Masayang ibinalita ni Nadine Samonte na negative na ang kanyang pamilya sa COVID-19.
Sa kanyang Instagram Stories ngayong Lunes, January 24, 2022, nagpasalamat si Nadine na mild lamang ang mga sintomas nilang lahat na dinapuan ng virus.
Mensahe ng actress-entrepreneur, “From positive to negative na, yahoo!!!! Trust in the Lord.”
Ang labis na inalala nina Nadine at asawang si Richard Chua ay ang kanilang bunsong anak na si Harmony. Isang buwan pa lamang kasi ito pero nahawaan na ng COVID-19.
Patuloy niya, “Grabe ang nangyari sa amin. Kaming lahat nag-positive, kahit si Harmony, buti mild symptoms lang kami and ang mga kids, naagapan agad.
“Thank you, Lord, for everything. We made it.”
Mensahe naman ni Nadine sa kanyang followers, “To everyone pls be safe.”

Noong January 18, sinabi ni Nadine sa kanyang followers na patuloy pa rin silang nagpapagaling sa sakit.
Aniya, “We are still in the grey area but we are okay. Everyones okay even our little Harmony. Thank you Lord hindi mo kami pinabayaan lalo na mga kids. Salamat [heart, praying hands emojis] Prayers to everyone. Pls be safe and God Bless!”
View this post on Instagram
Dumadami na ang mga pamilya sa showbiz na tinamaan ng nakakahawang Omicron variant ng COVID-19.
Kabilang sa kanila sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Iya Villania at Drew Arellano, Aubrey Miles at Troy Montero, at Pia Guanio at asawang si Steve Mago.
