PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pulmonologist warns public about “super flu”

...reveals its distinct trait.
by Bernie V. Franco
Published Jan 7, 2026
flu
A Filipino pulmonologist stressed that they have recently detected an increase in flu cases. She also revealed that the so-called “super flu” has been widespread in many parts of the globe.
PHOTO/S: Canva

Nagbabala ang isang pulmonologist dahil sa dumaraming kaso ng influenza o trangkaso sa bansa.

Binansagang “super flu," posibleng mutated version ito, at apektado ang mga European countries tulad ng United Kingdom at Norway, gayundin ang mga bansang U.S. at Japan.

Sa ulat ng World Health Organization at ibang foreign medical websites, nagsimulang ma-detect ang mga kaso nito noong mid-2025, dumami, at kumalat sa mga sumunod na buwan hanggang sa katapusan ng taon.

Makikita ang pagtaas ng mga kaso rito sa Pilipinas noong panahon ng Kapaskuhan.

Read: Tips: Budgeting this 2026 and saving for emergency, enjoyment, retirement

SUBCLADE K INFLUENZA

Pero ano nga ba ang “super flu”? Ano ang mga sintomas nito?

Ang panibagong virus ay tinatawag na subclade K, na mutated version ng nakagisnang influenza A virus o H3N2, paliwanag ni Doctor Maricar Limpin, pulmonologist, sa interview ng DZMM, nitong January 6, 2026.

“Nakikita natin na medyo nagtatagal talaga nang konti yung mga sintomas ng pasyente at mas nagiging maubo ang mga nagkakaroon ng infection na ito,” ani Dr. Limpin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katulad daw ng usual na flu o trangkaso, ang mga sintomas nito ay ubo, pangangati ng lalamunan, sinisipon, nilalagnat, at pananakit ng mga kalamnan at kasu-kasuan.

“Very much like what we expect ano from flu.

“Ang difference lang, medyo nagtatagal [ang symptoms]."

At ang mga pasyenteng tinamaan daw ng flu, ang madalas na inirereklamo ay matagal na pangangati ng lalamunan at ubo nang ubo.

Dagdag niya: "At ang napapansin namin ngayon kahit ho ngayon, marami pa rin ho tayo ng mga kaso ng flu o mga viral, iba pa pong viral infection na respiratory ang pinakatinatamaan.”

coughing woman
The "super flu" possesses similar symptoms to those of the regular flu, including coughing, runny nose, fever, and aching muscles. However, a distinct characteristic of the super flu is that it tends to linger longer.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ng pulmonologist na ito ay sanhi marahil ng malamig na panahon, na inaasahang magtutuluy-tuloy sa mga darating na linggo.

"Kaya we can expect na tuluy-tuloy pa rin ho ang mga kaso ng ga respiratory illnesses na ito na makikita natin sa mga susunod na linggo."

TREATMENT AND PREVENTION

Ano ang gamot para rito?

Sinabi ni Dr. Limpin na ang Oseltamivir, isang prescription antiviral medication, ang lunas.

Hindi raw ito antibiotic.

“Kasi yung viral infections talaga, basically, hindi naman iyan puwedeng gamitan ng mga antibiotics, ano. Iyon ang pinakamalaking difference between bacterial and viral infections.

“Hindi ho antibiotic ang panggamit natin kung hindi antiviral drug. At iisa lang ho ang puwede nating maibigay diyan sa ngayon, ang Oseltamivir.”

Pahabol niya, prevention pa rin ang pinakamagandang paraan laban sa “super flu.”

Sa artikulong inilabas ng Gavi, the Vaccine Alliance, isang international public-private partnership, binanggit ang ilang hakbang para maiwasang mahawa ng flu.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“…you should try to minimise contact with others, especially those more vulnerable. Washing hands regularly and ensuring indoor spaces are well ventilated helps, and we advise those who have symptoms and need to go out, to consider wearing a face covering.”

Read: Cake Studio speaks out amid mixed feedback on Carla Abellana’s wedding cake

Sinabi rin ni Dr. Limpin na ang flu vaccine ang “isa sa pinakamagandang pamamaraan” para mapigilang mahawaan, at kung mahawahan man ay hindi malala ang mga sintomas.

Kung nagpa-flu vaccine daw noong nakaraang taon ay may bisa pa ito ngayon.

Huwag balewalain ang superflu dahil maaaring mauwi ito sa mas seryosong kumplikasyon gaya ng hirap sa paghinga, pag-trigger ng hika sa mga may asthma, at pag-atake ng COPD o Chronic Obstructive Pulmonary Disease.

Delikado rin ito sa mga may sakit sa puso dahil maaaring mauwi sa “some sort of heart failure."

Sa mga nag-iisip na baka allergic rhinitis lamang ang kanilang nararanasan, may paliwanag din si Dr. Limpin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, ang allergic rhinitis ay nangyayari kadalasan sa umaga o kapag nakalanghap ng allergen. Ang sintomas ng allergic rhinitis ay pagbabahing at kaunting sipon.

Subalit hindi raw ito nagtatagal at mawawala later in the day.

Subalit kung ang mga sintomas—sipon, pag-ubo, at lagnat—ay tuluy-tuloy at tumatagal, marahil ay viral infection na ito.

Nagsisimula naman daw maging bacterial ang viral infection kapag ang sipon o plema ay nagkakaroon ng mas matingkad na kulay tulad ng dilaw o berde na sinasabayan ng mataas na lagnat.

Sa ganitong sitwasyon ay antibiotic na ang irereseta ng doktor.

Pero nilinaw niyang may iba pang infections na dulot ng atypical o di pangkaraniwang bacterial causes, na maaaring indikasyon ng infection, pero pareho ang mga sintomas.

“Mahirap ma-distinguish if bacterial o viral, but kadalasan sa bacterial, mas maplema, makulay ang plema. [Kapag] viral infection, puti lang at di nagtatagal [ang sipon]."

Sa huli, mas maigi pa ring kumonsulta sa doktor lalo na kung ang mga sintomas ay ilang araw na o higit isang linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A Filipino pulmonologist stressed that they have recently detected an increase in flu cases. She also revealed that the so-called “super flu” has been widespread in many parts of the globe.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results