Nakuha ni Zou Heping ang atensiyon ng netizens dahil sa kanyang “to die for” na pangangatawan.
Sobra siyang fit, at ang abs ay nakakainggit.
Si Zou ay 70 years old na, at nagmula sa Chongqing, China.
Isa siyang fitness enthusiast.

Read: Biker's heartwarming story about giving lost puppy a home
Nagsimula ang fitness journey ni Zou noong 1979 matapos niyang mabasa sa isang magazine ang health benefits ng pagtakbo.
Mula noon, sinimulan na niya ang pagtakbo paakyat sa Gele Mountain na malapit sa Chongqing.
Ang Gele Mountain, na may taas na 678 meters above sea level, ay tambayan ng mga sports and fitness enthusiasts.
Mayroon itong gym, parks, and hiking trails.
Bukod sa pagtakbo, naging bahagi rin ng training regimen ni Zou ang pull-ups, hand stands, at pole climbing.
Read: Actor earns more than PHP500K monthly from acting out as beggar

Read: Lady buys laptop from online seller; receives package but "kahoy yung laman"
Nakaisip din siya ng iba pang kakatwang ehersisyo para manatili siyang malusog.
Kabilang dito ang paglukso na parang palaka sa mahigit 2,500 steps mula sa paanan ng Gele Mountain paakyat sa itaas.
Pag pababa naman, para siyang buwaya na gumagapang.
Ayon kay Zou, ang mga nabanggit na ehersisyo ay nagpapalakas sa kanyang mga tuhod at pinapaganda ang koordinasyon ng kanyang mga kamay at paa.
Read: Couple chooses disco bathroom of gas station as wedding venue

Read: 70-year-old Man Holds World Record For Eating 34k+ Big Macs
Bukod naman sa sobrang fit tingnan ni Zou kumpara sa mga mas bata sa kanya ng ilang dekada, maitim pa rin ang kanyang buhok.
Pagmamalaki pa niya, hindi niya iyon kinukulayan.
Hindi rin siya umiinom ng anumang food supplement.
Pagbabahagi ni Zou sa panayam sa kanya ng South China Morning Post last February 27, 2024, aniya, “Life lies in running, and the most important thing is to exercise, preserve your fitness, and develop a good lifestyle.”
Dagdag pa niya, “Everywhere I go, people ask me my age, whether my hair is a wig or dyed, what I eat, how I built my muscles.
“I am tired of answering these questions.”
Read: Here's the story behind bitten apple logo of Apple

Read: Lalaking nagsubo ng bumbilya, hindi na mailuwa
Araw-araw tumatakbo si Zou—umuulan man o maaraw.
Lagi siyang topless at walang suot sa paa.
Forty years na rin siyang hindi nagsisigarilyo at umiinom ng alak.
Sinabi rin niya na lagi siyang kumpleto sa tulog.
Dahil sa dedikasyon ni Zou sa pagiging fit, marami ang nagse-share ng kanyang daily routines at sumusubaybay sa kanya sa social media.
Read: Here are solutions for smelly shoes

Read: Senior dog, ginigising para sa proof of life check: “Just love and spoiling until the end.”
Patunay si Zou na “age is just a number.”
May mga nagsasabing incredible ang kanyang core strength at dadaigin niya ang mga teenagers.
Pinatunayan din umano ni Zou na mapapanatili lang ng isang tao ang pagiging mukhang bata pa sa pamamagitan ng healthy lifestyle.
Para kay Jiang Min, isang expert sa health management and chronic disease management, sa pamamagitan ng araw-araw na workout ay gumanda ang function ng puso ni Zou.
Naging very active din ang metabolism ni Zou kaya sobrang healthy at mukhang bata pa sa kabila ng kanyang edad.
