PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ang pagkasawi sa pag-ibig ay posibleng mauwi sa sakit sa puso

So hindi lang bawal magkasakit. Bawal ding masawi.
by Bernie V. Franco
Published Dec 10, 2021
broken heart syndrome
A broken can cause a heart problem called broken heart syndrome. The symptoms include chest tightening.
PHOTO/S: pexels /shutterstock

Hindi na bago sa atin na marinig ang pagkakaroon ng heart problem dahil sa maling lifestyle, family history ng heart disease, at mataas na cholesterol pati na rin blood pressure.

Pero ang pagiging sawi sa pag-ibig o pagiging broken-hearted ay nagdudulot din ng heart problem.

Tinatawag itong broken heart syndrome o kaya ay takotsubo cardiomyopathy.

Sa kondisyong ito, humihina ang puso dahil sa matinding emotional at physical stress.

Ito naman ay panandalian at maaaring gumaling sa loob ng dalawang buwan, ayon sa www.svhhearthealth.com.au.

Ayon sa pag-aaral, “death is rare” sa kondisyong ito, pero ang heart failure ay nangyari sa 20% ng mga pasyenteng nagkaroon ng ganitong kondisyon.

Ito ang posibleng sinapit ni “Kate,” 24 anyos, na naitampok sa Dapat Alam Mo! ng GMA News noong December 3, 2021.

Ipinost pa ni Kate ang video at photos ng nanginginig niyang kamay at mga pasa-pasa sa kanyang katawan.

Mababasa pa sa caption niya na akala niya ng “una ay hindi totoo at OA lang siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

broken heart syndrome

Ipinakita rin niya ang madaming kumpol ng buhok na nalagas mula sa kanyang ulo.

Makikita pa na sinaksakan si Kate ng dextrose matapos isugod sa ospital.

Sasailalim pa siya additional tests para matukoy kung broken heart syndrome nga ang pinagdaanan.

Pero sa caption, mayroon siyang paalala (published as is): “Ndi siya biro,more care and concern sa mga taong nakakaranas nito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa ulat, nagising na lang si Kate na nasa ospital na siya. Ibig sabihin nito, nawalan siya ng malay, na isa ring indikasyon sa broken heart syndrome.

broken heart syndrome

KATE’S BROKEN HEART

Sa panayam kay Kate, inilahad niyang dumaan siya sa matinding heartbreak.

Noong una raw ay nagpapapansin lang ang isang lalaki sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero kalaunan ay nahulog ang loob niya rito. Naging madalas kasi ang kanilang komunikasyon at umabot sa araw-araw silang magkausap.

Nauwi sa relasyon ang kanilang komunikasyon, pero may pangyayaring ikinagulat ni Kate.

Kuwento niya, “Meron pong araw na nag-chat sa akin ang isang babae po na asawa niya daw po sa Pilipinas, pero hindi pa sila kasal. May anak lang po silang isa.”

Tinukoy ng babae na ang ama ng bata ay ang karelasyon ni Kate.

“Nagulat po ako kasi wala po akong alam,” himutok ni Kate.

“Ang pagpapakilala po kasi niya sa akin, may anak siya, pero wala na po sila ng babae. So parang naging kabit ako sa salita po.”

Hindi naman daw makapagbigay nang malinaw na paliwanag ang karelasyon ni Kate.

“Sa love life hindi ko maramdaman ang love ng partner ko, and meron din po akong problema sa pamilya na hindi ko mailabas sa isang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa bigat ng naramdaman ni Kate, humantong nga sa puntong nagising na lang siya sa ospital at nanginginig.

Paliwanag naman ng cardiologist na si Dr. Allan Gumatay, “Ang nakikitang madalas na rason [sa broken heart syndrome] bakit nagkakaroon ng heart problem is an emotional issue: either physical stress o emotional stress na matindi, na nagreresulta sa paghina ng puso.”

Ayon pa sa cardiologist, ang mga sintomas nito ay kahawig ng atake sa puso, gaya ng chest discomfort.

“Parang naninikip yung dibdib, hinihingal bigla, hindi makahinga, pinagpapawisan.

“Yung iba sa matanda, parang mawawalan daw ng malay,” sabi ng doktor.

Madalas ring makaranas ng broken heart syndrome ang mga babae na dumaranas ng mental health issues.

Ang pagkakaroon umano ng “imbalance” ng isang pasyente ay posibleng isang rason, kaya’t ine-encourage ang pasyente na kumunsulta sa psychiatrist.

Payo pa ng doktor: “Stress management ito. Intindihin na normal naman na magkaroon ng pagdamdam sa isang pangyayari, pero magandang isipin din na ito ay di kakaiba para matangap na ito ay normal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A broken can cause a heart problem called broken heart syndrome. The symptoms include chest tightening.
PHOTO/S: pexels /shutterstock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results