Pangarap mo bang magkaroon ng bahay sa tuktok ng bundok, malanghap ang sariwang hangin, matanaw ang sea of clouds at ang Sierra Madre range?
Bahagi ito ng day-to-day life ng mag-asawang sina Mia Rivera, 35, at Ron Rivera, 35, dahil sa kanilang sky cabin na matatagpuan sa Tanay, Rizal.
Nakatayo ito sa mataas na lugar na sakop ng 400 square meters.
Sa ibang bansa, karaniwang gawa sa malalaking logs o punong-kahoy ang cabin.
Pinoy style naman ang sky cabin dahil gawa ang exterior nito sa kawayan.
Sakop ng mini-veranda at cabin ang 15 square meters, samantalang ang paligid ay mayroong bonfire area, camping area, at bonding spot ng grupo o pamilya.

Sabi ni Ron sa Summit OG: “Tinawag naming sky cabin itong property namin kasi located nga siya sa bundok.
“Yung level kasi ng property is parang ka-level niya ang sky.
“’Tsaka yung property kasi namin, located kasi ito sa isa sa pinakamalamig na area ng Tanay.”
Ang unang plano nina Ron at Mia ay magtayo ng family home na close to nature.
“Talagang para sa amin lang na family kasi nga lahat naman tayo, affected ng pandemic, lahat tayo parang nagkaroon ng mga parang depression.
“Itinayo namin ito para sa amin din, para sa mental health.”
Malaking tulong daw ang kapaligiran dahil nakaka-relax.
“Wala kang ibang iisipin kundi magpahinga,” sundot ni Ron.
Hindi nga raw makalimutan ni Ron ang naramdaman niya nang matapos ang kanilang cabin.
“Sobrang na-relieve ako,” aniya.
Sa veranda ng cabin, may “perfect view” ka ng Sierra Madre, sea of clouds, at mayabong gubat.
“Mapi-feel mo talaga dito yung nature.”

A view of the Sierra Madre from the sky cabin
Magkano naman ang inabot ng construction?
“Total construction cost simula paghahakot ng gamit at transportation, pagpapalagay ng solar [panel], overall PHP380,000,” ani Ron.
Also Read:
- Couple invests PHP2M in typhoon-proof farmhouse in Naga City
- Calamity-proof na tiny house worth PHP800K, natapos sa loob ng six days
A CLOSER LOOK AT SKY CABIN
Sa loob ng cabin ay maaaring matulog ang tatlo hanggang apat na katao.
May adjacent itong maliit na outdoor kitchen kung saan puwedeng magluto.
Mayroong maliit na comfort room/shower room.


Sa labas ng cabin ay ang bonfire area at bonding area para sa pamilya.
Ang table and chairs sa bonding area ay gawa rin sa recycle rubber materials.

Gumagamit ang cabin ng solar panels kaya limited ang energy power na puwede lang gamitin sa lights at electric fan, pati na rin sa pag-charge ng gadgets.
Maaaring rentahan ang lugar sa halagang PHP3,000 para sa 2 hanggang apat na katao at may additional fee kung magkakaroon ng outdoor camping at mas maraming katao.
Maaari silang kontakin sa facebook account nilang Sky Cabin.
Para sa buong video, narito ang link:
