Kapansin-pansing hindi pinababago ni Melai Francisco ang kanyang mga ngipin kahit na may kakayahan na siyang ipagawa ito.
Read: Melai Cantiveros reveals how she handles misunderstandings with Jason Francisco
Para sa Magandang Buhay host, kumportable siya kahit hindi pantay-pantay ang kanyang mga ngipin at may gap sa gitna ng mga ito.
Hindi niya ito ikinakailang o ikinakahiya.
"Nasiyahan na kasi ako sa ngipin ko, bakit ko pa babaguhin? Alam ko na ang choreography sa pagkain ko," kuwelang hirit ni Melai.
"Hindi pa naman siya worst talaga.
"Pero kung maging worse, open naman ako sa pustiso."
Nakapanayam ng PEP.ph si Melai sa Oplan Balik Ngiti event ng Polident, na ginanap sa Trinoma Activity Center, noong April 12, 2024.
Pagdating sa mga anak na sina Mela, 9, at Stella, 7, alaga niya ang mga ito sa dentista para hindi maulit sa kanila ang nangyari sa kanya.
"Kung ako, kulang ako, si Mela ibahin ninyo, sumobra. Sabi ko sa kanya, mag-donate ka ng ngipin, patung-patong ang ngipin niya.
"Yung permanent teeth niya tumubo, yung baby teeth niya di pa naglabasan ang iba.
"Ngayon talagang nagde-dentist sa mga anak ko, di ko hahayaan na mangyari sa mga anak ko yung nangyari sa akin.
"Ayoko na kung ano ang nangyari sa akin ganun din ang mangyari sa kanila. Kawawa naman sila.
"Si Jason lang maganda ang ngipin sa amin."
Mela and Stella Francisco
MELAI CONTEVEROS THINKS HER UNEVEN TEETH ARE INHERITED
Kuwento pa ni Melai, pakiramdam niya ay nasa dugo niya ang pagtubo ng ganitong ngipin dahil ganito rin ang nakita niya sa kanyang mga kapamilya.
"Feeling ko it runs in the family talaga. Yung aking mga tiyahin ganito rin, e, small, medium, large din ang pagtubo ng ngipin nila.
"Di ko alam kung kakulangan ba sa gatas o sa milk, kasi sabi ng parents ko, eight months tumigil ako sa pag-inom nung milk, nung baby pa ako.
"Kaya sabi niya, kaya siguro di sabay-sabay ang pagtubo niya. Siguro na-stress, parang ganun, feeling ko lang."
Dagdag pa raw dito yung hindi siya nakakapunta sa dentista noong kabataan niya.
"Mahirap talaga ang buhay, wala nga kaming pambili ng toothpaste.
"Kasi yang toothpaste parang pangmayaman na yan, e, nung unang panahon.
"Di naman natin puwedeng i-compare. Ang mga tao ngayon ma-ano maghanapbuhay.
"Pero noon talaga, totoo talaga yan na mahirap kahit na piso."
Wala rin daw access sa dentista sa tirahan noon ni Melai sa General Santos City.
"Walang dentist sa barangay namin. Sa city lang may dentist, sa health center minsan lang may dentista.
"Ngayon mo makikita na dental health is important talaga.
"Alam mo noon, sumasakit ang ngipin ko, iyak-iyak na ako. Sinabi ko sa mama ko, ang sabi niya, 'Walang namatay sa sakit sa ngipin.'
"Super sakit! Alam mo yung di ka maka-concentrate diyan.
"Nung bata talaga, na-experience ko na mag-toothbrush lang is linis ng ngipin, walang dentist-dentist, kaya naging lesson sa mga anak ko ngayon."
Read: Is Angelica Panganiban pregnant with second baby?
melai cantiveros on finally affording medical check-ups
Bukod sa pagpapadentista, priority din ni Melai ang regular medical check-up. Iyon nga raw ang date nila ng mister na si Jason Francisco.
"Natakot ako nung mga nakaraang araw kasi sumakit yung likod ko, tapos nag ASAP pa rin ako, sumayaw ako.
"Thank you, Lord, talaga at nabiyayaan kami ng mga check-up na mga blessing talaga.
"May result na si Jason is the cholesterol boy, ako naman is the UTI [urinary track infection] girl.
"Di naman sobrang UTI, may infection lang. Meds lang saka water.
"Water is very important, inom nang inom dapat ng water.
"Si Jason naman feeling ko malakas siya sa mga beef ganun, kaya need magbawas."
Binigyang-diin ni Melai ang kahalagahan ng pagpapaduktor.
"Minsan talaga sa mag-asawa, kailangan ang date niyo di lang yung date na kain-kain. Kailangan din check-up.
"Mas maganda na maagapan kaysa lumala pa ang mga sakit ninyo. Wag kayong matakot magpa-check up para malaman niyo lang kung ano ang babawasan o idadagdag.
"Hindi kami natakot, lahat ng tests ginawa namin, nag-HIV... Lahat ng tests trinay namin.
"Iwasan talaga nating magkasakit tayo.
"Para pagdating ng panahon pag tumanda tayo, yung mga anak natin imbes na mag-enjoy sa life nila, 'Oy, di muna ako makaka-work kasi babantayan ko si Mama.'
"Tayo yung parang nagiging hadlang sa buhay nila para umasenso dahil sa mga sakit natin.
"Ngayon pa lang, start pa lang nito, maging healthy na tayo para sa mga anak natin."

Read: Netizens burst into laughter watching Melai Cantiveros's bag raid at ABS-CBN Ball 2023
ON HANDLING INSECURITIES
Kapansin-pansin kay Melai ang kumpiyansa nito sa sarili sa maraming aspeto ng buhay.
"Masaya naman ako. Tumatanda na tayo, wala na tayong masyadong insecurities sa buhay.
"Alam na natin kung ano ang mas importante sa atin. Kung nung mas bata-bata mo pa ako tinanong, marami siguro akong masasabi.
"Pero ngayon, marami akong pinagpapasalamat sa Panginoon na hindi ko na naiisip ang mga yan. Sobra na akong contented, lalo na kung may mga anak ka na."
Paano niya ito nagagawa?
Sagot ni Melai, "Yung self-aware saka self-love.
"Ang first step ay self-aware—yung aware ka kung hanggang saan lang aabot ang ganda mo.
"Kasi pinalaki ako na may self-awareness na pag feeling-feeling ako na ang ganda ko, sinasabi niya, 'Maganda ka naman, pero hanggang dito lang sa barangay.'
"Ina-apply ko rin sa mga anak ko para di sila mag-feeling. Mag-feeling man, pero joke lang, tanggap nila kung ano sila.
"Self awareness, hanggang pupunta na sa self-love. Love na nila ang self nila.
"Kahit ganito ang mukha nila, tanggapin nila at ila-love kasi yun ang bigay sa kanila ni God."
