Ipinagmamalaki ng painter na si Sarah del Rosario, 32, na nakapagpatayo siya ng bahay mula sa kanyang pagpipinta.
Tawag nga niya sa kanyang two-storey house ay “bahay na galing sa mga pintura.”
Ani Sarah sa interview ng Summit OG, “Dahil most of my savings, ipinampatayo ng bahay," na nakatayo sa Quezon, Nueva Ecija.
Ang floor area nito ay 240 square meters at may lot area na 1,000 square meters na nabili nila noon sa abot-kayang halaga.
“Nung binili namin ang lupa na ito, less than PHP100,000. Kakakasal lang namin noon,” kuwento ni Sarah.

Sarah del Rosario's two-storey house in Quezon, Nueva Ecija
Read also: Tiny house na European-inspired sa Bulacan, katas ng travel refunds
Sa hardin ng bahay, mayabong ang mga halaman ni Sarah, na isang self-confessed plantita.
Minsan ay sa hardin din niya tinatapos ang kanyang mga obra.
“Nung nagkaroon ng pandemic, I used to be an event stylist.
“And then nag-start ako na mag-paint and I tried na ibenta siya ng mga PHP500, PHP1500, ganyan.”

Sarah del Rosario (third from left) showing off her artworks. Beside Sarah is her husband Patrick, a photographer. (far right).
Ani Sarah, ang kanilang bahay noon ay "nasira" niya dahil ginawa niya itong work area para sa kanyang paintings at flower storage para sa mga events.
Kaya sabi ni Sarah tungkol sa kanilang two-storey house ngayon, "...I decided na ipatayo ito out of the kita [from] my painting[s].”
Ang dating bahay, na nakatayo sa likod ng two-storey house, ay tuluyan na niyang naging work area para sa paintings at flower designs.

Living room

Dining area

Family room, second floor
Also Read: Introducing typhoon-proof Cuboid house worth PHP1.8 million
CLASSIC, TROPICAL HOUSE
Kuwento ni Sarah, agad-agad niyang nagustuhan ang disenyo ng bahay nang ipakita ng architect blueprint.
“Walang revision, walang kahit ano. Nakuha niya agad ang gusto ko na bahay na maraming bintana, maraming araw [na makakapasok].”
Dagdag ni Sarah, “This is a classic tropical house and I think everything that I loved is in it.”
Malaking bahagi raw ng bahay ay gawa sa semento.
“Hindi kasi kami puwedeng gumamit ng sobrang daming wood dito kasi since bukid siya, maraming mga mother anay,” natatawang biro ni Sarah.

Sa first floor ay naroon ang living room kung saan din tinatanggap ang kanilang mga bisita, dining area, kitchen, at dirty kitchen.
Sa second floor naman ay mayroong family room at tatlong kuwarto.
Makikita naman sa buong bahay ang mga artworks ni Sarah at mga photos na kuha ng asawa niyang isang photographer.
Hindi na binanggit ni Sarah kung magkano ang kanyang nagastos para ipatayo ang kanyang bahay sa isang field area.
Panoorin dito ang video:
