Tila bad trip si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil nalaman niyang nagpositibo siya sa COVID ngayong Lunes, December 4, 2023.
Sa kanyang Facebook at X accounts, ibinahagi niya sa kanyang constituents ang hindi kagandahang balita dahil mababalam daw ang mga naka-schedule niyang gagawin ngayong unang araw ng linggo.
Sabi ni Mayor Vico, “NAKAKAINIS!!! Nag positive pa sa covid (mild symptoms kaya nag-antigen ako)! Posting para humingi ng pasensiya sa lahat ng naka-schedule ngayong linggo!!”
Magtatrabaho naman daw siya kahit via Zoom lamang.
Nagpaaala rin ang alkalde tungkol sa paalala ng Department of Health (DOH) na magsuot ng mask dahil tumataas ang kaso ng pneumonia at ang pagpapanatili pa rin ng COVID.
Aniya, “Ayaw niyo rin naman siguro ako ka-meeting habang tumutulo sipon ko haha. Postponed/via zoom muna lahat hanggang mawala ang sintomas.
“(Dagdag ko na lang din: paalala ng DOH na tumataas ang bilang ng kaso ng pneumonia, at nandiyan pa rin ang covid, kaya highly recommended na mag MASK tayo. Lalo na kung may nararamdaman o kapag may nakakaharap na ibang tao.) Salamat! #staysafe”
Dagdag pa niyang komento sa Facebook, “Ok lang po ako. Ang nakakainis lang ay ma postpone or di ako makakapunta sa mga ibang event.
“Bukod sa ordinaryong mga meeting , this week dapat ang inauguration ng drainage/road network sa Dilang, Hunters ROTC Rosario Multipurpose with Cong, Barangay Newly Elected Officials seminar, Lighting sa Aurellano Rd, GA/christmas party for teachers, atbp!!!”

Ito ang ikalawang pagkakataong nagpositibo sa COVID si Mayor Vico.
January 15, 2022 ay nahawaan na rin siya ng COVID dahil naman sa Omicron variant nito.
Read: Pasig Mayor Vico Sotto, tuloy ang trabaho kahit nag-positive for Covid-19
