Masayang ibinalita ng brodkaster na si Anthony Taberna na unti-unti nang “bumabalik sa porma” ang kalagayan ng kanyang panganay na anak na si Zoey Taberna, 14.
Si Zoey ay may sakit na leukemia o kanser sa dugo.
Read: Anthony Taberna cries while watching video of leukemia-stricken daughter's head being shaved
Nadiskubre nila ang karamdaman ni Zoey noong December 2, 2019. Noong panahong yun ay labindalawang taong gulang pa lamang ang bata.
Pero patuloy nitong nilalabanan ang kanyang karamdaman hanggang ngayon.
Nitong nakaraang Marso 2022, lumipad ang buong pamilya ni Anthony sa Singapore upang isailalim si Zoey sa iba’t ibang gamutan doon.
Makalipas ang ilang buwan, mukhang naka-recover na si Zoey.
Read: Anthony and Rossel Taberna proud to see their daughter Zoey battle leukemia bravely
Sa Instagram kahapon, May 15, ibinahagi ng Dos Por Dos anchor ang larawan ni Zoey na kuha sa isang parke sa Singapore at may taglay nang ngiti sa kanyang mga labi.
Caption ni Anthony: “Kakatuwa naman. Salamat po Ama! Konti na lamang, Achi Zoey. Bumabalik na sa porma! [three heart emojis] #keepthefaith #miracle #SaAmaNakasandal #bravest #inspiringgirl #lovelyZoey @zasiazoey”
View this post on Instagram
Nagpahayag naman ng kanilang kaligayahan sa umaayos na kalagayan ni Zoey sina Bernadette Sembrano, Karen Davila, Amy Perez, at Nadia Montenegro.

Noong April 19, 2022, sinabi ni Anthony na hindi siya pinayagan ni Zoey na lumiban sa kanyang trabaho.
Ito raw kasi ang kaligayahan niya kaya kahit na sumailalim si Zoey sa iba’t ibang gamutan, hinahayaan niya ang ama na magpatuloy pa rin sa kanyang pagbu-broadcast sa DZRH.
Sabi ni Anthony, “Nagsabi ako kay Zoey nung andun kami sa ospital na hindi na muna ako magdo DosPorDos dahil pumayag naman ang management ng DZRH. (susuweldo kahit di pumapasok).
“Sabi ko rin sa kaniya, hindi na muna ako magso-social media para maasikaso ko siya ng 100% habang nagpapagamot siya rito.
“Pero sagot ni Zoey, ituloy ko na gawin ang mga bagay that 'i love doing'. Ayaw daw niyang dahil sa kaniya ay itigil ko ang buhay ko (profession / vocation/ diversion/ passsion o kung ano man yun).”
Kaya labis daw ang paghanga ni Anthony sa anak na kayang tiisin ang anumang sakit na nararamdaman para hindi makapang-abala.
Dagdag pa niya, “Ganyan si Zoey, kung puwede ngang tiisin ang sakit, titiisin wag lang makapang 'abala' sa magulang niya. Kaya, kahit andun ako sa isang sulok ng hospital room at pag sinensyasan ako ni Zoey ng thumbs up, tuloy ang aking fb live, interviews at DosPordos! Salamat din kay Dr. Anselm Lee at sa mga staff nurses na umintindi sa ingay ko. #BilibAkoSayoZoey #GoAchi #KeepFighting #AngDiyosAngBahala @zasiazoey @rosseltaberna”
View this post on Instagram
Hindi pa malinaw kung kailan makakauwi ng Pilipinas ang pamilya ni Anthony.
