Patuloy na umaasa ang dating aktres na si Michelle Madrigal na muli siyang magkaanak sa kabila ng pinagdadaanan niya sa kanyang kalusugan.
Noong Biyernes, June 20, 2025, nag-post si Michelle sa Instagram Stories para ibahagi ang kagustuhan niyang magkaroon ulit ng anak kahit mayroon siyang Hashimoto’s disease at endometriosis.
Sa nasabing post, makikita ang kanyang larawan habang may hawak na inumin.
Kalakip nito ang caption na, "No one really tells you how hard it is to find your mom tribe in your mid-30s.

"Also, the emotional rollercoaster of trying to have a baby while dealing with Hashimoto thyroiditis and endometriosis."

Ayon sa Mayo Clinic, ang Hashimoto thyroiditis o Hashimoto’s disease ay isang uri ng autoimmune disorder na umaatake sa thyroid gland na maaaring magdulot ng goiter o paglaki ng thyroid.
Ang endometriosis naman ay isang kumplikadong sakit kunsaan ang tissue na kahawig ng lining ng matris (endometrium) ay tumutubo sa labas ng matris — tulad sa ovary, fallopian tube, pelvic area, at kung minsan ay sa ibang bahagi pa ng katawan.
Michelle Madrigal ON Hashimoto's Disease diagnosis
Unang ibinahagi ni Michelle ang pagkaka-diagnose niya ng Hashimoto’s disease noong May 2018.
Dagdag pa rito ang pakakaroon at paglaki rin ng kanyang thyroid o goiter.
Read: Michelle Madrigal diagnosed with Hashimoto's Disease
Ang diagnosis kay Michelle ay nangyari ilang buwan makaraan niyang isilang ang panganay na anak na si Anika Woolfolk noong October 21, 2017.
Read: Michelle Madrigal's motivation to get pre-mommy body back
Si Anika ay anak ni Michelle sa una niyang asawa na si Troy Woolfolk.
Noong April 2019 nang magpakasal si Michelle kay Troy, ngunit naghiwalay rin pagsapit ng August 2021.
Pagkahiwalay, agad na nag-file ng divorce si Michelle hanggang sa maaprubahan ito noong May 2022.
Read: Michelle Madrigal reasons behind heartbreaking divorce
Hindi nagtagal, muling nakahanap ng pag-ibig si Michelle sa katauhan ng American boyfriend niya noong si Kyle Neal.
Si Kyle ang mister ngayon ni Michelle matapos nilang magpakasal noong July 22, 2024.
Read: Michelle Madrigal on married life: God’s timing is truly perfect
