PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PVC, good wood alternative resistant to anay, water, and heat

It's a bit pricey, but it is worth it, says a licensed architect.
by Bernie V. Franco
Published Feb 6, 2025
cabinets
PVC (polyvinyl chloride) is a widely used construction material known for its lightweight, durability, and resistance to water and heat. It requires minimal maintenance and boasts a long lifespan.
PHOTO/S: Canva

Alam mo ba na may construction material sa pagpapagawa ng bahay na hindi nabubulok, hindi nasusunog, at hindi inaanay?

Ang alternative na ito ang susi para masolusyunan ang ilang problemang ikinakatakot ng homeowners.

Tinukoy ito ng licensed architect at content creator na si Ed Ramos sa isang recent house project para sa kanyang client na 1,000 square meters ang floor area ng bahay.

Gumawa ang team ni Ed ng maraming customized cabinets sa bathroom ng master bedroom, walk-in closet ng wife ng owner, hanging cabinets sa kitchen, pati na rin mga revolving cabinets sa iba pang bahagi ng bahay.

Lahat ng cabinets ay yari sa 18-milimeter PVC boards.

At ipinakita ni Architect Ed sa kanyang YouTube video ang mga ito noong January 2025.

window frames
PVC is a good alternative for wood, steel, and metal in constructing homes and buildings.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tiny house on wheels: Live small, explore more

BENEFITS OF USING PVC

Ang PVC o polyvinyl chloride ay isang uri ng plastic.

Paliwanag ni Ed sa mga PVC-made bathroom cabinets, “Lahat ito PVC para hindi siya mabulok kasi, siyempre, magkakaroon ng moisture dito dahil ito ay banyo. So lahat iyan, hindi iyan aanayin dahil lahat iyan ay PVC board.”

Gawa rin sa PVC ang hanging cabinets sa auxiliary kitchen ng ipinapatayong bahay.

“’Tapos ang pinakadaya namin dito sa cabinets, ayaw nga namin ng anay, di ba, gagamit kami ng mga steel rack at ginawa rin namin ito sa isang walk-in closet.”

Ipinakita ng arkitekto na ang main frame ng closet ay gawa sa bakal at kakabitan ito ng PVC boards para mabuo ang cabinet.

May mga bahagi rin ng closets na ginamitan ng plywood para sa paggawa ng sliding doors.

“The rest PVC lahat ng makikita sa cabinets."

Yun nga lang, sinabi ni Ed na mas mahal ang PVC kumpara sa plywood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdedetalye ng arkitekto, ang isang 18-mm PVC board ay nagkakahalaga ng PHP3,600/piece kumpara sa marine plywood na nasa PHP2,000 kada piraso.

Giit niya, sulit naman daw ito.

“Hindi ka naman talaga magsisisi... Kasi lifetime na ito, e. Di ito nasusunog, di inaanay, di nabubulok.”

Ang plano naman ng arkitekto batay raw sa pag-uusap nila ng client ay pinturahan ang cabinets at closets ng white paint.

Ang iba naman ay pagmumukhaing wood.

“Puwedeng magmukhang kahoy pag magaling ang pintor. Madami kang puwedeng gawin," ani Ed.

Diin ni Ed, “Maganda yung materyales kaya lang medyo pricey.

“Dati imported pa iyan, pero ngayon kahit saan, kahit sa Shopee meron nang ganyan.”

Read: Feng shui-approved plants for prosperity and luck

WHY USE PVC?

Tinalakay naman ang kagandahan ng paggamit ng PVC sa artikulong inilabas sa website ng Octaform, isang stay-in-place wall forming system na gumagamit ng PVC.

Ang PVC ay lightweight saka water at heat resistant. Ito ay low maintenance.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matagal rin ang lifespan nito kaya ginagamit ito sa drinking water at wastewater pipes, window frames, flooring, roofing foils, wall coverings, cables at iba pa.

Bukod sa kahoy, maganda rin itong alternatibo sa metal, rubber, at glass.

Matibay ito at hindi nabubulok.

Resistant pa sa panahon, water, oil, at UV radiation, maging sa mga kemikal tulad ng acid, alcohol.

Madali rin itong linisin at recyclable.

pipes
Pipes made of PVC are used in constructing sewage systems.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PVC (polyvinyl chloride) is a widely used construction material known for its lightweight, durability, and resistance to water and heat. It requires minimal maintenance and boasts a long lifespan.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results