Hindi biro ang paglilinis ng kusina.
Napakarami kasing bahagi nito, kabilang ang mga gamit, na dapat ay regular na nalilinis.
At may iba't ibang paraan pa ng paglilinis. Halimbawa, paano paputiin ang mga tiles o paano hugasan ang oily countertop? Paano panatilihing ipis-free ang area?
Narito ang ilang home tips mula sa website na Apartment Therapy.
SPONGES AND DISHCLOTHS
Alam niyo bang ang sponges at dishcloths ang dirtiest items sa kitchen?
Madalas kasi silang gamitin at lagi ring basa kaya madaling pamugaran ng germs.
Cleaning tip: Hugasan sila ng mainit na tubig at sabon araw-araw, at puwede ring i-microwave ang mga ito nang basa sa loob ng 30 seconds.
At yung mga sponges, dapat pinapalitan every two weeks. Huwag hayaang magtagal sila lalo't ginagamit silang panlinis sa cooking at eating utensils.
CABINET, REFRIGERATOR, AT DOOR HANDLES
Hind man napapansin, pero bawat hawakan—mula sa cabinet doors, refrigerator handle, oven knob, hanggang sa pinto ng kusina—ay punong-puno ng fingerprints, mantika, at bacteria.
Cleaning tip: Parating punasan ang mga ito ng basang microfiber cloth na may dish soap o disinfectant.
RICE COOKER AT COFFEE MAKER
Kelan ka huling nag-full cleaning ng rice cooker at coffee maker?
Cleaning tip: Laging hugasan ang inner pot ng rice cooker at punasan ang loob at labas nito para hindi mag-ipon ng moisture at amag.
Sa coffee maker naman, pakuluan ito gamit ang equal parts ng tubig at suka para mawala ang naipong residue at bacteria.
CHOPPING BOARDS
Kelangang mabusisi ang paglilinis ng chopping board araw-araw para masigurong walang natitirang bacteria mula sa meat, gulay, at sibuyas na puwede pang kumapit.
Cleaning tip: Hugasan ito with hot water at dishwashing soap pagkatapos gamitin.
Para sa wooden chopping board, wisikan ito ng asin at i-scrub gamit ang sliced lemon para maalis ang stains at bacteria.

Read: How to organize your pantry for easier meal preparations
EXHAUST FAN AT RANGE HOOD
Kapag laging ginagamit ang kalan, nagkakaroon ng oil and dust build-up sa exhaust fan at range hood.
Kung hindi ito nililinis, bumababa ang efficiency nito at mas nahihirapang i-absorb ang usok sa pagluluto.
Cleaning tip: Tanggalin ang filter at ibabad ito sa mainit na tubig na may dish soap. I-brush para matanggal ang dumi.
ICE TRAY AT FREEZER SEALS
Akala ng iba, hindi kailangang linisin ang ice tray at freezer seals dahil nasa loob naman sila ng freezer.
Pero over time, puwedeng magkaroon ng residue ang ice tray na nagbibigay ng kakaibang lasa sa yelo.
Cleaning tip: Hugasan ito ng warm soapy water at punasan ang freezer seals gamit ang vinegar and water mixture para matanggal ang mga kumapit na dumi.
CAN OPENER AND BOTTLE OPENER
Dahil metal at madalas ginagamit, madaling kapitan ng dumi at kalawang ang can opener at bottle opener—pero bihira silang malinis nang maayos.
Cleaning tip: Pagkatapos gamitin, hugasan ito ng dish soap at mainit na tubig at siguraduhing tuyo bago itabi para maiwasan ang rust build-up.
BLENDER AND FOOD PROCESSOR BLADES
Kapag nag-blender ng smoothies o sauces, madalas na hinuhugasan lang nang mabilis ang pitcher, pero nakakalimutan ang blades at ilalim nito.
Cleaning tip: Ihiwalay ang detachable parts at hugasan ang bawat sulok para hindi maipon ang nakasiksik na pagkain.
MICROWAVE INTERIOR AND KEYPAD
Dahil madalas gamitin, naiipon ang mga talsik ng pagkain sa loob ng microwave na hindi agad napupunasan.
Cleaning tip: Magpainit ng isang bowl ng tubig na may suka o lemon sa loob ng five minutes para lumambot ang dumi, pagkatapos ay punasan ng malinis na basahan.
Huwag kalimutan ang keypad—lagi itong pinipindot pero bihirang i-disinfect.

TRASH CAN AND UNDER-THE-SINK AREA
Hindi sapat na regular lang ang pagtatapon ng basura—kailangan din hugasan ang mismong basurahan gamit ang sabon at tubig para hindi ito mangamoy.
Huwag kalimutang patuyuin ito at mag-spray ng disinfectant.
Dapat ding regular na linisin ang ilalim ng lababo kung saan madalas may tagas o naipong moisture na puwedeng pagmulan ng dumi at pamugaran ng ipis at lamok.
Gawan ng checklist ito para makasigurong malinis ang mga gamit na may kinalaman sa pagkain.
Read:
This camper van in Negros Occidental brings you closer to nature'