Nag-viral ang before-and-after photos ni Carlos Agassi na kuha noong siya ay 18 years old at ngayong siya ay 45 years old.
Hindi raw iniinda ng '90s heartthrob ang pagtanda niya—maging ang mga mean comments na mukha raw siyang maysakit, tuyot na tuyot, at pinaglipasan na ng panahon.
Ayon kay Agassi, lahat daw ng tao ay darating sa stage ng pagtanda, at ang importante ay kung paano tatanggapin ang mga physical changes sa katawan.

"Eto yung nilalait at kinocompare nila before. Year 1998, 18 years old ako and nag-shave ako dahil role ko na matinee idol,” caption ni Carlos sa Facebook post niya nitong June 1, 2025, na may 352K reactions, 22.8K comments, at 5.1K shares.
Sa Before photo ay kitang-kita ang fresh at boyish looks niya.
Sa After photo ay noticeable ang ilang changes, pero proud pa rin daw si Carlos.
Aniya: “After Photo is 45 years old ako, 1 month ako di nag shave para makita ano feeling ng balbas sarado at i-enjoy ang pagkatanda.
“Love the comparison, 27 years apart.
"Nothing but love, lahat tayo tatanda at ang kagandahan ay hindi lang sa panglabas, dapat sa pangloob din.”

REACTIONS TO CARLOS AGASSI'S PHOTOS
Very positive ang mensahe niya, pero hindi pa rin nakaiwas si Carlos sa bashing.
Marami rin namang mga nagtanggol at nag-point out sa kanyang healthy lifestyle.
May mga nagpayo ring huwag na lang pansinin ang mga toxic comments.
Pero para kay Carlos, ang mahalaga ay gusto ng asawa niyang si Sarina Yamamoto ang hitsura at porma ng katawan niya ngayon.
Saad pa ng kilalang hunk sa caption: “Kung isa ka sa mga nanlalait, tandaan, mahirap tumanda nang paurong, mahirap tumanda nang walang pinagtandaan.
"Pangit man ako at katawan ko ngayon para sa iyo, para sa akin at sa Misis ko na si Sarina Agassi, pogi at macho pa rin ako. Lab na lab!"
Read: Gabby Eigenmann on celebs posting their kids on social media

May mga nagsabi pa ngang hawig daw niya si Wolverine, ang mutant na ginampanan ng Hollywood actor na si Hugh Jackman sa X-Men movie series.

CARLOS AGASSI REACTS TO COMMENTS
Sa isa pang Facebook post niya noong June 1, nag-upload naman siya Before-and-After photos ng kanyang physique. May 3,000 reactions ito at 165 comments.
Ang isa ay kuha noong 15 years old at ang isa pa ay ngayong 45 siya.
Aniya sa caption: "On the left, 15 years old #carlosagassi starting out as an international commercial model & model before showbiz acting, hosting, dancing & rapping.
"On the right, 45 years old #amirofrap social media influencer, director, producer, hitmaker.
“I enjoyed the journey of my life, all aspects, physical, emotional, and spiritual."

Kalakip ng post ang mga realizations niya sa buhay, pati na rin kung paano niya natutunang huwag pansinin ang anumang negatibo.
Aniya: "The older you get, the more you value the importance of health, well-being, spiritual clarity, and emotional stability.
"You cherish and live in the moment.
"You may not be as strong, youthful, and beautiful as you were in your younger years, you get to see true people, the ones you call true friends, family, and the new ones that come along to this journey of life.
“The fake abuser, user people, you stay away from them and you should have the confidence to say NO.
"Value your worth.
"I would cry and feel despair as people bash me, my looks, my acting, my body, my ethnicity, the way I talk.
"But now, I just smile try to become a better person and learn from my mistakes."
Ang mahalaga raw ay wala siyang inaagrabyado.
"I am not perfect, but I respect everyone and follow the rules & law.
"Never do I belittle or use or abuse people. Always spread positivity & good vibes. Help people succeed not bring them down.
"When I was younger I wanted to be the best amongst my contemporaries. Now, I just want to make my wife happy, my future kid proud, and be a better version of myself.
“Carlos Agassi, 2025”
CARLOS AGASSI IN TEARS
Sa high-tech world daw ngayon na uso ang mga filter apps na nagpapabata sa mga mukha, nananatiling confident si Carlos sa totoo niyang hitsura.
Kaya naging emotional siya sa pag-thank you sa mga nagpadala sa kanya ng mga positive messages.
“Sabi ko di na ako iiyak, pero sobrang thank you sa mga messages niyo."
Sa bashing, aniya, "Dami pa din talaga masakit magsalita."
CARLOS AGASSI'S SHOWBIZ JOURNEY
MOVIE AND TV projects
Mula sa pagiging print and TV commercial model, na-launch si Amir Carlos Agassi via ABS-CBN’s Star Circle Batch 3 noong 1998.

Read: Carlos Agassi claims being seen-zoned by The Hunks co-members
Na-build up siya bilang isa sa leading men ni Claudine Barretto sa mga teleseryeng Saan Ka Man Naroroon (1999) at Sa Dulo Ng Walang Hanggan (2001).
In 2005, nabuo ang all-boy group na The Hunks, kunsaan nakasama niya sina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Bernard Palanca, at Jericho Rosales.
Nagbida sila sa sitcom na Bora: Sons of the Beach.
Sa kanyang generation, siya ang kilalang-kilala sa pagpapauso ng gym workouts at six-pack abs.
Naging host din si Carlos ng hidden camera prank show na Victim (2004) at game show na Kaya Mo Ba ‘To? (2005).
Ang last movie na ginawa niya ay ang Moron 5.2 The Transformation (2014).
Matagal na ring hindi masyadong aktibo sa showbiz si Carlos.
Huling TV show na ginawa niya sa ABS-CBN 2 ay ang Wako-Wako (2012).
Tumanggap naman siya ng guest roles sa mga teleserye ng GMA-7 tulad ng Black Rider (2024), Bilangin Ang Bituin Sa Langit (2020), Beautiful Justice (2019), One of the Baes (2018), Cain at Abel (2018), at Victor Magtanggol (2018).
MUSIC
Dahil sa talento nito sa pagra-rap, binansagan niya ang sarili bilang Amir of Philippine Rap noong 2000.
Naglabas si Carlos ng tatlong rap albums under Star Records: Amir of Rap (2000), C.A.R.L.O.S: Can Agassi Rap Like Old School? (2003), at AMIR (2005).
