang materyales ay ibibilad sa ilalim ng sikat ng araw sa loob ng tatlong buwan o mahigit pa, pero hindi kailangang lumampas ng isang taon.
Kapag natuyo na ang mga ito, magtitipun-tipon ang mga kalalakihan para simulan nang itayo ang Binangi.
Ang may-ari o punong abala sa pagpapatayo ang mag-i-estimate kung gaano kataas at kalawak ang magiging bahay.
Noong wala pang mga measuring tools na ginagamit gaya ng metro, sinusukat nila ang mga materyales sa pamamagitan ng pagdangkal o "dangan” at haba ng kanilang paa o “dipa.”
Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang gawain.
May nakatalaga sa pagsusukat ng mga materyales at paghuhukay ng pagbabaunan ng mga poste.
May tagalinis at tagaputol.
Manu-mano ang mga paghahandang ito at ginagamitan ng mga tools, gaya ng “pa-et” o chisel, “paltik” o chalk line bilang pangmarka sa materyales bago putulin, at “maso” o hammer.
Matapos mga prosesong ito, sisimulan na ang pagtatayo ng bahay.
Read: K Café in Abra stays strong after the storm
PRESERVING THE BINANGI HERITAGE
Kapag naitayo na ang Binangi, magsasagawa ang mga nakatatanda sa komunidad ng “demeg,” isang ritual na nagsisilbing hudyat na ang may-ari ay maaari nang manirahan sa bahay.
Ang demeg ay isinasagawa sa gabi matapos ang paglalagay ng bubong sa istruktura.

Ang Binangi ay nagpapakita ng ingenuity ng mga sinaunang tao at ng power of collaboration.
At para ipaalala sa publiko at mapangalagaan ang kamangha-manghang kulturang ito, ang local government unit ng Tadian ay nagtayo ng Binangi sa loob mismo ng kapitolyo.
Idineklara rin ang naturang Binangi bilang Tadian’s Heritage Center sa pamamagitan ng Municipal Ordinance No. 2018-01.
Ang intangible heritage na ito ay isa rin sa mga documented cultural traditions ng naturang munisipalidad sa ilalim ng cultural mapping program ng National Commission for Culture and the Arts.
Read: Tiny House Living: Pros and Cons
Source: Philippine Information Agency
