PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kaye Abad makes a revelation on 44th birthday: "I'm cancer-free."

She opens up about her year-long cancer battle in emotional vlog.
by Mark Angelo Ching
Published 5 hours ago
Kaye Abad is a cancer survivor
Kaye Abad: "Yeah, the doctor declared. She said, she declared, as of now, you can declare that's you're a survivor and cancer-free."
PHOTO/S: Kaye & Paul Jake on YouTube

Masaya na naluluha si Kaye Abad nang inanunsiyo niya na isa siyang cancer survivor.

Aniya: "Yeah, the doctor declared. She said, she declared, as of now, you can declare that's you're a survivor and cancer-free."

Kaye Abad shed tears of  joy when she shared the doctor's good news: she is cancer-free.
Kaye Abad shed tears of joy when she shared the doctor's good news: she is cancer-free.
Photo/s: Kaye & Paul Jake on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinunyag ito ng aktres ngayong gabi, May 17, 2026, sa isang emosyonal na 25-minute video na in-upload sa Kaye & Paul Jake YouTube channel.

Ipinakita niya rito ang mga inipong footage na nag-document ng laban niya sa breast cancer.

Ito ang unang beses na isinapubliko ni Kaye ang pinagdaanan niyang cancer battle.

Sa mga nakapansin sa mga pagbabago sa balat niya, nagbigay siya ng paliwanag: "This will explain why I'm very strict with my sugar diet. Bakit ako biglang may melasma. Bakit yung skin ko became darker without going to the beach. Walang swimming. Brain fog, ano pa ba? Grabe ako ma-stress, etc."

Birthday episode daw ni Kaye ang video. She turns 44 ngayong May 17.

Si Paul Jake Castillo ay ang kanyang asawang celebrity businessman, na pinakasalan niya noong 2016.

May dalawa silang anak.

Sa Cebu naninirahan ang kanilang pamilya.

Read: Kelvin Miranda to file lawsuit vs. driver involved in dad's death

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEGINNING OF THE JOURNEY

Noong January 13, 2025, sinimulan ni Kaye na mag-record ng mga video tungkol sa kanyang cancer journey.

Sa araw na iyon ay naka-schedule siya para magpa-mammogram, isang medical procedure para malaman kung may senyales ng breast cancer.

Nirekomenda raw ito ng kanyang doktor matapos ang kanyang gall bladder operation noong September 2024.

Hindi niya agad isinagawa ang mammogram dahil natatakot daw siya.

“Sabi ko, next year na lang, natatakot ako kung ano ang malaman ko. And then magpa-Pasko. Pumayag naman siya,” kuwento ni Kaye.

Saad pa niya, naka-schedule din siya para sa check-up ng kanyang ovaries, dahil may nakita raw na cyst dito noong nagpa-ultrasound siya sa tiyan.

Matapos nito ay ipinakita ni Kaye ang pagpunta niya sa ospital kasama si Paul Jake.

CANCER DIAGNOSIS

Noong sumunod na araw ay bumalik si Kaye sa ospital para kausapin ang OB-GYN.

Sa kuha niyang video, maririnig ang doctor na nagsabing “suspicious” ang mammogram result ng Star Magic artist.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi pa ng doktora: "This is definitely an urgent matter, so the sooner you address this, the better."

Sa sumunod na scene ay nasa sasakyan na si Kaye at kausap sa telepono ang asawa na nasa Surigao noong araw na iyon.

Umiiyak si Kaye habang ibinabahagi ang malungkot na balita: "So more or less, it's malignant. It's cancer."

Pagkauwi, ikinuwento ng aktres na nagdadasal siya na early stage pa lang ang kanyang cancer.

Ipapa-schedule na rin niya ang kanyang surgery.

START OF TREATMENT

Sa isang video naman na kinuhanan noong January 16, 2025, makikitang kinakausap ng mag-asawa ang kanilang pamilya tungkol sa cancer diagnosis.

Dagdag pa nila, pupunta raw sila sa isang ospital sa Singapore para doon magpagamot si Kaye.

Sa sumunod na eksena ay makikita ang pagtulong ng mga anak ni Kaye sa pag-eempake ng ina.

Napaluha siya habang nagpapaalam sa dalawang anak na lalaki, na inihabilin niya muna sa kamag-anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos nito ay ipinakita ni Kaye ang pagsakay nila ni Paul Jake ng eroplano patungo sa Singapore.

Sa Mount Elizabeth Hospital nagpagamot si Kaye. Pinakita niya ang maikling montage ng treatment, na mapapanood sa susunod na vlog.

Makikita rin sa montage ang pagbisita ng mga kamag-anak at kaibigan ni Kaye, tulad ni Paolo Contis.

At press time, may lagpas sa 173,000 views na ang vlog na ito ng Kapamilya celebrity.

Positibo rin ang lagpas sa isang libong comments sa ilalim ng video.

May mga nag-comment din na mga cancer survivors na nagpaabot ng suporta sa pinagdaanan ni Kaye.

Read:

Sue Ramirez ready to be a mom: "Kung ibibigay sa akin, why not?”

Singha beer heir Psi Scott accuses older brother of sexual abuse; Pi Scott denies claims

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaye Abad: "Yeah, the doctor declared. She said, she declared, as of now, you can declare that's you're a survivor and cancer-free."
PHOTO/S: Kaye & Paul Jake on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results