PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Romance Author Xia Shu Dies at 29, Battled Syringomyelia

She is one of the 30 people afflicted with such a disease.
by KC Cordero
Published Mar 14, 2024
Photos of Xia
Isa ang romance novelist na si Xia Shu sa 30 tao sa buong mundo tinamaan ng rare disease na syringomyelia. Mahalagang malaman ang mga sintomas nito dahil wala pang natutuklasang gamot laban sa naturang sakit. (Photo courtesy of SCMP)

Sikat na romance novelist sa China si Xia Shu.

Kilala siya sa pagsusulat ng mga nobelang tumatalakay sa seyoso at kumplikadong emosyon sa pagitan ng mga bidang lalaki at babae.

Kabilang sa mga sumikat niyang nobela ang I Won’t Love You at ang The Lenz’s Law.

Sa kasamaang palad, pumanaw na si Xia noong January 2024 sa edad na 29.

Read: 70-year-old lolo has body “to die for”; check out his insane fitness routine

Phot of Xia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Diabetic at sakitin na lolo ayaw ng tubig; softdrinks lang ang iniinom sa loob ng 50 years

Ito ay matapos ang kanyang tatlong taong pakikipaglaban sa syringomyelia, isang rare disease.

Iniulat ito ng Hong Kong South China Morning Post noong March 10.

Ang syringomyelia ay nakapipinsala sa spinal cord sa pamamagitan ng pamamaga ng cerebrospinal.

Ibig sabihin, nagkakaroon ng extracellular fluid-filled cyst ang spinal cord.

Read: How often do you have to clean your tumbler? Expert says it should be "daily"

SYMPTOMS OF syringomyelia

Nang unang maramdaman ni Xia ang mga sintomas ng syringomyelia, inakala niyang karaniwang sipon lang ito.

Nilagnat din daw siya sa loob ng ilang araw.

Dalawang taon pa ang lumipas bago siya na-diagnose ng naturang sakit.

Read: Lalaking ayaw maligo at magsepilyo, idinemanda ng misis

Ang mga pasyenteng may syringomyelia ay karaniwang nakakaranas ng pananakit ng katawan, abnormal sensations, at pagkawala ng mga pandama.

Kapag apektado na ang autonomic nervous system, nagkakaroon din ng abnormalidad sa temperatura ng katawan, sobrang pagpapawis, bowel and bladder dysfunction, at maging sexual dysfunction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of medulla oblongata

Nagkakaroon din ang pasyente ng tongue paralysis and atrophy, depekto sa pagsasalita, facial sensory paralysis, at maging facial paralysis kapag naapektuhan na ng syringomyelia ang medulla oblongata—o ang koneksiyon sa pagitan ng brainstem at ng spinal cord.

Sa kasalukuyan, wala pang natutuklasang gamot para sa syringomyelia.

Read: 21 gamot sa maintenance at malulubhang sakit, exempted na sa VAT

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

EFFECTS OF SYRINGOMYELIA

Sa ulat ng media sa China para mapalaganap ang kamalayan ng mga tao tungkol sa syringomyelia, nang tamaan ng naturang sakit si Xia ay hindi siya makakain nang maayos.

Nahihirapan itong lumunok, at mas sumasama ang kanyang pakiramdam.

Dahil dito, nabawasan ng halos 20 kilo (40 pounds) ang kanyang timbang sa loob lang ng isang buwan.

Read: 70-year-old Man Holds World Record For Eating 34k+ Big Macs

Nagdesisyon si Xia na gawan ng dokumentaryo ang laban niya sa syringomyelia.

Ina-upload niya sa microblogging site na Weibo ang mga naging sintomas at karanasan niya.

Ibinahagi niya na sa loob ng isang araw ay sumusuka siya nang 15 beses.

Dahil doon ay nagkaroon na siya ng phobia sa pagkain.

Read: Guy with no sex experience has 25 kids

XIA'S IMPORTANT ADVICE

Nang makatanggap si Xia ng accurate diagnosis, huli na ang lahat.

Dalawang taon na kasi siyang umiinom ng maling gamot dahil ang akala ng mga doktor na tumingin sa kanya ay may gastrointestinal issues siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanghina na rin siya nang todo, at hindi na niya kayang sumailalim sa operasyon.

Paalala ni Xia sa mga sumusubaybay sa kanya, “This disease has been reported about 30 times worldwide.

“Stay away from unsanitary delivery food and incompetent doctors.”

Pero ayon sa mga health website, ang cause ng sakit ay maaaring congenital o acquired.

Sa mga ipinanganak na meron nito, karaniwang ang sanhi ay "Chiari malformations," na ayon sa Mayo Clinic, ay isang "birth defect of the back and lower part of the brain."

Isang cause din ang spinal cord injury.

Read: VIRAL: Mga taong may kahawig na obra sa museum; reincarnation o may scientific explanation?

XIA'S DEATH

Sa patuloy na pagbagsak ng kalusugan ni Xia, hindi na niya makayang i-update ang kanyang documentary.

Ang huling Weibo post niya ay noong October 2023.

February 2024 lang naglabas ng statement ang kanyang ina na pumanaw na si Xia noong January.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago ang kanyang kamatayan, nagpaalala pa si Xia sa kanyang followers ng: “Do not follow my example!

“Be sure to eat three meals a day, sleep well, exercise more, and don’t neglect your health for work.

“I still want to live, to live healthily.”

Read: Hermes files case against bookstore using its brand name

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa ang romance novelist na si Xia Shu sa 30 tao sa buong mundo tinamaan ng rare disease na syringomyelia. Mahalagang malaman ang mga sintomas nito dahil wala pang natutuklasang gamot laban sa naturang sakit. (Photo courtesy of SCMP)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results