PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Which makes grilled food taste better: charcoal or gas?

Base sa Science, ano kaya ang sagot?
by Bernie V. Franco
Published Nov 6, 2025
grill
ULING O GAS? We were taught by our elders that grilled food tastes better when cooked over charcoal, but one study says otherwise.
PHOTO/S: Canva

Turo sa atin ng mga nakatatanda, mas masarap mag-ihaw kung ang gagamitin ay uling kesa sa gas.

Malaki raw ang pagkakaiba sa lasa.

Pero lumalabas sa isang ginawang test at sa isang Science-based study na walang kinalaman ang uling sa lasa.

Read: Which country is the biggest consumer of instant noodles?

NINONG RY’S EXPERIMENT

Sa TikTok video ng celebrity chef na si Ryan Morales Reyes, a.k.a. Ninong Ry, nag-ihaw siya ng liempo gamit ang uling at butane.

Ang kanyang goal ay patunayan kung mas masarap nga ba ang inihaw kapag niluto sa uling.

Ang kanyang TikTok video ay ipinost niya nito lang November 4, 2025.

Magkahiwalay siyang nagsalang ng liempo slices.

Sabi ni Ninong Ry, mas mabilis siyang natapos mag-ihaw gamit ang uling.

Pagkatapos, nagsagawa siya ng taste test.

Tinikman niya ang dalawang inihaw na liempo at hindi niya alam kung alin sa dalawa ang niluto sa uling at butane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Ninong Ry na may 10-percent difference ang lasa ng dalawang set ng grilled liempo.

Bago niya hinulaan kung alin ang niluto sa uling at gas, sabi ni Ninong Ry, “Kung mali ako, ibig sabihin lang nito, puwede kang mag-gas at puwedeng kang mag-ihaw na walang pinagkaiba [ang lasa].”

Mali ang hula ni Ninong Ry.

Sabi niya, “Kasi very minimal lang yung difference niya, around 10 percent...”

At ang paliwanag niya ukol sa 10 percent difference: “Ang lasa talaga ay nanggagaling doon sa pagkakasunog ng baboy. At minsan, hirap magsunog ang gas kasi mas mahina yung init niya. Ang uling, mas mainit talaga.

“Pero kung lulutuin mo sila sa same degree, sa parehas na tusta, walang pinagkaiba masyado.”

Ninong Ry
Celebrity chef Ninong Ry conducts an experiment by grilling liempo using charcoal and butane gas to test if there’s a difference in taste.
Photo/s: Ninong Ry on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Atang, inlubi, and other food traditions during Undas

WHAT DOES SCIENCE SAY?

Tugma ang obserbasyon ni Ninong Ry sa May 2021 article na lumabas sa Wired.com, isang American magazine.

Isang advantage ng uling ay mas mainit ito kumpara sa paggamit ng gas, ayon sa artikulo.

Ang sinabing dahilan: “There's very little radiant heat from the flames.”

Ang “radiant heat” ang nagiging sanhi ng pag-init ng barbecue grills o surface para mag-create ng radiation na luluto sa karne.

Ang uling ay lumilikha ng natural radiant heat.

THE DIFFERENCE IN TASTE

Binanggit din ang pag-aaral na ginawa ng Modernist Cuisine, isang Science-based team.

Kinontra nito ang paniniwalang mas masarap ang pagkaing inihaw sa uling.

Sabi nito, “Carbon is carbon; as it burns. It imparts no flavor of its own to the food being grilled.”

Ang totoo raw, ang sinasabing mas masarap na lasa sa ihaw ay nagmumula sa drippings ng iniihaw.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paano ito nangyayari?

Kapag tumutulo ang drippings mula sa karne at tumatama sa heat source, “the oils, sugars, and proteins burst into smoke and flame.

“The heat creates new complex molecules that rise in the smoke and warm air to coat the food you’re grilling,” ayon sa Wired.com.

Giit dito, walang kinalaman sa proseso ng pag-iihaw sa uling.

Binanggit din ang pag-aaral na ginawa ng barbecue world champion chef na si Nathan Myhrvold, na ginagastusan nang malaki ang pag-unawa sa agham ng food at cooking.

At ang katuwiran niya, ang tunay na debate ay hindi sa kung anong uling ang pinakamainam na gamitin sa pag-iihaw, kundi kung kailangan ba ang uling o hindi.

Sa kabila nito, marami pa ring netizens ang naniniwala na mas masarap pa rin kapag uling ang ginamit sa pag-iihaw. Bukod sa ito ang kinagisnan na nila, ito na rin ang nakasanayan.

Sa huli, ang importante naman ay nasarapan ka sa iniluto mo, dahil ang pagpapasarap sa lutuin ay nakabatay rin sa maraming paraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ULING O GAS? We were taught by our elders that grilled food tastes better when cooked over charcoal, but one study says otherwise.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results