PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why hanging overripe bananas in your garden is beneficial

Do not throw them away.
by KC Cordero
Published Feb 26, 2025
Photos of hanging overripe bananas
Huwag itapon ang overripe bananas dahil malaki ang maitutulong nito sa iyong garden. (Photos: Gardening Soul)

Dumarating ba sa puntong hindi mo nauubos ang mga biniling saging at nagiging overripe na?

Iniisip mong sayang naman kung itatapon lang, pero hindi na talaga puwedeng kainin.

Photo of overripe bananas
Huwag basta itatapon ang overripe bananas dahil may silbi ito sa garden. Photo: RSPB

Kung may garden ka—kahit maliit—puwede mong i-hang doon ang overripe bananas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iisipin mong katawa-tawa ang suggestion na ito, pero isa itong practice na kapag nakasanayan ay maghahatid ng maraming magagandang benepisyo para sa ecosystem ng iyong garden.

A hanging overripe banana
Kaysa tuluyang mabulok, gawing kapaki-pakinabang sa garden ang overripe bananas. Photo: Seedball

Ayon sa artikulong nalathala sa website na Cooktop Cove last May 7, 2024, ang tip na ito ay environment-friendly at cost-effective.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tiny House Living: Pros and Cons

OVERRIPE BANANAS ARE MAGNET TO BUTTERFLIES

Naririto ang mga detalye para higit na maunawaan ang rationale at mga paraan kung paano mapapalusog ng overripe banana ang garden.

Naaakit ang mga paru-paro sa naka-hang na overripe bananas sa gardens dahil ang prutas na ito ay naglalabas ng malakas at mabangong halimuyak habang nabubulok.

A hanging overripe bananas and butterflies
May pang-akit para sa butterflies ang mabangong amoy ng overripe bananas. Photo: Birds and Blooms
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang mabangong amoy na ito ay nagpapahiwatig ng presence ng sugar at iba pang nutrients.

Attracted ang butterflies sa sugar ng prutas, na kailangan nila para makalipad at mag-reproduce.

Ang ganitong interaction ay mahalaga sa garden dahil malaki ang papel ng butterflies para sa pollination.

Habang nagpapalipat-lipat sila sa mga bulaklak, naililipat din nila ang pollen, na nakatutulong naman sa reproductive process ng mga halaman.

Bukod dito, ang aktibidad na iyon ng mga butterflies ay nagiging ambag para sa mas biodiverse garden environment.

Higit sa lahat, ang presence ng butterflies ay nakakadagdag sa aesthetic appeal ng garden, at nakalilikha ng mas makulay at dynamic na ecosystem.

Read: CHECK THIS OUT: Renter's small bathroom in New York City

OVERRIPE BANANAS ARE NATURAL PEST ATTRACTION

Ang amoy ng overripe bananas ay nakakaakit din ng iba pang insekto na tinatawag na “beneficial insects.”

Kapag may presence ng ganitong uri ng insekto sa iyong garden, nakokontrol ang mga peste nang hindi na kailangang gumamit ng chemical pesticides.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang beneficial insects ay mga insekto at iba pang arthropods na nakatutulong para mapuksa naman ang mga mapanirang insekto, mapaganda ang kalidad ng lupa, at mapangalagaan ang kapaligiran.

Photos of beneficial insects
Ang chart ng mga beneficial insects. Photo: HEMC

Bukod sa pagsila sa mga parasitize pests na nakasisira ng mga halaman at bunga, epektibo rin ang beneficial insects sa pagre-recycle ng nutrients, pagpapanatiling sariwa ang lupa, at pagpapabilis ng pagde-decompose ng mga basura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga ito ang beetles, green lacewings, bees, praying mantis, wasps at bugs.

Bukod sa mga insekto, ang naka-hang na overripe banana ay nakakaakit din ng mga ibon, na makautulong para mapayabong ang local biodiversity ng area.

Read: How to make your house anay-free and rodent-free

OVERRIPE BANANAS HELP IN NUTRIENT RECYCLING OF SOIL, EASY COMPOSTING

Habang nade-decompose ang naka-hang na overripe bananas, naglalabas ito ng nutrients na bumabagsak sa lupa.

Sa pamamagitan ng prosesong ito, nagiging mas mataba ang lupa na nakatutulong sa paglusog ng mga halaman nang hindi na kailangan pa ang synthetic fertilizers.

Kung naka-hang ang overripe banana, mas nagiging maayos ang decomposition nito at hindi nagiging kalat sa lupa.

Ang ganitong method ay bahagi ng hassle-free composting strategy na malaki ang maitutulong para sa sustainable garden practices.

Kaya kung lagi kang may overripe bananas, gawing habit ang pagsasabit nito sa iyong garden.

Read: Modern bahay-kubo in Cavite is 70% made from scrap materials

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Huwag itapon ang overripe bananas dahil malaki ang maitutulong nito sa iyong garden. (Photos: Gardening Soul)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results