PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Gaviola, 19, reveals cyst in her breast: "Bumalik siya."

Rita Gaviola hurt by rude comments about her being a young mother.
by Bernie V. Franco
Published Aug 26, 2022
rita gaviola
PBB Season 7 Teen ex-housemate Rita Gaviola says there is a cyst detected in her breast: "Nakikita niyo masaya, pero hindi nila alam may pinagdadaanan din ako."
PHOTO/S: YouTube (Karen Davila) / @itsritagaviola on Instagram

Inamin ni Rita Gaviola, 19, na may iniinda siya ngayon dahil sa cyst sa kanyang dibdib.

“Nagpa-check-up na po ako dati. Meron po talaga siya. Sabi nila po, parang ano, bukol lang talaga. Normal lang sa babae,

“’Tas, ayun, binigyan ako ng gamot. So, uminom ako hanggang sa nawala. Pero bumalik siya,” kuwento ng tinaguriang Badjao Girl sa YouTube vlog ni Karen Davila nitong August 25, 2022.

“Ibig sabihin, tumor ba ito?” follow-up question ni Karen.

“Opo,” sagot ni Rita.

“Pero hindi cancer…” sundot ni Karen.

“Hindi naman siya [cancer],” ani Rita.

Sa kabila nito, aminado si Rita na nag-aalala siya rito.

“So, parang nagtataka na ako ulit kasi bumalik siya at masakit siya, lalo na pag natatamaan siya.

“’Tapos kahit hawak lang, masakit po.”

Tinitiis na lang daw ito ni Rita dahil mas inuuna niyang matulungan ang kanyang pamilya kesa maipatingin ang bukol sa kanyang dibdib.

“Kumbaga, parang kailangan kong tiisin na hindi ako nakapagpa-check-up, kasi imbes na i-check-up ko, ibigay ko na lang sa parents ko pambili nila ng pagkain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganito lang po talaga ako. Nakikita niyo masaya, pero hindi nila alam may pinagdadaanan din ako.

“So, ako, okay lang. Okay lang ako mahirapan huwag lang sila.

“Ayun po ang hindi alam ng karamihan, lalo na yung pamba-bash nila, mas lalong nakakaapekto sa akin iyon. Kaya tiinis ko lang nang tiniis,” saad niya.

Nangako naman si Karen na tutulungan niya si Rita para mapa-check-up ito.

RITA ON BEING A YOUNG MOM

Samantala, nagsalita rin si Rita sa dami ng bashing na natatanggap niya dahil sa pagiging batang ina.

Kamakailan ay ibinunyag ni Rita via social media na mayroon na siyang one-month-old baby girl.

Ang partner ni Rita ay 20 anyos.

Read: Badjao Girl Rita Gaviola replies to bashers after revealing she's now a mother

Tinanong ni Karen si Rita kung ano ang pinakamasakit na batikos ang ipinukol sa kanya.

Sagot niya, “’Maaga ka lumandi,’ ‘Bobo ka, kung inuna mo yung career mo kesa sa kalandian mo,’ Anong ipapakain mo sa bata? Babalik ka sa pamamalimos mo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa akin, ang hirap na parang, ‘Ba’t ganoon, hindi naman nila ako kilala totally? Ba’t nila ako hinuhusgahan? Ganito, ganyan, na ang ipapakain ko raw sa anak ko galing sa hingi…'”

Sa kabila nito, itinuturing daw ni Rita na blessing na magkaroon siya ng anak.

Katuwiran niya, “Para sa akin kasi, kahit sinumang babae, gustong magkaanak.

"Kasi, di ba, maraming mga babae na nangangarap, gustong magkaanak pero di nabibigyan.

"So kami, na ito na, binigyan kami ni Lord, bakit namin papalampasin ito?”

Napansin din daw ni Rita ang malaking pagbabago nila ng kanyang partner mula nang dumating sa buhay nila ang kanilang anak.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PBB Season 7 Teen ex-housemate Rita Gaviola says there is a cyst detected in her breast: "Nakikita niyo masaya, pero hindi nila alam may pinagdadaanan din ako."
PHOTO/S: YouTube (Karen Davila) / @itsritagaviola on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results