Ibinalita ni Gigi de Lana na isa hanggang dalawang buwan siyang pansamantalang titigil sa pagkanta dahil nakitaan siya ng nodules sa lalamunan.
Sinabi niya ito nang mag-perform sa SMDC Date Night, na ginanap sa SMX Convention Center, noong Miyerkules April 26, 2023.
Pinayuhan daw siya ng kanyang doktor na ipahinga muna ang kanyang boses.
"Gusto ko sumabay kayo sa akin, kahit di niyo alam ang kanta, kunwari lang. I just want to hear you sing, because I don't know if my voice will remain like this forever.
"Because I was diagnosed already sa throat ko, so please pray for me and now magre- rest ako for two months, and ito yung gig na talagang pinagbigyan namin."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gigi pagkatapos ng kanyang performance.
Dito niya ipinaliwanag ang kanyang health condition.
"Mayroon po akong nodules, pero pre-nodules pa lang po yun, parang pa-ano pa lang... so kailangan ko siyang ipahinga para hindi siya lumalala," saad ng singer.
Ayon sa healthline.com, ang throat nodules ay "noncancerous growths" sa vocal chords na tumutubo dahil sa sobrang dalas na paggamit ng boses na nagiging sanhi para ma-irritate ang vocal cords.
Dahil dito ay tumutubo raw ang malakalyo na growths sa lalamunan, na maaaring lumaki kapag hindi ito napahinga.
Tinatawag din daw itong "singing nodules" o "teacher's nodules" dahil karaniwang nagkakaroon ng throat nodules ang mga singer o teacher.
GIGI DE LANA ON OVERUSING HER SINGING VOICE
Aminado si Gigi na nag-alala siya na posibleng maapektuhan ang kanyang pagkanta kung hindi niya ipapahinga ang kanyang boses.
Lalo pa't alam din niyang gamit na gamit din ang kanyang boses mula pagkabata.
"Of course, it's my passion. And, yung naisip ko na if ever na mayroon talaga akong nodules yung pagka-check up sa akin, kailangan mong operahan.
"Yung thought na hindi ka makaka-kanta, it's hard.
"Kumakanta ako since bata ako, since I was five. And nag-start ako mag-work ng 5 to 10 sa mga contest ganyan.
"Tutulong ka sa magulang mo kung ano ang napalanunan mo, yun ang ibabayad sa tuition mo."
GIGI DE LANA TO REST IN JUNE
Umaasa si Gigi na maagapan din ang kanyang nodules sa lalamunan.
"Malungkot, pero ngayon hindi ko siya iniisip, kasi gusto kong gumaling.
"Siguro by June, kasi as soon as possible kailangan kong mag-rest. Siguro one month of rest.
"Pero doon sa one month na iyon, trust me maraming mangyayari."
May nireseta ba sa kanyang gamot?
Sagot ni Gigi, "Wala po. Rest, medicine. Kung ano man ang prescribed ng doctor or baka steroids, I dont know, mga ganun po siguro," pagtatapos ni Gigi.
More hot stories on PEP.ph:
- EXCLUSIVE: Bianca Umali: The Real Deal
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- Joaquin Domagoso, Raffa Castro celebrate son Scott's baptism and first birthday
- Fil-Am singer na guest sa U.S. concert ni Vice Ganda, nakaranas umano ng pangmamaltrato mula sa assistant ng comedian-TV host