Bilang Kapamilya, mahigit limang taon ang inantay ni Richard Gutierrez bago siya nagbida sa serye.
"Matagal kong hinintay na magkaroon ng lead role sa ABS. So finally, nabigyan nila ako ng opportunity so, ito na iyon, the Iron Heart," ang sabi ng aktor nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February.
At tila naghanda talaga si Richard dahil fit na fit siya ngayon. At hindi raw biro ang kanyang naging preparasyon.
Ayon sa 39-year-old star, “Matagal, mas mahirap na ngayon napansin ko. Kapag nag-e-age ka, mas mahirap na.
"Sa pagkain, kumbaga, double, triple the effort pa. So talagang matagal kong pinaghandaan.
“Matagal ang proseso bago ko na-achieve ang gusto ko. Actually, I’m still working on it. Feeling ko, ito pa lang ang starting point ko.”
Sa trip ng pamilya niya sa Niseko, Japan nitong February, nag-post si Richard ng isang exercise video. Sa caption, binanggit niya ang kanyang "morning routine" kapag walang gym o workout equipment sa kanyang location.
"100 push ups to knee tucks, 100 leg raises, at 100 jackknife."
Tinanong din si Richard kung na-inspire daw ba ito sa kakambal na si Raymond Gutierrez na maganda rin ang physique?
“Actually si Raymond, matagal din niyang trinabaho iyon. Pero naging inspirasyon ko si Raymond. Kung kinaya niya, di ba?”
WHAT RICHARD GUTIERREZ DID TO BECOME FIT
May 20 pounds daw ang nabawas sa timbang ni Richard simula nang seryosohin niya ang pagpapaganda ng katawan.
“In a few months, parang ginawa ko siyang slowly but surely. Hindi ako nag-crash diet. Kasi mahirap kapag crash diet, alam kong babalik agad. Ginawa kong parang more lifestyle.”
Diet at consistent workout daw ang naging bahagi ng kanyang fitness routine.
“Number one, yung control sa food at workout.
"Actually, yung sa food ang mahirap kasi, kapag nagte-taping kayo at nasa iba’t-ibang location kayo, kailangan talaga na you have to watch what you eat. So doon ako nag-concentrate.
“Nagwo-workout ako before taping. At kapag may chance ako na makapag-workout before taping, nagwo-workout ako.”
READ:
Ruffa Gutierrez's goal is to have abs like brother Raymond Gutierrez
Raymond Gutierrez reveals the six food staples in his no-meat diet
Raymond Gutierrez finds a new workout buddy in twin Richard Gutierrez
At the time of this interview, sa Cebu ang location taping ng Iron Heart, kaya mas mahirap daw talagang mag-diet.
“Ang daming masasarap na pagkain sa Cebu...” saad niya.
Nakatulong din kay Richard na ang Iron Heart ay isang action series, kaya kahit nagtatrabaho ay para na rin siyang nagwo-workout.
“May mga action sequences kami sa set, so nakatulong din sa akin iyon, actually. Kasi, I always have to be fit kapag action. Kasi puwede akong ma-injure, pwuede akong magkamali, maaksidente.
“So mas importante sa akin na prepared ako sa mga action sequences namin.”
Hindi rin daw nagpapa-double si Richard sa mga action scenes niya.
“Hindi,” nakangiti niyang sagot.
Aminado naman ang father of two na gustung-gusto niya talaga ang action genre.
Sa pagpapatuloy ni Richard, “Matagal ko nang gustong gumawa ulit ng action. Kasi matagal akong hindi napanood ng mga audience natin sa action. E, kumbaga, doon ako nagsimula. Yun ang kung sino ako, that defines me.
“Ever since before sa GMA, doon ako nag-start, sa action. And I wanted to bring that to ABS, and, at the same time, iba na. Iba na ako ngayon at iba na ang puwede kong maibigay sa audience natin. Kaya nakakatuwa na parang timing lahat ang nanyari.
“Noong mag-launch ang Iron Heart, kami lang ang action noon sa TV noong time na iyon. Nakapag-prepare ako nang maayos kaya parang perfect timing lang.”
Ang Iron Heart ay nag-premiere noong November 14, 2022.
Sa GMA-7, naging male lead siya sa mga action series na Mars Ravelo's Captain Barbell (2006), Lupin (2007), Codename Asero (2008), Zorro (2009), at marami pang iba.
