PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Which is better: Build or buy a house with your PHP1.5M?

If you have PHP1.5 million should you buy a house or just build one?
by Bernie V. Franco
Published Dec 30, 2024
miniature house
Are you torn between buying a house o just building one with your PHP1.5 million? A professional architect cites three considerations before making a decision.
PHOTO/S: Canva

Kung ikaw ay may PHP1.5 million budget, ano ang mas mainam: bumili ng ready for occupancy (RFO) na bahay o yung "to construct" or yung magpagawa?

Sa nasabing amount, ayon sa professional architect and influencer na si Ed Ramos, ay "marami kang opportunities.”

Sa vlog na in-upload ni Ed noong November 24, 2024, aniya, “Puwede mong ibili ng lote iyan, puwedeng dagdagan mo iyan sa pamamagitan ng loan, o kaya mag-ipon ka pa. Magandang sitwasyon.”

Sa kanyang analysis, tatlong kunsiderasyon ang tinukoy ni Ed para malaman kung mas pipilin dapat ang RFO o “to construct” na bahay.

Read: Modern bahay-kubo in Cavite is 70% made from scrap materials

TIME

Ang unang factor ay ang time.

“Kung kailangan mo ng mabilis na transition, kung ikaw ay nasa previous na bahay mo o nagpaplano ka na lumipat at nagmamadali ka, aba, siyempre, pasok diyan ang RFO.

Once raw na mabayaran na ang RFO unit ay maaari nang lipatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Giit ng arkitekto, “If element ang time, need lumipat, RFO ka na.”

Nagbigay ng time frame si Ed kung gaano katagal itatayo ang isang praktikal na bungalow type na bahay with three bedrooms para sa isang pamilya.

“It will take six to eight months para ma-complete iyan para matirhan mo na.

“Pero ang PHP1.5 ay maaaring kulang pa, unless malilit na bahay at huhulugan. So, puwede na.”

house for sale
How do you decide if it is better to buy a house or build one with your PHP1.5 million?
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Caretaker living in mountain top invents micro hydro power machine

NEED

Dito raw pumapasok ang mga pangangailangan o requirements mo sa hinahangad na tirahan.

“Kung mas importante sa inyo na ma-meet yung iyong kailangan, halimbawa, meron kang tatlong anak, so ang requirement mo, at least meron kang three bedrooms…

“’Tapos gusto mo ma-i-park ang iyong sasakyan, siguro ang kailangan mong property ay at least nasa 150 square meters.

“Kung PHP1.5 million lang ang pera mo baka mahirapan ka na bumili ng RFO.”

Ang inirekomenda ni Ed ay ibili muna ng lot property ang PHP1.5 million na may 150-square-meter size o mas malaki pa.

Aniya, sa ganitong halaga ng pera ay makakabili ng lote sa magandang location. Tiyakin lamang daw na hindi ito binabaha at malayo sa fault line.

“So, sa ‘to construct,’ ang pupuntahan mo kung hindi ka nagmamadali, at kailangan mo ng ganoong magandang property, at gusto mo ang property ay maganda ang location.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung di mo kailangan agad-agad lumipat, baka i-consider mo na lumipat sa magandang bahay na ikaw mismo ang magpapagawa.”

Maaari raw gawing collateral ang lot property na ito.

“Eventually kung gusto mo nang magpatayo ng bahay at mag-avail ka ng isang housing loan, whether sa Pag-IBIG o reputable na bangko of your choice.

“So magandang option iyon kasi hindi mo mararamdaman na ganoon kalaki ang ilalabas mong pera.

“’Tapos yung property ay gagawin mo pang-collateral sa bangko.”

PREFERENCE

Kung meron naman daw specific design ng bahay na gusto, malabo raw itong ma-achieve sa RFO unit.

Sabi ni Ed, “RFO na units kasi, may design na iyan. Very limited na ang babaguhin mo, unless ipa-renovate mo.

“So hindi mo kaagad siya matitirhan kung preference mo ang iniintindi mo.”

Sa “to construct” na bahay, mas mayroon kang kalayaan na piliin ang disenyong gusto mo.

Subalit ang PHP1.5 million ay maaaring kulangin.

miniature house
A professional architect pointed out three elements if you should buy a ready to occupancy house or just to build one.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinalakay rin ni Ed ang nauusong pre-fabricated houses ngayon para sa mabilisang pagpapatayo ng bahay na hindi mabubutas ang bulsa.

“Ang totoo, yung PHP1.5 million, puwede ka nang magkabahay diyan. May mga pre-fabricated na materials. Dadalhin na lang sa site.”

Gagastos lamang daw ng PHP200,000 para sa pre-fab materials para sa isang unit na ookupa sa may 30 square meters na lote.

Pero kailangan pa rin ng tinatayang PHP400,000 para sa pag-deliver ng materials, mga kinakailangang equipment, at ang mismong pag-a-assemble at pagpapatayo.

“Pero ang totoo, hindi iyon ang preference mo kasi modular na iyon, e. Buo na yun. Kumbaga, hindi siya masyadong customizable.”

Mungkahi ni Ed, “Puwede kang bumili ng property na gusto mo, i-loan mo sa bangko, gawin mong collateral, at magpagawa ka ng design based sa kung ano ang gusto mo.”

Sa huli, sinabi ni Ed na determining factor kung ano ang iyong priority—kung bibili ng RFO o pipiliin ang “to construct” na bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Ibig sabihin, matter of prioritizing. Ano ang pinaka-priority mo—yun bang makalipat agad, yun bang kung ano ang kailangang-kailangan mo, at kung ano ang gusto mo.

“Sa pamamagitan niyan, puwede mong magawa ang mahusay na decision.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Are you torn between buying a house o just building one with your PHP1.5 million? A professional architect cites three considerations before making a decision.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results