Gaano nga ba katagal ang shelf life ng itlog?
Relevant ang tanong na ito lalo pa’t ang itlog ay isang staple food para sa maraming Pilipino.
Kung maramihan kang bumili ng itlog, alam mo bang may expiry sila? Paano mo malalaman kung fresh pa o nabubulok na?
THE SHELF LIFE OF EGGS
Lumalabas na mas tumatagal ang freshness ng itlog kapag inilagay sila sa loob ng refrigerator.
At kahit pa lumampas na sa “best before” date, puwede pa silang magtagal ng isa hanggang dalawang linggo basta’t naka-refrigerate, ayon ito sa report ng U.S. Department of Agriculture sa ulat ng cnet.com.
Halos ganito rin ang sinabi ni Zachary Cartwright, miyembro ng Food Safety and Quality Management Division sa Institute of Food Technologists.
Ang sabi pa ni Cartwright, ang “best before” date ay guideline lamang at hindi strict rule pagdating sa expiration ng pagkain at iba pang products.
HOW TO EXTEND EGGS' FRESHNESS
Nagbahagi ng ilang tips si Cartwright para tumagal ang freshness ng itlog.
Mainam huwag nang tanggalin ang mga ito sa original carton.
Tiyakin din daw na ang patulis na bahagi ng itlog ang nasa ilalim.
Why? “To help maintain their freshness by keeping the air cell at the top. This slows moisture loss and keeps yolk centered.”
Dagdag ng expert, mas recommended na ilagay ang itlog sa pinakamalamig na bahagi ng refrigerator at hindi sa refrigerator door, na mas exposed sa iba-ibang temperature sa tuwing binubuksan.
Sa U.S., ang commercial eggs ay hinuhugasan at sina-sanitize muna, alinsunod sa guidelines ng State Food Safety. Ito ay para makaiwas sa salmonella.
Matapos mabili sa market, i-refrigerate daw agad ang itlog at huwag nang hugasan.
Pero dugtong ni Cartwright: “In some other countries, eggs are not refrigerated because they retain their protective coating."
Samantala, kapag hinuhugasan ang eggs, natatanggal daw ang natural protective coating sa shell at mas nagiging prone sa bacteria.
Pero kapag nailagay sa refrigerator ang itlog, napapanatili ang freshness nila, at naiiwasan ang condensation na puwedeng magresulta sa bacterial growth.
Read: Is it safe to eat hard-boiled eggs with grayish yolks?

THE FLOAT TEST
May isang simple test na maaaring gawin sa bahay matiyak kung fresh pa ang itlog—ang float test.
Ang kailangan lamang ay isang baso ng malamig na tubig kunsaan ihuhulog ang itlog.
Kapag lumubog ang itlog at tumagilid, ibig sabihin ay fresh ang itlog at ligtas kainin.
Kapag lumubog ang itlog pero hindi tumagilid, ligtas pa rin itong kainin, pero hindi na dapat pang patagalin. Ito rin ang dapat unahing lutuin.
Kapag ang itlog ay lumutang, indikasyon itong hindi na sariwa at kailangang itapon na at huwag nang kainin.
"This test works because air builds up inside the egg as it ages, making it more buoyant,” sabi ni Cartwright.
Bukod dito, kung mayroon itong di kanais-nais na amoy at may kakaibang kulay sa egg white at egg yolk, itapon na lang at baka na-contaminate na.
Read: What happens if you eat two eggs a day?
HOW TO SPOT spoiled EGGS
May karagdagang tips din na binanggit ang Nellie’s Free Range, isang egg brand na nakabase sa New Hampshire, USA, para matukoy ang itlog na nabulok—na usually ay sanhi daw ng maling pagkaka-store.
- Kapag ang itlog ay may crack o kaya dent...
- Kapag basag ang itlog dahil may tsansang makapasok ang bacteria at mabulok sa loob lamang ng ilang araw....
- Kapag may hairline cracks sa shell...
- Kapag napansing dumikit ang itlog sa karton (malaki kasi ang tsansang may maliit na crack ito at may lumabas na egg white at tumigas kaya dumikit sa karton)...
- Kapag naging watery o malabnaw ang egg white at egg yolk...
- Kapag madaling mabasag ang egg yolk kapag lulutuin.
Alinman sa mga nabanggit sa itaas ay indikasyon na hindi na dapat iluto o kainin ang itlog.
