PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Gladys Reyes Hula Hoop Queen of the Philippines?

Gladys Reyes talks about her love affair with hula hoop.
by Jerry Olea
Published Jul 6, 2023
gladys reyes hula hoop
Gladys Reyes on being passionate about hula hoop: "Siyempre gusto kong i-encourage yung iba na puwedeng mag-enjoy habang nag-e-exercise. Minsan kasi, di ba, parusa yung intense workout? Di ba? Kung hindi nila kaya yun, gusto kong malaman nila na merong katulad ko na hindi rin kaya yun. Pero puwede pa rin tayong magpapawis. Puwede pa rin tayong mag-exercise through hula hoop.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Dalawang beses kumanta habang naghu-hula hoop si Gladys Reyes sa post-birthday celebration niya nitong Hulyo 5, 2023, Miyerkules ng gabi, sa Plaza Ibarra, Timog Ave, Quezon City.

Noong una ay kasabay niyang nag-hula hoop ang walong Hulahoopers na kagaya niya ay pawang mga mommy.

Sa pangalawang song number niya habang naghu-hula hoop ay nag-hula hoop din ang Mama Zeny niya at sister na si Janice.

Read: Gladys Reyes, engrande ang 45th birthday party; naiyak dahil wala ang ama

Nainterbyu na siya habang naghu-hula hoop. Ano pa ba ang ginagawa niya habang naghu-hula hoop?

“Minsan actually nagsasagot ako ng email na naghu-hula hoop habang hawak ko yung phone ko, ganyan,” natatawang sambit ni Gladys.

“Nagpo-post ako sa social media. Nag-a-IG ako minsan habang naghu-hula hoop. Multi-tasking talaga!

“Pero kidding aside, kasi siyempre gusto kong i-encourage yung iba na puwedeng mag-enjoy habang nag-e-exercise.

“Minsan kasi, di ba, parusa yung intense workout? Di ba? Kung hindi nila kaya yun, gusto kong malaman nila na merong katulad ko na hindi rin kaya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero puwede pa rin tayong magpapawis. Puwede pa rin tayong mag-exercise through hula hoop.”

GLADYS'S LOVE AFFAIR WITH HULA HOOP

Noong pandemic lang nag-umpisang mag-hula hoop si Gladys.

“Mama ko ang naging inspiration ko diyan. Hindi ako marunong niyan. Hindi ako naglalaro niyan nung bata ako,” pagtatapat ng 46-anyos na aktres.

“Pero mahilig akong kumanta sa videoke habang yung nanay ko, naghu-hula hoop.

“Then sabi ko sa kanya, ‘Ma, pasubok nga niyan kung mahirap bang kumanta habang naghu-hula hoop.’

“Noong una, gumagaralgal ang boses ko, kasi tumatama yung hula hoop sa tiyan ko.

“Hanggang sa parang naaano mo, yung nakokontrol mo yung breathing. May ganun! Pati lungs, lahat, nae-exercise.

“Hanggang sa, yun na, magandang exercise. Ten songs ako per day.”

Kinuha tuloy siyang endorser ng Wow Fiesta dahil mahilig siyang kumanta sa videoke with matching hula hoop.

Natatawa pa ring sabi ni Gladys, “Obvious ba? Kayo lang naman ang nakakatiis sa kabaliwan ko na nagko-concert ako, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gladys Reyes, idinadaan sa "singlahoop" ang pagmu-move on sa pagkamatay ng ama

Paano nabuo yung Hulahoopers na nag-back up sa kanya?

“Nakita nila na naghu-hula hoop ako. So I think parang minessage nila ako sa IG or sa PM hanggang sa nag-meet na kami.

“In-invite ko sila sa Moments. So, meron kaming isang malaking-malaking opening ng parang logo ng Moments, sila yung kasama ko.

“Since then, parang naging kaibigan na rin. Hindi na as ano lang kundi kaibigan. Puro mommies sila, may taga-Batangas, may taga-Calamba. Iba-iba.”

Ang Moments ay talk show ni Gladys sa NET25.

gladys reyes hula-hoopers

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GLADYS VS SHERYL AS HULA HOOP QUEEN?

Naghu-hula hoop din si Sheryl Cruz. Sino sa kanila ang mas magaling? May rivalry sila?!

Napakunot-noo si Gladys, “Hindi! Si Sheryl, matagal na matagal na yata siyang naghu-hula hoop. I think mas nauna siya.

