PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Metro Manila residents advised to wear face masks again

Air quality has reached "unhealthy" to "very unhealthy" levels in some areas.
by Bernie V. Franco
Published Apr 14, 2026
landfill
A member of the Bureau of Fire Protection suppresses a fire at the Navotas landfill. The fire lasted for three days and contributed to unhealthy air quality in many areas of Metro Manila.
PHOTO/S: Bureay of Fire Protection on Facebook

Pinapayuhan ang mga residente ng Metro Manila na magsuot muna ng face masks dahil sa masamang kalidad ng hangin.

Partikular na pinag-iingat ang mga kabilang sa vulnerable groups, tulad ng mga may respiratory conditions, mga bata, elders, at buntis.

“The Office of Civil Defense – National Capital Region (OCD-NCR) advises all residents in Metro Manila to wear face masks when going outdoors due to deteriorating air quality in several areas, with levels reaching ‘unhealthy’ to ‘very unhealthy,’” post ng ahensiya via Facebook noong Lunes, April 13, 2026.

Pinapayuhan ang mga residente, lalung-lalo na ang vulnerable groups na manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari.

Kapag lumalabas, dapat daw magsuot ng face masks at limitahan ang air exposure dahil sa air pollution.

Napansin mo ba ang makulimlim na kalangitan at amoy sunog sa Eastwood, Ortigas, at Cubao nitong Lunes ng umaga?

Nagbabala rin ang Department of Environment and Natural Resources sa mga taga-Navotas dahil sa malaking sunog na naganap sa isang landfill facility noong April 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagama’t naapula na ang apoy, patuloy ang pagsingaw ng methane gas dahil sa basura, ulat ng ABS-CBN News.

Read: Foreign tourists’ alleged misconduct in Siargao goes viral; LGU reacts

WHAT ARE The Dangers of Unhealthy Air

Ibinahagi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Albert Domingo ang mga dapat malaman tungkol sa sitwasyon ng unhealthy air quality ngayon sa Metro Manila.

Ang pinaka-iiwasan ay ang particulate matter 2.5 o PM2.5, ang microscopic pollutants na matatagpuan sa hangin dulot ng combustion, traffic, at wildfires, ayon sa U.S. Environment Protection Agency.

Delikado ito kapag nalanghap ng tao dahil pumapasok sa bloodstream at baga ng tao.

“Ayaw nating makapasok iyon sa ating baga dahil puwedeng maging sanhi ng irritation lalo na sa ating kapamilyang may hika o kaya iritable ang kanilang respiratory system at yung matatanda na may emphysema,” paliwanag ni Domingo sa panayam ng DZMM Teleradyo.

May epekto raw ito kapag nag-accumulate at nanatili sa dugo ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

How to Deal with Unhealthy Air

Nagbigay-payo si Domingo sa mga "malapit sa lugar" ng landfill at may PM2.5 sa hangin.

“Kung tayo po ay malapit sa lugar, isarado ang mga bintana. Yung mga siwang, lagyan natin muna ng mga tela,” sabi ni Domingo.

Advisable ding medyo basain ang tela upang matiyak na hindi tumagos ang maruming hangin.

Makatutulong din daw kung may air purifier sa loob ng bahay at kapag binuksan ang aircon.

Inirerekomendang maguot ng face masks na KN95 at N95.

Katuwiran ni Domingo, “Dahil yung regular na mask natin, medyo lumulusot po ang ating mga PM2.5.”

Kung ang available ay regular medical face masks, doblehin ito.

Tinukoy ng DOH official ang aniya ay “silver lining” sa sitwasyong ito: “Mukhang hindi ganoon ka-widespread relative to the whole of Metro Manila yung usok.”

Sa mga nangatwirang mainit ang panahon at walang aircon kaya hindi advisable ang magkulong sa bahay, may payo si Domingo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mas mainam daw kung may ibang matutuluyang malayo sa landfill o affected area sa Maynila.

Aniya: “Pero kung ako ho ang papapiliin, [kung] walang mapuntahang iba, tiis na lang po muna sa init. Mag-hydrate. Sarado pa rin ho kasi mas delikado yung malalanghap natin.”

Ano naman ang puwedeng mangyari kapag sobrang nakalanghap ng PM2.5 ang taong may kondisyon tulad ng emphysema at Chronic Obstructive Pulmonary Disease o COPD?

“Karaniwan po, puwede itong dahilan ng hirap sa paghinga. At pag ganon po, pumunta po tayo sa pinakamalapit na ER,” ani Domingo.

Iminumungkahi rin niya ang paggamit ng inhaler para sa mga nahihirapang huminga.

“May mga ganitong kondisyon, karaniwan meron po tayong inhaler, yung puff na sinasabi na pang-rescue.

“Standby ho natin na laging katabi kasi pag inatake tayo sa hika o kaya doon sa COPD.”

Ilan pa sa sintomas na maaaring maramdaman kapag nakalanghap ng kontaminadong hangin ay pagkahilo at pagkairita

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin niya, umiwas sa mga lugar na may PM2.5.

Read: Does heating food inside plastic containers pose health risks?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A member of the Bureau of Fire Protection suppresses a fire at the Navotas landfill. The fire lasted for three days and contributed to unhealthy air quality in many areas of Metro Manila.
PHOTO/S: Bureay of Fire Protection on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results