Dahil sa enhanced community quarantine dulot ng pag-iwas sa COVID-19, karamihan sa mga Pilipino ay nakakulong lang sa bahay.
At dahil dito, ilan na sa atin ang nakakaranas ng pagkabalisa o hindi mapakali. Meron ding nagiging bugnutin at nakakaranas minsan ng di maipaliwanag na lungkot.
Sa report ni Nelson Canlas ng 24 Oras, malamang na sintomas na ito ng tinatawag na "cabin fever."
Isa itong temporary disorder na nararanasan ng mga taong nakukulong sa isang lugar nang matagal na panahon.
Naranasan daw ito ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya nung sumali siya noon sa reality show na Survivor, at malamang na nararanasan ngayon ng marami nating kababayan na nakakulong lang sa kani-kanilang mga bahay.
Kinausap ni Nelson ang isang psychologist at inalam mula rito ang ilang paraan para makaiwas ang isang tao na makaranas ng cabin fever.
Nagbigay rin ng sarili niyang tips ang Kapuso hunk na si Derek Ramsay.