“Pero hindi ko kayang gawin yung exhibition niya. Iba ang ginagawa ni Sheryl dun sa hula hoop ko, e. Ako, singing while doing the hula hoop.

“So si Sheryl yata, more on exhibition naman. Hindi siya kumakanta habang naghu-hula hoop. Exhibition.”

Nagsabay na sila ni Sheryl na mag-hula hoop sa Mother’s Day presentation ng All-Out Sundays (AOS) sa GMA 7.

“So, habang naghu-hula hoop kami, kumakanta kami ng… Girls wanna have fun!” bulalas ni Gladys.

“Nagkasabay na kami. Pero nakita ko yung kay She, manipis yung hula hoop niya. Weighted kasi yung sa akin.

“Mas nadadalian ako pag may bigat yung hula hoop. Pero ang galing-galing ni Sheryl! Diyos ko, naka-heels pa rin yun, ha?!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Six-inches yung heels ni Gladys habang naghu-hula hoop sa kanyang post-birthday celebration.

Sino ba sa kanila ni Sheryl ang Hula Hoop Queen ng Philippine showbiz?

“Hay! Hindi naman ako para mag-tag ako sa sarili ko na Hula Hoop Queen, kapal ko naman?!” tili ni Gladys.

“Dapat ang magsabi niyan kung sino ang Hula Hoop Queen talaga, e, siguro yung mga nakakakita na, ‘Ano ba?! Para sa akin…’

“Iba-iba tayo ng preference. ‘Sa akin, siya ang magaling.’ Bahala sila. Hindi ko naman inaangkin ang Hula Hoop Queen na title.”

Tinagurian si Sheryl na "Hula Hoop Diva." Si Gladys naman ang undisputed "Singing Hula Hoop Queen."

WHERE IS CHRISTOPHER?

Nasa post-birthday party ni Gladys ang panganay nila ni Christopher Roxas na si Christophe na humataw sa pambungad na song numbers.

Pahayag ni Gladys, “Sa mga nagtatanong po, nasaan si Christopher? Nag-aayos po ng kabuhayan namin, nasa Lobo, Batangas.

“At meron din pong training ang mga tao niya sa Laguna. May bubuksan po kaming bagong dance diner sa Laguna. So, hayaan ko na muna siya dun habang nagkakasiyahan tayo dito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gladys Reyes and Christopher Roxas on having a "perfect family": "Wala namang perpekto."

Tampok sina Gladys at Christopher sa Wedding and Debut Expo 2023 sa Hulyo 15 at 16, Sabado at Linggo ng 10:00 a.m. sa SMX Convention Center Manila, Seashell Lane Mall of Asia, Pasay City.

“May booth ang Sommereux Catering, may booth din ang Plaza Ibarra. So, lahat ng suppliers na hinahanap nila, one-stop shop na yun!” lahad ni Gladys.

Sa Hulyo 7, Biyernes, ay magti-taping na si Gladys para sa Kapuso primetime series na Black Rider kung saan balik-kontrabida siya.

Ikinatuwa niyang co-stars dito ang kapwa Iglesia Ni Cristo members na sina Ruru Madrid at Jon Lucas.

Nasa cast din ng Black Rider sina Matteo Guidicelli, Zoren Legaspi, Gary Estrada, Almira Muhlach, Rio Locsin, Savious Ramos, Katrina Halili, Empoy Marquez, Raymart Santiago, Luis Hontiveros, Prince Clemente, Rainier Castillo, Raymond Bagatsing, Vance Larena, Salome Salve, Janus del Prado, Aleck Bovick, Jayson Gainza, Joaquin Manansala, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natapos na rin ni Gladys ang shooting ng pelikulang Unspoken Letters, kasama sina Tonton Gutierrez, Simon Ibarra, Glydel Mercado, Matet de Leon, Orlando Sol, Deborah Sun, Daria Ramirez, John Heindrick, at Jhassy Busran.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes on being passionate about hula hoop: "Siyempre gusto kong i-encourage yung iba na puwedeng mag-enjoy habang nag-e-exercise. Minsan kasi, di ba, parusa yung intense workout? Di ba? Kung hindi nila kaya yun, gusto kong malaman nila na merong katulad ko na hindi rin kaya yun. Pero puwede pa rin tayong magpapawis. Puwede pa rin tayong mag-exercise through hula hoop.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results