Para sa mga busy people, minsan ay nararamdaman nilang kulang ang 24 hours sa dami ng gagawin.
Pero hindi ito problema ng isang Japanese man dahil naturuan niya raw ang sariling matulog lamang ng 30 minutes araw-araw sa loob ng 12 years.
Sabi ni Daisuke Hori, 40, naturuan niya ang kanyang utak at katawan na mag-function nang normal at di nakakaramdam ng pagod sa kabila ng kaunting tulog, ulat ng South China Morning Post (SCMP).
Bukod sa pagiging businessman, maraming ginagawa si Daisuke sa hangad na maging productive.
Mahilig siya sa music, painting, body-building, at mechanical design.
Nakatira siya sa Hyogo prefecture sa Western Japan.
Twelve years ago, sinanay ni Daisuke ang sarili na matulog lamang ng 30-45 minutes kada araw para magkaroon ng maraming oras sa ibang bagay.
Sabi niya sa SCMP, “As long as you do sports or drink coffee an hour before eating, you can stave off drowsiness.’
Read: Bride goes solo in PHP2.6M wedding after groom cheats on her
TEACHING OTHERS to sleep less and do more
Naging adbokasiya ni Daisuke ang ganitong lifestyle dahil noong 2016, itinayo niya ang Japan Short Sleepers Training Association.
Tinuturuan niya ang kanyang mga estudyante ng kanyang kaalaman ukol sa tulog at kalusugan.
“People who need sustained focus in their work benefit more from high-quality sleep than long sleep,” aniya.
“For instance, doctors and firefighters have shorter rest periods but maintain high efficiency.”
Nakalagay rin sa resume ni Daisuke na umabot na sa 2,100 ang naging estudyante niya at naturuang maging “ultra-short sleepers.”

Naitampok si Daisuke sa Will You Go With Me?, isang Japan TV show.
Mistulang “a day in a life” ang show at sinundan si Daisuke sa loob ng tatlong araw.
Ipinakita rin dito na isang beses ay tumagal lamang ng 26 minutes ang tulog ni Daisuke
Ipinakita rin ang kanyang pagpunta sa trabaho at pagdyi-gym.
Na-interview rin sa TV show ang isa sa mga naging estudyante ni Daisuke, at sinabi ng female student na naturuan niya ang sariling matulog lamang ng isa at kalahating oras araw-araw sa loob ng apat na taon.
Sa kabila nito ay napanatili umano niya zng magandang mental health condition at makinis na balat.
Read: Female job applicant asked to go home and change her shorts
Netizens react
Ayon sa Mayoclinic, ang average hours of sleep para sa mga adults ay pitong oras.
Ang kulang na oras sa pagtulog ay magkakaroon ng epekto sa health, at magiging sanhi ng “weight gain, having a body mass index of 30 or higher, diabetes, high blood pressure, heart disease, stroke, and depression.”
Kinuwestiyon naman ng netizens ang lifestyle ni Daisuke.
Paniniwala ng isa, darating ang araw na sisingilin si Daisuke ng kanyang katawan dahil sa kakulangan ng tulog.
Komento nito: “Maybe his brain can be awake for 23hrs a day but there will come a time where his body will fail. Our body, not just our mind, needs to rest to fully recover.”
Pagsang-ayon ng isa: “Not for everybody. Maybe he is born with the capability, just like some athletes are born with unique body features that make them stronger/faster.


May mangilan-ngilan na naniniwalang posible raw ito.


Pero giit ng isa pa, hindi dapat tularan ang ginagawa ni Daisuke.
Marahil daw kasi ay epektibo ito kay Daisuke, pero hindi ito para sa lahat.
Sabi ng netizen: “He’s not supposed to be a role model if what this article is trying to imply so don’t try to equate him with your lifestyle. He’s just doing him.”

