PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinay owns PHP1.25B mansion in Florida, USA up for sale

Mas mataas ang value sa mansion ni Shaquille O’Neal.
by Bernie V. Franco
Published May 25, 2022
florida mansion
For sale PHP1.25 billion. Itinuturing na "most expensive" estate home ang property na pagmamay-ari ng isang mayamang Pilipina.
PHOTO/S: YouTube (SVN Saunders Ralston Dantzler Real Estate))

Tumataginting na $25 million o PHP1.25 bilyon ang halaga ng isang ibinebentang property sa Orlando, Florida sa Amerika.

Ang three-story luxury estate home ay pagmamay-ari ng isang mayamang Pinay na hindi ipinakilala.

Tinatawag itong Entrelagos, isang Spanish word na ang ibig sabihin ay “house between many waters.”

Ito ay sa kadalihanang ang halos 15,000-square-foot property ay napapalibutan ng lake. Sa loob nito ay mayroong man-made ponds at pool.

Labintatlo ang bedrooms nito at labintatlo rin ang bathrooms.

Ito na ang pinakamahal na mansiyon sa Florida, ayon sa eksklusibong ulat ni Paul Garilao ng ABS-CBN News nitong May 20, 2022.

Ang halaga nito ay higit doble pa sa mansiyon ni Shaquille O’Neal sa Florida, na naibenta ng $11 million (PHP550M).

Naka-post ang details ng property sa website ng SVN Saunders Ralston Dantzler Real Estate, isang full-service land and commercial real estate brokerage.

MANSION WITH A TOUCH OF PINOY DESIGNS

Kapansin-pansin sa video na ang bawat detalye ng malawak na property ay nagtataglay ng mga disenyong sumasalamin sa kulturang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami itong mga wood carvings na nagmula pa sa Pilipinas, gawa mismo ng Ifugao artisans.

Inabot ng tatlong taon ang mga Ifugao carvers bago matapos ang mga wood carvings.

Ipinuwesto ang mga wood carvings na ito sa mga poste, hagdan, bedroom, at pati na rin sa game room.

florida filipino mansion

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kita ang mga posteng gawa ng mga Ifugao artisans na inangkat pa mula sa Pilipinas.

Sa entrance ay makikita ang mapa ng Pilipinas sa sahig na gawa sa marble at may mga vintage Filipino coins.

florida mansion

florida mansion

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

(Top photo) Ang mapa ng Pilipinas sa marble floor. (Bottom photo), isang lumang 50 centavos na nakadikit sa sementadong sahig ng mansiyon.

Ayon pa sa ulat, nais ibenta ng may-ari ang kanyang ari-arian at nagpaplanong magpatayo ng green building sa Subic Bay.

florida mansion

Ang bahay ay may two-story library

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang real-estate agent na may hawak sa property ay namamangha sa Entrelagos.

Ani Richard Dempsey, senior real-estate agent, “It’s very exciting because it is such a unique property that you don’t get many opportunities just like this.

“And you have to market it to a very unique market and you’re going to have a unique buyer.”

Challenging daw ang paghahanap ng buyer para sa property, pero hindi ito alintana ni Dempsey.

Ibinahagi rin niyang nakakita na siya ng dalawang potential buyers na interesado sa property.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For sale PHP1.25 billion. Itinuturing na "most expensive" estate home ang property na pagmamay-ari ng isang mayamang Pilipina.
PHOTO/S: YouTube (SVN Saunders Ralston Dantzler Real Estate))
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results