From dream to reality ang tiny house na ipinatayo ni Michelle Trinidad.
Tubong Lipa, Batangas, siya ay isang human resources personnel na nakabase sa Manila.
Nakapag-asawa si Michelle ng taga-Sto. Tomas, La Union.
At unang punta raw niya sa hometown ng mister, agad nabighani sa lugar si Michelle.
Dito nagsimulang mabuo ang pangarap niyang magpatayo ng bahay-bakasyunan.
Ang kuwento niya sa Summit OG:
“The first time I came here, na-in love na talaga ako because tabing-dagat siya.
"And as a seafood lover, this is really a haven because you have access to fresh seafood from your backyard.
“Sabi ko talaga na given the opportunity, gusto naming magkaroon ng sariling space dito, so that whenever we come here for a visit, at least, we have our vacation place.”
Read: Which is better: Build or buy a house with your PHP1.5M?
TURNING THE DREAM INTO A REALITY
Habang hindi pa nangyayari, unti-unting binubuo ni Michelle sa kanyang isip ang magiging hitsura ng dream vacation house.
Passion niya ang interior designing at mahilig siyang manood ng home building at home improvement shows.
Kaya nang dumating ang pagkakataon, naging mabilis ang lahat.
Sabi ni Michelle, “After many years of dreaming that, it’s very fulfilling that finally na-excute namin siya.
“But prior to that kasi, everything that I wanted for our house, is already in my mind.”
Noong nakaraang taon, may ibinigay na 100-square-meter lot ang kanyang biyenan sa kanilang mag-asawa.
Iyon ang naging hudyat para simulan na ang pagtatayo ng kanilang tiny home.

Read: Modern bahay-kubo in Cavite is 70% made from scrap materials
BALI-INSPIRED TINY HOUSE
Ang naging inspirasyon ni Michelle sa disenyo ay "yung mga nakikita ko in Bali pictures where there is sunken living room, and just light and airy, and there is a fusion of nature inside the house."
Ang floor area kasama ang loft ay 44 sqare meters.
Mula sa gate, mayroong pathway papunta sa entrance ng bahay.
Pagbukas ng pinto, makikita agad ang kitchen at ang high ceiling kunsaan nakasabit ang mga rattan lamps.
Agaw-pansin din ang backsplash na mismong si Michelle ang nagdisenyo gamit lamang ang semento at spray paint.
Sagana sa natural light ang bahay dahil marami itong glass windows.

Sa tabi ng kitchen ay mayroong coffee table dahil parehong coffee lovers sila ni mister.
Sa ilalim ng hagdan ay naroon ang sunken living room at katabi nito ang pinto papunta sa toilet and bath.

Gumamit naman sila ng yakal wood para sa steps ng hagdanan para maging anay-free.
Sa loft ay may double bed at queen-size bed kaya kasya ang anim na katao.
Mayroon din silang outdoor dining area at garden area.

PERSONAL TOUCH
Simple pero interesting touches ang disenyo ni Michelle.
“When you go to the toilet and bath, I mixed different tile designs na nama-maximize talaga yung shapes and also texture para hindi lang siya plain.
“And then even just from the tile itself, nadadala niya na rin yung vibe of the space.”
Magkano ang inabot ng kanilang gastos? Ayon sa kanya, isang milyong piso.

Sa kasalukuyan, bakasyunan lang talaga ang tiny house, pero eventually, balak niya itong parentahan.
May future plan din si Michelle na dagdagan ang bahay ng third floor para sa Master’s bedroom.
Gusto rin niyang palibutan iyon ng glass para ma-maximize ang magandang view ng dagat.
Payo niya sa mga nangangarap na magpatayo ng bahay, “Planning is key and also if you want to maximize your budget, spend time sourcing for materials, and minimize errors.
“Planning right from the get-go including kung paano utilize each of the space.”
Mainam na mag-stick sa budget pero kelangang may kaunting extra para sa “unforeseen cost.”
Siyempre, importante raw ang pagkuha ng professionals na makakatuwang sa pagpapatayo ng bahay.
