PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What it's like to have tokophobia: an extreme fear of pregnancy

“The whole idea of giving birth is gross and scary.”
by KC Cordero
Published Mar 14, 2024
Ang tokophobia o takot na magbuntis ay maaaring maranasan ng isang babae kahit wala pa siyang karanasan na magbuntis at manganak. Nagkakaroon din nito maging ang mga nagbuntis at nanganak na.

May malaking takot si Samantha King sa pagbubuntis.

Ayon sa 35-year-old resident ng Adelaide, Australia, sanhi ito ng puspusang pagpapaala sa kanya ng ina tungkol sa teenage pregnancy.

Ang parating bilin daw kay Samantha ay matakot sa Diyos, at huwag magpapabuntis sa murang edad.

Read: Lovi Poe, hindi pa masabing handa na siyang maging ina

Photo of Samantha King

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ria Atayde not pregnant, says sister Gela Atayde

Ayon sa panayam kay Samantha ng British news service na SWNS kamakailan, “My mom put the fear of God into me and told me to not get pregnant at 15 or 16."

Mula noon, dala-dala na niya sa kanyang paglaki ang takot na magbuntis.

Read: Sheena Halili is pregnant with baby No. 2

what is tokophobia?

Pagtatapat ni Samantha, tuwing sumasagi raw sa kanya ang idea na may baby sa kanyang sinapupunan na gumagalaw, inaatake raw siya ng matinding nerbiyos.

Dagdag pa niya, “The whole idea of giving birth is gross and scary.”

Ayon sa National Institutes of Health ng America (NIH), ang kondisyon ni Samantha ay tinatawag na “tokophobia” o "pathological fear of pregnancy.”

Dito nag-uugat ang pag-iwas ng isang babae na magbuntis at manganak.

Read: Magaling na aktres, buntis sa baby nila ng kasintahang magaling na aktor

Classifications of tokophobia

Ang tokophobia ay may dalawang classification ayon sa NIH—primary at secondary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Primary kung ang babaeng takot magbuntis at manganak ay wala pang personal na karanasan sa pregnancy.

Secondary kung nagbuntis o kaya ay nanganak na at hindi nagkaroon ng magandang karanasan mula rito—halimbawa ay kung nakunan, namatayan ng baby habang o pagkatapos mag-deliver, sumailalim sa Caesarian section, at iba pa.

Gaya sa kaso ni Samantha, nagsisimulang ma-develop ang tokophobia sa adolescence or early adulthood.

Read: FORUM: Keri mo pa bang magbuntis kahit 50 years old ka na?

Woman holding a pregnancy test kit

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Bangs Garcia clarifies bikini post was meant to inspire fellow moms, not show off

why some women might fear being pregnant

Marami pang rason si Samantha kaya ayaw niyang magbuntis.

Isa na rito ay ang tuluyang magbabago ng hubog ng katawan kapag nagbuntis.

Ayaw rin niyang mag-alaga ng bata.

Hindi rin umano niya kaya ang buong proseso ng pagbubuntis at kung paano haharapin ang mga side effects nito gaya ng paglilihi at iba pang sakit.

“I just couldn’t think of anything worse.”

Masaya naman si Samantha para sa ibang babae na kayang magbuntis at magkaroon ng mga anak—pero hindi talaga umano ito para sa kanya.

Nagagandahan din siya sa mga buntis lalo na kapag napapansin niyang naggo-glow ang mga ito at masaya.

Read: Iza Calzado looks back on nude maternity shoot as reminder of a woman's divine power

Pagtatapat pa niya, takot din siyang hawakan ang belly ng kanyang mga kaibigan na buntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw rin niyang maging part ng pregnancy journey ng mga ito—halimbawa ay kapag magpapasama sa pagpunta sa clinic para magpa-checkup.

Dahil dito, masaya na si Samantha sa pag-aalaga sa kanyang aso at pagta-travel.

Ipinagtatapat din agad niya sa mga nanliligaw sa kanya na takot siyang magbuntis at wala sa plano niya ang magkaanak.

Nauunawaan naman siya ng mga ito.

Read: Maja Salvador talks about "all-day sickness" and "feel na feel" pregnancy

How tokophobia can affect long-term relationships

May isa siyang naging boyfriend na na-upset nang malaman ang kanyang disposisyon, at nakipaghiwalay ito sa kanya.

Kahit masakit, inunawa nila ang isa’t isa.

Pero ani Samantha, kahit ganito ang kanyang mindset ay hindi niya pinipigilan ang ibang babae na magbuntis at magkaroon ng mga anak.

Hindi rin niya inii-impose sa mga ito ang kanyang paniniwala.

Read: Woman pregnant in each of her 2 uteruses gives birth to babies on different days

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang tokophobia o takot na magbuntis ay maaaring maranasan ng isang babae kahit wala pa siyang karanasan na magbuntis at manganak. Nagkakaroon din nito maging ang mga nagbuntis at nanganak na.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results