Nagpositibo sa COVID-19 ang TV host-actor na si Luis Manzano.
Kinumpirma ito ni Luis sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ngayong Sabado, May 6, 2023.
Ayon sa Your Face Sounds Familiar host, ito ang unang beses na tinamaan siya sa COVID-19 simula’t sapul na magkaroon ng pandemya noong 2020.
Kalakip din ng kanyang post ang litrato ng kanyang COVID-19 test kit at ang paalala sa publiko na palaging mag-iingat.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), “Stay safe everyone!
“Tumataas na naman cases! First time tamaan since start of the pandemic.”
Ipinost din ni Luis sa kanyang Instagram Stories ang COVID-19 test kit na naglalaman ng resulta sa isinagawa niyang test.
“Take care everyone, and be careful…,” aniya.

Agad namang bumuhos ang mensahe kay Luis galing sa kanyang pamilya, mga kaibigan, co-celebrities, at fans.
Iisa ang hiling nila—ang agaran niyang paggaling.
Komento ni Vanessa Matsunaga, “God bless you and keep you and your family safe. You will recover super fast, in the name of Jesus [pray sign emoji].”
Saad ni Kiko Pangilinan, “Praying for you and the family. Praying it is mild [pray sign emojis].”
Sabi naman ni Sylvia Sanchez, “Pagaling ka! Kaya mo yan batang mabait.”
Nagkomento rin ang asawa ni Luis na si Jessy Mendiola na noong nakaraang taon ay nagpositibo rin sa COVID-19.
Read: Pregnant Jessy Mendiola tests, recovers from COVID-19: “Covid-19 is still very much around.”
Aniya, “We love you, papa! You will recover quickly for sure! [red heart emoji].”
READ MORE:
- Celebrity godparents of Jessy Mendiola and Luis Manzano's daughter Isabella Rose
- Luis Manzano, Jessy Mendiola mark second wedding anniversary
- Luis Manzano camp seeks two-day deferment to answer NBI’s subpoena over estafa complaint
- Vilma Santos breaks down when asked about son Luis Manzano's investment issue
- Luis Manzano burns basher after “Ni reveal din Dami png paarte” comment about Baby Rosie
