Nagbigay ng paglilinaw si Iloilo Representative Janette Garin matapos maging kontrobersiyal ang kanyang pahayag ukol sa pagsusuot ng underwear ng mga babae ngayong tag-init.
Si Garin ay nanilbihan rin noon bilang kalihim ng Department of Health.
Ang kanyang mungkahi ay bunsod ng pagiging prone ng mga babae sa fungal infection, na posibleng makuha kapag na-trap ang heat at moisture sa masikip na pananamit.
Pahayag niya sa isang press conference nitong Lunes, April 1, 2024, "Siyempre, dahil din tag-init, ang mga babae ay prone din sa fungal infection. So hindi iyan sexually transmitted disease."
Pagpapatuloy niya, dahil sa init at pawis, ang intimate area ng babae ay nagiging “perfect petri dish para dumami yung ating fungi—yung Candida albicans, na nasa balat, dadami siya kaya siya nagiging makati.”
Kailangang iwasan daw ang pagkakamot.
“Ang importante diyan, may gamot naman iyan, but you have to keep that area dry.
“Kaya lalo na minsan sa tag-init—wala lang malisya, ano—pero kung nasa bahay ka lang naman o matutulog, it’s quite advisable na walang underwear, pero naka-pajama ka naman o naka-shorts.
“Yung ventilation na iyan ay epektibo para mapigilan o hindi na lumala yung fungal infection.”
Umani ng mixed reactions mula sa netizens ang pahayag ng kongresista.
Sabi ng mga kritiko, mas marami pang malalaking problema ang dapat pagtuunan ng pansin.
Read: Karen Davila admits feeling "ashamed" for having had shingles twice



May female netizens naman na sumang-ayon sa kongresista at sinabing may sense ang kanyang payo.
May isa pang netizen ang nagsabing ganito rin daw ang ipinayo ng kanyang doktor.


Read: Malou Perez gives up corporate life to build shelter for rescued animals
GARIN SAYS HER ADVICE WAS TAKEN OUT OF CONTEXT
Ipinaliwanag naman ni Garin ang context ng kanyang naging pahayag.
Aniya, tinanong daw siya tungkol sa kakulangan ng antibiotics sa gitna ng tumataas na problema ukol sa fungal infection.
Ang sagot daw rito ni Garin, hindi maaaaring ipanlunas sa fungal infection ang antibiotic na para sa bacterial infection.
"Ang usapin na ito, may nagtanong, bakit daw dumarami ang fungal infection ng mga babae, bakit daw kinukulang ng antibiotic,” paliwanag ni Garin sa Teleradyo Serbisyo, April 2, 2024.
“Sinagot ko na maling-mali yun. Kasi kapag may fungal infection ang babae, hindi puwede na antibiotic, kasi ang antibiotic, para sa bacteria.
“So, kapag uminom ka ng antibiotic at may fungal infection ka, lalong lalala yung iyong fungal infection."
Ang fungi raw na Candida albicans ay natural na nakatira sa balat ng tao at nagiging mabilis ang pagdami kapag nagpapawis o nababasa hanggang sa maging infection.
“Kung ikaw naman ay nasa bahay at matutulog, magshort ka o magpajama without the underwear, because that ventilation prevents the rapid multiplication of the fungi that naturally occurs on your skin," giit ni Garin.
