Dahil paboritong tambayan ang isang lugar sa Amadeo, Cavite, naisip ng tatlong magkakaibigan na tayuan ito ng deck house.
Mga high-school classmates na napanatili ang pagkakaibigan hanggang sa magkaroon ng sari-sariling buhay at maging mga businessmen.
Sa sobrang closeness nila, nag-share-share sila ng pondo para sa construction.
Hindi nagtagal, pinaupahan nila through Airbnb ang property.
“Nagkaroon kami ng konting savings from our previous jobs. Di naman ganon kalakihan,” sabi ng architect na si Dinn Joshua Dizon sa OG.
“Para magtuluy-tuloy ang bonding namin pag-akyat nila dito sa Tagaytay, may mapapala kami.
“Nag-aspire kami na magtayo ng sariling business, which ended up na mag-materialize at magtuluy-tuloy at nag-start kami, katulad nitong deck house.”
Pag-amin ni Dinn, ang initial share ng tatlong nilang pagkakaibigan ay PHP500,000. Pero habang itinatayo ang kanilang establishment, may additional expenses ito at umabot sa PHP1.8 million ang cost.
Read: Couple enjoys probinsiya life in Baler, living in Bahay Kubo


CUSTOMIZED STEEL HOUSE
Ang kanilang establishment ay itinayo sa 272-square-meter leased lot sa Amadeo. Ang deckhouse ay may 150-square-meter floor area.
Ang initial plan nila ay gumamit ng container vans bilang foundation, subalit limitado raw ang dimensions kung ito ang gagamitin.
Kaya nagpa-customize sila steel structure na inspired by a Japanese house.
Sabi ni Dinn, “The idea was inspired by my previous trips to Japan. Fan talaga ako ng architectural designs, lalo na ang residential houses kaya yun ang naisip namin.
“We came up na i-customize na lang namin to build our own metal structure.
"Masusunod ang gusto namin ng laki ng living room, ng banyo, laki ng kitchen, taas ng ceiling.
“Ngayon para mag-generate din ng income kahit paano gawin naming maliit na tambayan, private nga…”


Adbentahe raw sa lugar ang magandang klima.
Katabi naman ng deck house ay isang café para sa mga gustong mag-chill.
Ang living room ay may convertible sofa bed na adjacent sa maliit na kitchen.
Meron itong outdoor dining at sa tabi nito ay heated jacuzzi.
Sa second floor ay may dalawang kuwarto: master’s bedroom na may pull-out bed at isang family room na may dalawang queen-sized bed.
Read: This tiny house in Siargao withstood a super typhoon in 2021

TAKE RISKS
Dahil matagal nang magkakakilala, kabisado na ng tatlong magkakaibigan ang delegation ng trabaho sa kanilang property.
Nagbigay rin sila ng payo pagdating sa construction.
“Huwag kayong matakot. Mag-take na tayo ng risk,” payo ni Mark Angelo Santos, isang engineer.
“Siguro if may means ka, take the risk. Di ka naman magre-regret, magle-learn ka naman throughout the process.”
Sabi naman ni Dinn, “Sa akin, personally, ang una kong kinonsider, kung business ba ma-e-enjoy ko, kasi from startup hanggang marating mo na ang goals mo, nandiyan yung stress, e. Nandiyan yung pressure…
“Pero yung enjoyment, kahit napi-pressure ka, kahit na-i-stress ka, yun yung hindi mabibili, hindi matatawaran… nung sacrificies mo at itinayo mo na negosyo.”
